MIRASOL
Bahala na! Iyon ang nasa isip ko habang kinukuskos ng bath's sponge ang hubad kong katawan na nakalubog sa napakagandang bathtub na may mabangong aroma. Kailangan ko ng pera kaya ko ito ginagawa. Sabihin man na mali, marumi, nakakadiri...wala na akong pakialam. Mula kay Mr. Cheng ay sa ibang lalaki ko piniling ibenta ang sarili. Triple raw ang ibabayad sa akin, ang sabi ng personal bodyguard nito na siyang sumundo sa akin sa parteng iyon ng lansangan kanina.
Tumakas ako kay Mr. Cheng dahil nakonsensya ako sa balak gawin. Ngunit nang tumawag ang kapatid at sabihin nitong kailangan nang operahan si Lileth ay agad akong nagpasyang bumalik sa lalaki. Paglabas ko sa pinagkukublian ay may tumigil na magarang sasakyan sa tapat ko at inalok nga ako ng nagngangalang Samuel. Handa raw magbayad ng triple ang Boss nito kapalit ng isang gabi. At paano pa ako tatanggi kung nasa ganoon na akong sitwasyon? Hiling ko lang na sana'y hindi matandang lalaki ang amo nito. Pero may magagawa pa ba ako kung kasing edad rin ni Mr. Cheng ang boss na sinasabi niya?
Pinalis ko ang lungkot na biglang naramdaman. Ilang minuto na ako roon kaya ipinasya kong umahon na sa tubig. Ang instruksyon sa akin nung Samuel ay hintayin ko lang daw sa silid na iyon ang boss niya dahil may mahalaga pa raw itong ka-meeting. Sa kabila ng kaba ay agad akong nagbanlaw ng mabulang katawan saka nagsuot ng silk robe na tanging naroon sa banyo.
Paglabas ko ay muntik na akong mapalundag sa gulat nang may mamataang malaking bulto ng lalaki na nakatayo sa salaming dingding ng silid at nakatanaw sa malawak na syudad na napapaligiran ng iba't-ibang ilaw mula sa mga billboards at buildings. May tangan itong bote ng alak at nakatalikod sa gawi ko. Lumingon siya nang maramdaman ang aking presensya.
Muntik na akong matulala pagkakita sa mukha ng lalaki. Kulang ang salitang gwapo para ilarawan ang hitsura nito. May maamong mga mata na tila nanunuyo kung tumingin, matangos na ilong, kilay na tama lang ang kapal pero ang nakapagpatulala sa akin ay ang labi nito na bahagyang mamasa-masa dahil sa iniinom na alak. He is wearing a business suit pero tanggal na ang butones ng pang-itaas ng long sleeve kaya lantad ang mabalahibo nitong dibdib. Kahit medyo dim light ang kulay ng paligid ay nakakasilaw pa rin ang kagwapuhan nito na naghuhumiyaw sa buong silid.
Ito ba ang boss na sinasabi ni Samuel? napaka-imposible naman yata. Bakit ang ganitong hitsura ay kakailanganing bumili ng babae na nakita lang kung saan? sigurado akong sa katayuan pa lang ng pamumuhay ng binata ay maraming babae na ang nagkakandarapa sa kanya, huwag nang idagdag ang mala-adonis nitong katawan at mukha.
Pero teka lang… Bahagyang kumunot ang aking noo nang matitigan ang lalaki na noo'y kay tiim ng tingin sa akin. Parang pamilyar ang mukha niya. Tila nakita ko na ito somewhere o baka nagkakamali lang ako.
"Mukhang sanay na sanay ka na sa ganitong trabaho, ah," wika nito na ikinakunot lalo ng aking noo. Bukod sa sarkastiko nitong boses ay ipinagtaka ko rin ang galit na kalakip niyon.
"S-Sabi po ng bodyguard n'yo...babayaran n'yo raw ako—"
"Yup!" madilim ang mukhang sagot nito saka padabog na ibinaba ang bote ng alak sa side table. Pagkuway naupo itong tila hari sa malaking leather couch na naroon.
"A-ah, eh..." Nangangatal ako at hindi malaman kung ano ang sasabihin. Ang pangangatal ko ay bunga ng pagtitig nito sa aking katawan. Naroon ang pagnanasa ngunit may talim sa mga mata ng binata habang binibistahan ako.
"Oh, I forgot...let's talk about your payment. Magkano ba ang kailangan mo?"
Saglit akong natilihan sa tanong. Para kasing ano mang sandali ay sasabog ito sa galit. Iyon ang tingin kong hitsura nito na ipinagtataka ko nang labis. Naisip ko tuloy na baka wala ito sa mood nang dumating. Marahil ay dahil sa trabaho nito kaya parang yamot ang lalaki. Pero hindi man lang nabawasan ang kagwapuhan niya kahit nagsasalubong ang kilay...ano pa kaya kapag ngumiti ito?
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...