Chapter - 13

934 128 110
                                    

MIRASOL

Palihim akong lumabas ng silid nang makarinig ng ugong ng sasakyang dumating. Siguradong si Señorito Yuan iyon. Hindi ko inaasahan ang tuwa at pananabik na bigla kong naramdaman ng mga sandaling iyon. Kaya patingkayad akong naglakad palabas para silipin ito. Pagkarating sa may sala ng bahay ay nagtago ako sa malaking halaman na naka-display roon. Ayokong malaman ng binata ang aking pagsalubong kaya isiniksik ko ang maliit na katawan sa malaking paso ng halaman. Mula roon ay nakita ko ang pagpasok ni Señorito, ngunit hindi ito nag-iisa. Kasama nito ang kaibigang si Meggan na inaalalayan ang lalaki papasok.

Lasing ba ang Señorito? Naku, mukha ngang lasing ang binatang amo. Naalala ko ang mahigpit nitong sinabi noon sa akin na huwag pupunta sa kwarto niya kapag ganoong lasing ito. Kaya hindi ako maaring magpakita.

"Meggan, I said I'm okay. Thank you, you may go home now," narinig kong sabi ni Señorito sa kasamang dalaga.

"Ihahatid kita sa taas, lasing ka at baka mahulog ka sa hagdanan—"

"No, I can manage. You don't have to be this concern about me. I'm home so I'm safe now."

"Pero—"

"I said go home!"

Narinig ko na lang ang pag-alis ng dalaga at mayamaya pa ay umandar na rin ang kotse nito palabas ng bakuran ng mga Villanueva. Ako naman ay nanatili sa pinagkukublian. Hindi ko malaman kung papaano aalis doon kaya naisip kong hintayin na lang na makaakyat sa taas ang binata bago bumalik ng aking silid.

Ngunit nang paakyat na ito ng hagdanan ay nakita ko na pagiri-giri ang kanyang lakad at paminsan-minsan pang muntikanang matumba kaya napapakislot ako sa kinaroroonan. At nang tuluyan itong mapahandusay sa gitna ng hagdanan ay napatili ako. Dire-diretso itong nag-slide pababa. Bago pa ako nakapag-isip ay tumakbo na ako para tulungan ang lasing na binata.

"S-Señorito!"

"M-Mirasol?" tila nabiglang sambit nito nang maaninaw sa munting liwanag ang aking mukha.

"H-Hindi niyo na po kayang umakyat. Aalalayan ko po kayo," wika ko rito sabay kuha sa mabigat nitong braso para i-angat iyon. "Tayo na po, Señorito," untag ko pa nang hindi ito kumilos.

"Bakit gising ka pa? Hinihintay mo ba ako, hmmm?"  sa halip ay tanong nito sa akin. Tila naman ako napipilan at umiwas ng tingin dito.

"N-Nagkataon lang po na lumabas ako para uminom ng tubig. Tapos po ay nakita ko kayo—" napatigil ako sa pagsasalita nang marinig ang pagtawa nito. Tiningnan ko ito at nakita ko ang ngisi ng lalaki.

"Little liar. But it's okay. I will buy that."

Hindi na ito umimik nang tumayo habang alalay ko. Muli itong humakbang paakyat at ako naman ay nakaalalay sa braso nito. Para namang kaya ko siya kapag natumba eh braso pa lang nito ay pinagpawisan na ako sa sobrang bigat. Mabuti na lang at nakarating kami sa taas nang hindi na ito nahulog. Pagkapasok ng kwarto ay pasalampak itong nahiga nang patagilid sa kanyang kama.

"B-babalik na po ako sa kwarto namin, Señorito," paalam ko sa nakapikit na binata. Palabas na ako sa may pintuan nang tawagin nito.

"Stay for a while, please?" tila pakiusap ng lalaki. Lumingon ako sa kanya pero nanatili ako sa may pinto.

"M-may kailangan pa po ba kayo?" ang nag-aalangan kong tanong.

"Come here, Mirasol," mahinang utos nito. Tila naman ako itinulos sa kinatatayuan. Ayaw sumunod ng aking paa para lumapit sa binata. Lasing ito at kahit mga kuya ko ay hindi ko nilalapitan kapag lango sa alak. Isa pa ay ito rin ang nagsabi na iwasan ko siya 'pag nakakainom. Kahit hindi ko alam kung bakit. "Hey, I said come here!" ulit ito nang hindi ako kumibo.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon