Chapter - 82

653 118 74
                                    

Mirasol

Napapalunok ako habang nakatitig kay Yuan. Parang slow motion sa paningin ko ang pag-agos ng alak na ibinubuhos niya sa katawan. Sa akin siya nakatingin habang ginagawa iyon. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ito naliligo ng alak. Pero may ibang epekto iyon sa akin.

“Mirasol! Mirasol, dali! Tumayo ka riyan!” lapit ni Trisha na mabilis akong hinila patayo. Muntik na akong matumba dahil sa hilo. Hindi pa pala ako nahuhulasan sa nainom kanina.

“Ano ba iyon?” maang kong tanong.

“I-body shot mo na si Yuan, dali!”

“Ha? Ano?” nanlalaki ang mga mata na reaksyon ko. Halos sumigaw na ako para marinig niya dahil napakaingay ng mga tao roon.

“Higupin mo lang iyong alak sa katawan ni Yuan!” anito na lalo kong ikinagitla.

“Ayoko! Bakit ko naman gagawin iyon?” sunod-sunod kong iling. Tumingin ulit ako sa gawi ng nobyo. Nakataas na ang kilay nito habang nakatitig sa akin. Para bang kanina pa ako hinihintay na lumapit.

“Gaga! Sige ka, si Rachelle ang didila sa kanya, gusto mo?” hamon pa nito na ikinapintig ng tainga ko.

“Ano bang gagawin?” naguguluhan kong tanong nang sumama na rito paglapit sa gitna ng crowd. Tilian ang mga babae roon.

“Nakita mo iyong alak na ibinuhos niya? Inumin mo!” halakhak nito.

Pakiramdam ko ay pulang-pula ang mukha ko. Kaya ko ba iyon? tanong ko pa sa sarili. Ngunit nang makita si Rachelle na akmang luluhod sa tapat ni Yuan habang labas ang dila ay walang pagdadalawang isip na lumapit ako sa nobyo. Nakita ko nang pigilan niya ang babae gamit ang isang daliri. Hindi man lang ito napahiya sa ginawa ng binata.

Nagpalakpakan ang mga bisita nang nasa tapat na ako ni Yuan. Para tuloy akong tuod habang nakatayo. Hindi malaman kung paano magsisimula.

“Hey! It’s okay. Gawin mo lang ang ginagawa natin sa kama...” anas ng binata sa tainga ko. Lalo tuloy akong namula.

“Go, Mirasol! Make him moan! Baby, uhmm, uhm!” malakas na boses ni Dale na nakakaeskandalo sa pandinig ko. Ano ba itong napuntahan ko? Kakaiba ang trip ng mga tao.

Hindi ko yata kaya! Tinitigan ko si Yuan para ipabatid dito na hindi ko kayang gawin. Kaya lang ay bigla na lang may tumulak sa akin kaya nasubsob ako sa tiyan ng kasintahan. Mabuti na lang at nahawakan ako sa braso ni Yuan—kung hindi ay sa ‘ano’ niya ako napadausdos. Nang lumingon ako ay nalaman kong si Trisha ang tumulak sa akin. Matalim ko itong tinitigan pero tumawa lang ito.

“Go! Ano pang hinihintay mo?” anito.

“Tulungan na kita, girl!” biglang alok ni Rachelle at ito naman ang inirapan ko. Sabunutan ko kaya ito nang matigil?

“No need!” sabi ko rito saka lumuhod kay Yuan. Inilabas ko ang dila at idinampi iyon sa tiyan niya.

Sobrang lakas ng sigaw na narinig ko. Para bang nag-chi-cheer sila sa akin kaya kahit papaano ay nabawasan ang hiya ko. Napangiwi ako sa pakla ng alak na iyon. Inabutan pa ako ni Dale ng asin. Ilagay ko raw sa dila ko at sinunod ko naman. Medyo sumarap nga ang alak dahil sa asin. Mas sumarap si Yuan.

“Woah! Ang hot!!” tili ng mga babae.

“Yuan, pigilan mo! Baka umumbok!” sigaw ni Xyren na ikinatawa ng lahat.

Lalo lang akong nalasing sa ginagawa. Dinig ko ang malakas na tibok ng puso ni Yuan habang nasa dibdib na niya ang labi ko. Nawala na rin ako sa sarili at pinagbuti ang pagdila rito. Tapos ay pinatigil na niya ako at hinalikan nang mariin sa labi. Muling umingay ang mga tao nang makita iyon. Hindi ko inakala na magagawa kong makipaghalikan sa kanya sa harap ng ibang tao. Grabe!

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon