Chapter - 59

949 96 54
                                    

Mirasol

Nang imulat ko ang mga mata ay hating gabi na batay sa orasang nasa table. Napabalikwas ako ng bangon nang maalala kung nasaan ako. Nasa condo unit ako ni Yuan. Kailangan kong tawagan si Ate Moneth upang hindi ito mag-alala sa akin.

Dali-dali kong hinanap ang cellphone ngunit hindi ko iyon nakita sa kwarto. Pati damit ko ay wala rin doon. Namula ako nang maalala ang nangyari sa amin ng binata kanina. Nasaan na kaya ang mga damit ko?

Ibinalot ko ang hubad na katawan sa kumot saka umalis ng kama. Siya namang pagpasok ni Yuan mula sa pinto ng silid.

“Finally, you’re awake,” he said. Nakasuot ito ng kulay abong roba. Lumapit siya sa akin at hinapit ako sa baywang.

“Y-Yuan, saglit lang! Hinahanap ko ang mga damit ko. Pati cellphone ko ay hindi ko makita,” pigil ko rito nang paulanan niya agad ng halik ang hubad kong balikat.

“Yuan again? Kanina lang ay babe ka ng babe habang nasa kama tayo at—”

“O-oo na. Nakalimutan ko!” putol ko sa lalaki. Ayokong marinig ang kadugtong ng sinasabi nito dahil tiyak ko na lalo ko iyong ikai-ilang rito.

Umupo siya sa gilid ng kama saka ako hinila para mapaupo sa kaniya. Hinayaan ko na lang ito sa paghalik-halik sa pisngi ko.

“Katatapos lang ng meeting ko. Mabuti at gising ka na. I need more of you tonight, Babe,” anito na pinadako ang isang kamay sa loob ng kumot.

Napapitlag ako nang maramdaman ang palad niya sa aking punong hita. Katatapos lang namin at ang totoo ay kumukulo ang sikmura ko dahil sa gutom. Huwag niyang sabihin na uulit kami?

“B-babe, nasaan nga kasi ‘yung damit ko?” tanong ko. Sinubukan kong palisin ang kamay niya ngunit kinunutan lang ako ng noo ng binata kaya hindi ko na inulit iyon. Pinigilan ko na lang ang pagsinghap sa paglilikot ng palad nito sa loob ng kumot.

“Nasa closet. Bakit mo pa ba hinahanap? Hindi ka magdadamit ngayong gabi!”

“Ha? Pero uuwi ako ng bahay! Baka hintayin ako nina Ate—”

“Huwag ka nang mag-alala. Pinapunta ko na roon si Samuel para ipagpaalam ka.”

“P-pero . . .” Hindi pa rin ako kumbinsido. Kilala ko ang kapatid. Hangga’t hindi ako ang magsasabi rito ay hindi ito maniniwala.

“Now, where’s my kiss?” biglang tanong ni Yuan kaya napalinga ako sa kaniya.

“A-ano’ng kiss?”

“Gusto kong halikan mo ulit ako katulad kanina no’ng bigla mo akong sinugod ng halik sa parking lot. Ulitin mo ngayon!”

“Ha?” namumula kong reaskyon. Bigla nitong ibinaba ang kumot sa aking dibdib kaya muntik na akong mapatili kung hindi ko isinubsob ang mukha sa balikat ng nobyo.

“Kung ayaw mo ay ako na lang ang hahalik sa iyo,” sabi pa nito na taas-baba ang palad sa dibdib at kaselanan ko.

“B-babe, mag-uusap pa tayo. May dapat pa tayong linawin—”

“Ano pa? Alam mo na ang lahat, ‘di ba?”

“Hindi pa!”

He sighed. Pagkuwa’y kumamot ito sa ulo.

“Okay. Ano pa ba’ng gusto mong malaman?”

“Paano mo ako nakilala no’ng bata pa ako?” tanong ko.

Saglit naman itong tumigil sa ginagawa. “Nakita kita sa bahay n’yo noong pumunta kami nina Daddy sa inyo.”

“B-bakit m-may sulat si Trisha sa akin noon tungkol sa . . . ” hindi ko maituloy ang nais itanong. Nahihiya kasi ako.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon