Shine
Bilang kagandahang asal kaya napilitan si Yuan na harapin ako. Matapos niyang lagyan ng wine ang baso ko ay nagpaalam ito para magbihis. Sinamantala ko naman iyon para isakatuparan ang plano.
Dali-dali kong kinuha sa bulsa ang gamot na pampatulog at inilagay iyon sa bote ng wine. Sapat para makatulog ito kapag ininom iyon.
Pagbalik ni Yuan ay patay-malisya akong sumisimsim ng wine. Nakasuot na ito ng pajama at puting sando. Humakab doon ang maganda niyang katawan. Talagang mahal na mahal ko ito at nakakalungkot isipin na kailangan ko pang gumawa ng mali para lang maangkin siya.
"Ano bang pag-uusapan natin tungkol sa share n'yo noon?" seryosong tanong ni Yuan na para bang tamad na tamad makipag-usap sa akin.
"C-cheers?" alok ko dahil hindi pa niya nilalagyan ng alak ang kopita niya. Kailangan nitong uminom para magtagumpay ako sa aking balak.
"Tsk! Just tell me what you want ang leave this room immediately. Pa-cheers cheers ka pa riyan-close ba tayo?"
"S-sorry," nakayuko kong saad. Ang sakit talaga nitong magsalita pero ayos lang. Tanggap ko ang lahat dito.
"Now talk!" he said bago kinuha ang bote at nagsalin doon. I smirked when he sipped some wine from the glass. Tagumpay ang plano ko.
"Nalaman ko kasi na daddy pala ni Meggan ang bumili ng shares ni Dad noon. Nagtataka lang ako kung bakit ipinagbili niya kay Tito Paolo ang shares nang ganoon lang kadali samantalang target talaga nila ang magkaroon ng partnership sa VBC," umpisa ko. Bagama't may ibang motibo sa pagtungo roon ay curious talaga ako sa bagay na iyon.
"Honestly, hindi ko rin alam. Wala ako sa Pilipinas nang mangyari iyon," kibit-balikat nitong tugon.
"It happened right after Mirasol's accident. Alam kong malayo kung ikokonekta pero ang weird lang kasi."
Natigilan si Yuan at halatang napaisip din ito. Mayamaya ay kinuha niya ang wine glass at uminom ulit doon.
"Bakit hindi si Tito Charls ang tanungin mo? Kararating ko lang sa VBC kaya anong isasagot ko sa iyo-" saglit na huminto ang binata nang tila makadama ng pagkahilo.
Tama nga ang sabi ng binilhan ko ng gamot. Mabilis at epektibo ang epekto niyon. Mukhang magtatagumpay ako sa plano.
"A-are you okay?" Nilangkapan ko ng pekeng concern ang tinig matapos lumapit at sinapo ang noo ng binata. Muntik na akong matumba nang palisin niya ang aking kamay.
"Get out of this room! You bitch! Anong nilagay mo sa inumin ko, ha?" Kahit galit ay halata na ang panghihina sa boses ni Yuan.
Ngumiti ako sa kanya saka hinaplos ang mukha nito. Wala nang magawa ang lalaki dahil namumungay na ang mga mata niya sa antok.
"Ako at hindi si Mirasol ang pakakasalan mo, Paul Yuan! Ako lang at walang iba!" pabulong kong saad sa kanya.
"Y-you...you'll pay for t-h...is!" anito bago tuluyang mapikit.
Samuel
"Huwag mo akong pilitin, Samuel! Hindi pa ako handa at kahit kailan ay hindi ako magiging handa sa pagsasabi ng katotohanan kay Mirasol!" ang mariing sabi sa akin ni Moneth nang muli kaming mag-usap.
Kahit ilang beses ko itong pilitin ay talagang duwag ito na ilantad ang totoo. Naiintidihan ko naman siya pero natatakot lang naman ako na baka magkasira sila ni Mirasol kapag sa iba pa nito nalaman ang lahat.
"Moneth-"
"Tama na! Huwag na nating pag-usapan ito, pwede?"
Bumuntong hininga ako saka napilitang tumango. Bakas na sa mukha nito ang stressed kaya hindi ko na siya kinulit pa. Iyon nga lang, pagbaba namin ay sakto namang kapapasok lang ni Mico na pinagbuksan ni Tonio. Para tuloy nakakita ng multo ang asawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/272483016-288-k342018.jpg)
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...