Chapter - 31

750 89 48
                                    

Mirasol

“Ibig mong sabihin, ibang lalaki ang kasama mo no’n?” nanlalaki ang mga mata na bulalas ni Grace matapos kong i-kwento sa kaniya ang buong pangyayari.

Nag-aalala kong sinulyapan si Riko na kasama nito nang magtungo sa ospital. Napalakas kasi ang boses ng kaibigan kaya palihim ko itong sinenyasan na hinaan ang pagsasalita. Ang totoo ay inutusan ako ng mga kapatid na ilihim ang nangyari sa akin. Naiintindihan ko na nais lang ng mga ito na protektahan ang dignidad ko mula sa mapanghusgang lipunan. Ngunit dahil malaki ang tulong na nagawa sa akin ni Grace ipinasya ko na sabihin dito ang nangyari.

“Oo, iba. Hindi si Mr. Cheng,” mahina kong sagot.

“Totoo rin ba iyong limang milyon sa tseke?”

“Oo. Pero hindi ko kinuha. Masyadong malaki. Isa pa ay tuliro ako no’ng time na iyon.”

“Sayang. Bakit ‘di mo kinuha? Instant milyonarya kana sana. Grabe namang matanda iyon. Sobrang yaman siguro kaya ganoon,” saad pa ng kaibigan.

Tumango na lang ako sa kaniya. Hindi ko na kasi ipinaalam pa rito ang tungkol sa binatang pinag-alayan ko ng sarili. Hindi ko sinabi na gwapo, mayaman, at bata pa ang bumili sa akin. Tutal ay tapos na naman at hindi ko na ito makikita pa kaya wala ng dahilan para sabihin pa iyon kay Grace.

Ang importante ay maayos na ang aming problema. Successful ang operasyon ni Lileth at pumayag pa ang mga Doctor at ospital management na hulug-hulugan namin ang balance ng mga bayarin. Tuwang-tuwa nga si Ate Moneth nang malaman iyon. Hindi kami makapaniwala na papayag ang ospital. Ni hindi rin nila binigyan ng palugit si Ate kaya lubos talaga ang pasasalamat namin. Masaya kami lalo at siniguro ng nag-opera kay Lileth na dire-diretso na ang paggaling nito.

“Ahmmm . . .Grace,” mayamaya ay untag ko sa kaibigan. “Gusto ko na sanang makalimutan ang nangyari. Sinabi ko ang totoo sa iyo dahil kaibigan kita at malaki ang naitulong mo sa akin. Pero kung pwede ay huwag na nating pag-usapan ang tungkol doon? Gusto ko kasi na ibalik sa normal ang lahat,” mahaba kong wika.

“Naiintindihan ko. Hayaan mo at sikreto lang natin iyon. Pasasaan ba at makakalimutan mo rin ang lahat.”

Tumango ako kay Grace. Pero makakalimutan ko nga ba ang lahat ng nangyari ng gabing iyon gayong tuwing ipipikit ko ang mga mata ay nararamdaman ko pa rin ang mga haplos at halik ng binata sa akin? Tuwing gabi ay napapanaginipan ko ang gwapo nitong mukha. Maaring maka-move on ako sa nangyari ngunit hindi ang makalimot dito. Isa iyong alaala na ituturing kong magandang panaginip.

“Ano’ng pinagbubulungan n’yo diyan?” nakangiting tanong sa amin ni Riko. Tinutulungan nito si Ate sa pag-aayos ng mga gamit na iu-uwi sa bahay.

“Wala. Galingan mo na lang diyan para makuha mo ang boto ni Ate Moneth!” tatawa-tawang sagot ni Grace na ikinatingin ko sa lalaki. Ngumiti ito sa biro ng kaibigan namin. Pagkuwan ay nagkatitigan kami ng kapatid kaya iniiwas ko ang tingin dito.

“Ikaw talaga, Grace, katatapos lang nating mag-usap ay nanunukso kana agad diyan,” saway ko sa katabi.

“Masama ba?” anito saka ako inakbayan. “Kung may lalaki man na tatanggap sa iyo sa kabila ng nangyari—sigurado ako na isa si Riko ro’n,” dagdag pa nito na ikinatigilan ko.

Nang magpaalam sina Riko at Grace at maiwan kami ni Ate sa silid ni Lileth ay kinausap ako ng kapatid.

“Mabait si Riko at kilala na natin mula pagkabata. Bukod doon ay magiliw sa iyo ang tiyahin niya,” wika nito.

Kumunot naman ang noo ko sa narinig. “Ano’ng ibig mong sabihin, Ate?” naguguluhan kong tanong.

Huminga ito nang malalim bago lumapit sa akin. “K-kung sakali na mabuntis ka ay kakausapin ko si Riko. Alam kong mahal ka niya at tatanggapin niya ang lahat sa iyo.”

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon