Vienna
Tulak ko ang wheel chair na kinauupuan ni Daddy habang palabas ng bahay. Ito ang unang araw na madadala namin siya sa isang therapyst. Kahit manlang makapagsalita ito nang ayos ay okay na sa akin.
Malaking tulong ang pagiging personal secretary ni Sir Lucas upang makaipon ako. Mas lumaki ang sahod ko at kahit maraming trabaho ay lumuwag naman ang schedule ko mula noon. Nang makaipon nang sapat ay therapy agad ni Dad ang inuna ko. Medyo natagalan nga dahil may hinuhulugan pa akong utang namin sa banko para hindi mailit ang bahay namin.
Mahirap man ay kinakaya namin ni Mommy. Unti-unti kaming nasanay sa simpleng pamumuhay. Kung dati ay puro kami pasosyal—ngayon ay natuto na kaming magtipid. Para manatili kaming buo. Kaya gagawin ko ang lahat para bumalik sa dati ang kalusugan ni Daddy.
Pagkalabas ng bahay ay naghintay kami ng trycicle sa tapat. Mas makakatipid kami roon kaysa kumuha ng taxi. Hindi naman na mahirap i-upo si Dad dahil naiigalaw na nito ang katawan kahit papaano. Hirap pa nga lang ito makapagsalita.
“Ayan, parahin mo, anak!” sabi sa akin ni Mommy nang makita ang paparating na tricycle.
Itinaas ko naman ang isang kamay para pumara subalit natigilan ako nang makilala ang driver niyon.
“R-riko...”
Bumaba si Riko at agad na lumapit sa amin. “Papunta po kayong ospital?” tanong nito kay Mommy.
“Oo. Therapy ni Bert.”
“Sige po. Samahan ko na kayo.”
“Ano? W-wala ka bang pasok ngayon?” pigil ko naman sa binata.
“Wala. Kaya ipinasada ko muna itong tricycle ko.”
“I-ihatid mo na lang kami sa ospital.”
“Samahan ko na rin kayo. Mahirap kung walang aalalay sa daddy mo.”
Inihatid nga kami ni Riko sa ospital at lihim akong natuwa nang tinotoo nito ang sinabi na sasamahan kami hanggang matapos ang therapy. Totoo namang hindi namin kayang buhatin si Daddy pagsakay at pagbaba. Noong nasa ospital na ay saka lang may mga staff na tumulong sa amin. Pero nanatili pa rin si Riko sa tabi ko.
Pakiramdam ko’y lalo ko siyang minahal dahil doon.
Samuel
Hindi ko alam kung bakit sa akin nabunton ang talim ng tingin ni Moneth. Nananahimik ako sa kusina nila katabi si Lileth na tinutulungan ko sa pagbabalot ng yema. Nadi-distract lang ako sa nanay niyang panay ang irap sa akin mula sa panonood ng TV sala.
Bad trip daw ito, ayon kay Tonio, dahil sa pagtira ni Mirasol sa condo ni Yuan. At dahil amo ko ang dahilan ay tama bang idamay niya ako sa inis niya? Desisyon iyon ng kapatid niya kaya bakit naman sa akin niya ibubunton ang galit?
“Tapang ng mama mo,” bulong ko kay Lileth. Tumawa naman ito saka nilingon ang mama niya.
“Sabi ni Tita T. kulang daw sa dilig si Mama kaya masungit. Ano’ng ibig sabihin n’on?”
Napahagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi ng dalagita.
“Ang ingay! May nanonood dito!” narinig kong pasaring ni Moneth kaya tumigil ako.
“Huwag ka ngang makinig sa mga kalokohan ng tiyuhin mong bakla!” sabi ko sa bata.
“Curious lang naman ako, e. ‘Di naman halaman si Mama, bakit kailangan ng dilig?”
Muli sana akong tatawa nang maalala si Moneth kaya yumuko na lang ako at pinilit magseryoso.
“Bawal iyon sa mga bata kaya huwag mo na lang isipin,” tila nangangaral na sabi ko rito. Nagkibit lang ito ng balikat saka nag-focus na ulit sa ginagawa.
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...