Chapter - 54

908 105 58
                                    

Mirasol

First time kong makapunta sa conference meeting kaya medyo kabado ako. Ngunit sa kabila niyon ay masaya ako. Maraming naghahangad na maging secretary ng CEO ng VBC dahil bukod sa mataas na sweldo ay para kana ring na-promote sa trabaho.

Ganito pala ang ginagawa sa opisinang ito. Seryoso ang lahat at mga nakatutok sa trabahong pinag-uusapan nila. Kahit si Señorito Yuan ay pansin ko na sobrang focus sa meeting. Naka-upo ako sa tabi niya at alisto sa lahat ng kailangan ng binata. Iyon ang isa sa itinuro sa akin ni Ms. Salud. Dapat daw ay lagi akong handa. Iyong bago pa lang daw hihingiin ni boss ay nasa harapan na raw agad nito. Nagpapasalamat ako dahil wala akong naging mali sa unang araw ng aking trabaho bilang personal secretary ni Señorito.

Pagkatapos ng meeting ay mabilis ko nang inayos ang mga gamit nito. Nagtaka ako dahil hindi pa siya kumikilos sa pag-alis doon. Patay-malisya na lang akong tumayo habang kipit ang mga folder at notepad nito.

“You’re good. Kinabahan ka ba kanina?” biglang tanong nito sa akin.

“M-medyo,” sagot ko.

“Well, ganiyan talaga ‘pag first time.” Pagkasabi niyon ay tumayo na siya at lumakad patungo sa pinto. Sumunod naman ako sa pag-aakala na lalabas na siya ng conference room. Ngunit nagulat ako nang makitang ini-lock nito ang pinto.

“S-sir—”

Muntik ko nang mabitawan ang mga bitbit nang humarap siya sa akin at sa isang iglap ay kinabig ako palapit sa kaniyang katawan.

“Kanina pa kita gustong halikan! Ang tagal lang ng meeting! Tsk!”

“Ha?” maang kong reaksyon. Hindi ko alam na ganoon ang iniisip niya kanina dahil buhos ang atensyon nito sa trabaho. Nang bumaba ang mukha nito sa akin ay mabilis kong iniiwas ang labi saka itinuon ang mga kamay sa dibdib nito. “S-señorito, nasa conference room tayo!” paalala ko sa lalaki.

“Ano naman?” anito saka inis na kinuha ang mga gamit sa aking kamay at basta na lang iyon ibinaba sa table. “Hahalikan kita kahit saan ko man gustuhin!”

“Pero—”

“Mirasol, ayoko nang pakipot! Halik lang ang hinihingi ko. Kapag tumanggi ka pa nang tumanggi ay baka higit pa ro’n ang gawin ko?” May halong pagbabanta ang huli nitong sinabi kaya naman natakot ako.

Grabe! Dito talaga? Ayoko sana pero tiyak na tototohanin nito ang banta sa akin. Kaya nang muli nitong tangkain na halikan ako ay agad kong hinarangan ng isang palad ang nguso niya.

“S-saglit lang po!” alanganin kong sabi. Saka mabilis na kinuha ang panyo sa bulsa ng skirt kong suot. He rolled his eyes habang tila naiinip sa paghihintay. Dali-dali kong pinunasan ang labi para maalis ang lipstick.

“Pwede na ba?” ang hindi makapaghintay nitong tanong.

“S-sige na. Okay na po,” sagot ko nang matapos. Ibabalik ko pa lang ang panyo sa aking bulsa ay binihag na agad ng binata ang aking labi.

Matakaw sa halik ang anak ni Tita Yuna. Kapag nagpatuloy ito sa ganitong gawain ay baka ma-addict na rin ako. Natatakot ako na baka hanap-hanapin ko na lagi ang halik at yakap ni Señorito dahil sinasanay niya ako.

Pikit na pikit ako habang naghahalikan kami kaya lalo kong nararamdaman ang init ng kaniyang labi. Tumagal ang halik na iyon nang ilang segundo bago ako pilit na kumawala para suminghap ng hangin. Pero saglit lamang iyon dahil heto na naman ang labi niya na tila hindi pa kontento. Muli niya akong hinalikan nang mariin at nadarang na naman ako. Ang mga kamay ko na nasa kaniyang dibdib ay lumipat nang kusa sa batok ng binata. Inilapit ko pa nang sobra ang sarili habang ginagantihan ang kaniyang halik.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon