Mirasol
Saktong alas-dies ng gabi ay nasa tapat na kami ng bahay namin. Maaga pa kaya tiyak na gising pa ang mga kapatid ko. Nahihiya akong nagpaalam kay Señorito. Hindi ko siya maalok na bumaba dahil nangangamba ako sa magiging reaksyon ni Ate Moneth. Batid ko na malamig pa rin ito sa binata sa kabila ng pagpayag nito sa aming relasyon.
“Salamat sa date, Señorito—Yuan,” wika ko habang inaalis ang seatbelt.
“Welcome. Saka na lang ako papasok sa bahay n’yo kapag kasama ko na si Samuel. Baka masampal na naman ako ng ate mo, eh,” anito na bahagyang sumimangot.
Natawa naman ako ngunit saglit lang. Bigla kasi nitong hinawakan ang isa kong kamay kaya napatitig ako sa kaniya.
“B-bababa na ako,” mahina kong saad.
“Okay,” he said saka ako hinalikan nang mabilis sa labi. Namula na naman ako sa ginawa ng binata. Naalala ko ang halik na pinagsaluhan namin sa hotel. Walang-wala sa simpleng halik nito ngayon ngunit parehong nagdulot ng hindi maipaliwanag na pakiramdam sa akin.
“G-goodnight,” sabi ko nang makabawi.
“Sweetdreams,” dugtong nito.
Nakita ko na nabuhay ang ilaw sa labas ng bahay namin kaya mabilis na akong bumaba sa kotse. Kumaway pa ako sa lalaki bago pumasok sa bakuran. Naabutan ko sina Ate Moneth, Tonio at Grace sa loob. Nanghahaba ang leeg ng dalawa sa may bintana habang nakahalukipkip si Ate sa tabi nila. Nagtaka ako dahil narito pa si Grace sa bahay namin.
“Sistah! Bakit hindi mo manlang pinababa ang boyfriend mo?” lapit ni Tonio sa akin.
“Oo nga,” sang-ayon ni Grace. “Kanina pa kami naghihintay. Titingnan ko lang kung talagang pogi. Panay ang pagmamalaki ng baklang ito, eh.”
“Ha? Eh, kasi’y gabi na. M-may pasok pa bukas kaya hindi ko na pinababa,” ang nahihiya kong sagot sabay sulyap sa nakatatandang kapatid.
“Sayang. Dito pa naman ako matutulog para makita siya,” wika ng kaibigan.
“Saan pala kayo pumunta?” excited na tanong ulit ni Tonio.
Naupo naman ako habang nagtatanggal ng sapatos. “Sa hotel. Kumain kami saka nag-usap.”
Sabay pang kinilig ang dalawa. Napangiti tuloy ako. Tumikhim si ate kaya natahimik kaming tatlo.
“Alam ba ni Riko na may nobyo kana? Ang tagal niyang naghintay rito kanina. Hindi ko lang masabi na may date ka!” anito na ikinatigilan ko. Ngayon ko lang naalala ang binata. Ang tagal na kasi mula nang huli kaming magkausap.
“Oo nga, Sol. Medyo nakakaawa si Riko,” segunda ni Grace.
Agad namang kumontra si Tonio. “Wala naman tayong magagawa kung sa iba nagkagusto si Mirasol. Pero kausapin mo pa rin, Sistah,” baling pa sa akin.
Bigla tuloy akong nagka-problema. Hindi ko kayang sabihin kay Riko ang tungkol kay Señorito. Pero mukhang kailangan talaga nitong malaman ang totoo.
Nang gabing iyon ay muling naging mailap sa akin ang antok. Nag-iisip ako kung paano ko sasabihin sa kababata na may nobyo na ako. Bukod doon ay hindi ko makalimutan ang nangyari sa aming unang date ni Señorito Yuan. Nararamdaman ko pa ang halik nito sa akin. Kahit pumikit ako ay paulit-ulit kong naririnig ang pag-a-I love you niya. Kapag nagpatuloy ang pagpupuyat ko ay baka magkasakit na ako! Mula nang maging nobyo ko ang binata ay kulang na lagi ang aking tulog. Pero ang nakakatawa ay sigurado naman ako na gigising akong masigla at may ngiti sa labi.
Paul Yuan
Ang aga ng mga ugok sa opisina ko. Nauna pa yatang dumating sa VBC sina Patrick at Xyren kaysa sa akin. Alam kong gusto lang maka-tsismis ng dalawa kaya ang agang mambulabog.
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...