Mirasol
Wala akong imik habang naghahapunan kasama nina Yuan. Down na down ang pakiramdam ko dahil sa nangyari sa amin ni Shine kanina. Pero ang mas inaalala ko ay kung ano ang iniisip ngayon ni Tito Paolo matapos niyang marinig ang convo namin ng babae. Ilang ulit kong tinangkang lumapit dito kaya lang ay nawawalan ako ng lakas ng loob. Wala man itong ipinapakitang masama sa akin ay mukhang hindi naman ito hiyang na kausapin ako. Sa kanya lang ako naiilang sa bahay na iyon. Kina Tita Yuna at Pauline ay wala akong problema. Masaya silang kasama maliban lang talaga sa daddy ng kasintahan.
Pero bilang nobya ni Yuan ay kailangan kong humingi ng dispensa sa daddy niya. Baka kasi isipin nito na nagmamaldita na agad ako hindi pa man kami nakakasal ng anak niya. Syempre ayokong isipin iyon ng lalaki. Kahit mas paniwalaan niya si Shine ay mabuti pa ring makapagpaliwanag dito.
Kaya naman nang matapos kumain at mag-aya sa movie room si Pauline ay hinintay ko na makalapit kay Tito Paolo. Nang tumunog ang cellphone nito ay nagpaalam ang lalaki para sagutin iyon sa labas. Nagkunwari naman ako na maglalagay ng panibagong snacks sa tray kaya lumabas din ako.
Palihim akong sumunod sa lalaki na nagtungo sa terrace. May kausap pa ito kaya matiyaga akong naghintay sa likuran niya, sinasaulo ang dapat na sabihin. Hihingi lang ako ng dispensa at hindi na hahabaan pa ang pagpapaliwanag dahil baka magmukha akong defensive. Ang tagal nga lang ng pakikipag-usap nito sa kabilang linya. Muntik na akong mangalay sa pagkakatayo.
Paglingon ni Tito ay nasapo nito bigla ang dibdib. Nagulat ko pa yata ang matanda. Puti pa naman ang suot kong damit. Baka akala nito white lady ako.
“Mirasol?”
“T-tito, s-sinundan ko l-lang po kayo p-para sana humingi n-ng d-dispensa tungkol—”
“Just calm down. Hindi ko maintindihan ang sinasabi mong putol-putol,” wika nito.
Nauutal ba ako? Kinakabahan ako pero hindi naman siguro ako nauutal.
Huminga ako nang malalim bago inulit ang sinasabi. “S-sorry po sa nangyari kanina. Hindi na po iyon mauulit,” ulit ko.
Tumango ito sa akin. “It’s okay. Huwag mo nang isipin iyon.”
“S-salamat po,” Nakahinga ako nang maluwag. Sana ay totoo ang sinabi nito. Ayoko talagang ma-bad shot sa parents ni Yuan.“Bumalik na tayo ro’n,” aya ni Tito kaya sumunod na rin ako sa kanya.
Pero kahit nakausap ko na ang lalaki ay nananatili ang bigat sa aking dibdib. At alam kong dahil pa rin iyon kay Shine. Tuluyan na kasing nasira ang pagkakaibigan namin. Iyong pinagsamahan namin na pilit kong pinanghahawakan ay itinapon nito nang ganoon na lamang. Tama nga ang kasabihan na mahirap makahanap ng totoong kaibigan.
“Babe, bakit malungkot ka?” tanong ni Yuan nang yakapin niya ako mula sa likuran. Tapos na palang magbasa ang binata. Ang dami kasi nitong nire-review at kung bakit ay dito sa kwarto niya mas gustong magtrabaho gayong may library naman sa bahay nila.
“Malungkot ba ako? Hindi lang ako makatulog,” pagsisinungaling ko.
Ang gwapo mo kasi kaya pati si Shine nawala sa sarili, gusto ko sanang sabihin.
“You want sex?”
Napanganga ako pagkuwa’y inirapan siya. “Yuan!”
“Joke lang! Ang seryoso mo kasi, e. Baka naman nadala ka sa movie kanina?”
Umiling ako. Drama romance kasi ang pinanood namin kanina dahil iyon ang gusto nina Tita Yuna at Pauline. Hindi ko nga akalain na iiyak iyong dalawa. Sabagay, nakakaiyak naman talaga pero hiya ko na lang kung makikisabay pa ako sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomansaMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...