8 Years later
Vancouver, Canada
YUAN
Napupuno na ng mga tao ang Bar na iyon ngunit wala pa ang aking hinihintay. Panay ang tingin ko sa suot na wrist watch, thirty minutes na lang at magsisimula na ang party. Anniversary ng pinaka-inn at pinaka-sikat na cocktail Bar and Restaurant na itinayo namin ni Patrick five years ago sa bansang iyon kaya dagsa ang mga tao. Ang iba ay kilala ko na dahil regular customer doon.
I am twenty-six years old now, and I can say that I'm finally free from my father. He built a Bar which is Eco Bar, so I also built my own—ang P.Y. cocktail Restau-Bar. Next year ay magkakaroon na rin ng P.Y. sa Toronto, pero uunahin ko ang pagtatayo ng Construction Company na matagal ko ng balak. So my Dad will see that I can reach the top without his help. Alam kong malayo pa ang tatahakin ko para pantayan ang narating niya ngunit sisiguraduhin kong walang makakahadlang sa akin patungo roon.
Ilang saglit pa ay natanaw ko na ang pagdating ng aking special guest. Alalay ito nina Xyren at Trisha. No other than my beautiful Mother. Madalas na nasa Canada ang mga magulang dahil halos narito nang lahat ang mga pamangkin ni Daddy. Tulad nina Tristan at Harry na dito na naka-base kasama ng mga pamilya nila. Sa walong taon ay iilang beses lang kaming nagkita ng ama. Kapag may mahalagang okasyon ay saka lang ako napunta at kung sa Canada sila nagse-celebrate niyon, dahil hindi na ako umuwi ng Pilipinas mula nang umalis ako para mag-aral. Gayon pa man ay hindi kami nawalan ng komunikasyon ng ina at kapatid ko.
Ang balita ko ay bumili ng bahay si Daddy sa bansang iyon pero hindi ko pa napupuntahan. Si Pauline ang lagi nilang kasama sa mga business tour nila. Napirmi lang sa Pilipinas ang bunsong kapatid nang magkaroon ito ng nobyo. Wala naman sa akin iyon dahil kilala ko naman si Lucas. Anak ito ng namayapang kaibigan ni Dad. Hindi ko alam kung paano sila nagkakilala ni Pauline pero wala akong balak pakialaman ang lovelife ng kapatid. Basta na lang ito tumawag isang araw ay ibinalitang may boyfriend na siya. Ilang beses kong tinawagan si Lucas para makausap pero hindi nito sinasagot ang mga iyon. May nais lang kasi akong kumpirmahin. Nakikita ko kasi ito noon sa bahay nina Trisha at ang akala ko ay ang dalawa ang may relasyon kaya nagulat ako nang sabihin ni Pauline na si Lucas ang boyfriend niya.
Tulad nga ng sabi ko, ayokong makialam sa lovelife nila, but I want to make sure na tapat ang lalaking iyon sa kapatid ko. Lovelife man lang ni Pauline ang maging maayos—hindi tulad ng sa akin.
Hindi na kasi mahanap ng tao ko sa Pilipinas ang kinaroroonan ni Mirasol. And I hate my father because of that. Lalong lumayo ang loob ko sa ama at kung maaari lang ay ayaw ko na itong makita pa. Naaalala ko lang ang ginawa niya kaya kami magkalayo ni Mirasol ngayon. Hangga't hindi ko natatagpuan ang babaeng minamahal ay hinding-hindi ko kakausapin ang sariling ama.
"Yuan! I missed you, Anak!" mangiyak-ngiyak na wika ni Mommy nang yakapin ako pagkalapit nila. I hugged her too.
"Missed you too, Mom, kahit araw-araw tayong magkaharap sa video call," natatawa kong bulong dito.
"Ganoon talaga ang ina, laging nami-miss ang mga anak. Kung bakit kasi ang layo mo! Hmmp!" may munting tampo sa tinig na tugon nito. Hindi ko na siya sinagot at baka sa drama na naman mauwi ang usapan.
Inalalayan ko ang ina patungo sa opisina para makapag-usap kami ng tahimik. Sina Xyren at Trisha ay dumiretso na sa nagkakaingay na mga tao sa loob ng Bar kung saan naroon si Patrick na abala sa page-entertain ng mga VIP namin.
"Akala ko ay kasama mo si Pauline pagpunta rito?" patanong na sabi ko nang maupo kami.
"Hindi na sumama ang kapatid mo kaya kami na lang ng daddy mo ang nag-flight," sagot ni mommy. Alam ko naman na hindi makakatungo roon ang ina na hindi kasama si Dad.
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...