Chapter - 69

830 89 51
                                    

Vienna

Dire-diretsong sumakay ng elevator si Mirasol kaya mabilis ko siyang sinundan. Pinigilan ko ito ngunit pumiksi lang ang babae. Wala akong nagawa nang tumaas ang sinasakyan namin.

“May naiwan ka ba sa condo ni Ms. Shine?” tanong ko rito. As if naman na sasagot ito nang matino? Tsk.

“Wala.”

Aba at sumagot nga! Pero nanlaki ang mata ko nang makita na sa dulong floor ang punta namin. Ano’ng gagawin niya roon?

“May problema ka ba, ha?” tanong ko sa babae. Naisip ko kasi na baka sa rooftop nito nais magtungo. What if bigla itong tumalon doon at mapagbintangan pa akong tumulak sa kanya? Malay ko ba kung depressed ito ngayon?

Nagulat pa ako nang bigla itong humikbi. Bakas sa mukha niya ang bigat ng kalooban. Ngayon ko lang nakita si Mirasol na ganito kalungkot.

“Hoy! Ano’ng drama iyan?” kunwari ay pagtataray ko. Hindi kasi ako sanay na i-comfort ang babae. At bakit ko pati iyon gagawin? Close ba kami?

“Nagsuklay lang naman ako. Tapos nagalit na siya...”

Ha? Maang akong napatitig sa mukha nito. 

“Hindi na niya ako kinakausap. Feeling ko break na kami.” Suminghot pa ito pagkasabi niyon.

“You mean, may problema kayo ni Sir Yuan?” curious kong tanong na umandar ang katsismosahan.

“H-hindi ko alam kung mayro’n ngang problema. Aalamin ko pa lang ngayon!” anito sabay pahid ng luha.

Humalukipkip naman ako at nag-isip ng sasabihin. “Kung ‘di ka niya pinapansin, eh, ‘di huwag mo ring pansinin! Bakit ka magpapakatanga r’yan?”

“Kasi mahal ko siya! Huhuhu...”

Ay, kaloka! Ganito pa lang ma-in love ang babaeng ito, naisip ko. Sabagay, kung maging kami ni Riko—baka ako rin ang unang manunuyo sa kanya kapag nagkaroon kami ng tampuhan. .

Pero teka—Saan nga ba kami pupunta?

“Mirasol, bakit ang bilis mong maglakad? Pasaan ka ba?” tanong ko nang dali-dali itong lumabas ng elevator at nagtungo sa tapat ng isang pinto.

“Umuwi ka na, Vienna,” taboy nito sa akin habang hinahalungkat ang bag na tila may hinahanap.

“Sabay tayong uuwi. Hindi kita pwedeng iwan dito. Ano ba? Baka mapagkamalan kang akyat-bahay—I mean, akyat condo gang!”

“Bakit naman?”

“Tingnan mo nga ‘yang ginagawa mo? At talagang gagamit ka pa ng susi para magbukas niyan, ha? Hoy!”

Nanlaki ang mga mata ko nang tuluyan nitong mabuksan ang pinto gamit ang susing hawak. Wala sa loob na sinundan ko ang babae nang dire-diretso itong pumasok doon.

Puno ng CCTV ang building kaya tiyak na damay ako kapag may nakakita sa amin. Hinila ko ang kababata palabas pero nagmamatigas talaga ito.

“Ano ba, Mirasol? Ayoko pang makulong dahil sa iyo! Bago pa lang gumaganda ang career ko tapos ay sisirain mo na agad?”

“A-ano bang sinasabi mo?” maang nitong tanong na namumungay ang mata dahil sa kalasingan. Alam kong wala ito sa tamang wisyo.

“Hindi ko alam kung paano ka nagkaroon ng susi nito pero umalis na tayo bago pa tayo mahuli ng mga guard sa ibaba—”

Natigilan ako sa pagsasalita nang makarinig ng yabag ng paa mula sa itaas ng hagdanan.

Patay na! Damay na ako! Kung bakit sumama pa ako sa bruhang ito!

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon