Chapter - 90

593 82 51
                                    

Mirasol

Dahil kailangan akong sukatan ng isang modista ay sumama ako kina Tita Yuna at Trisha pagtungo roon. Tamang-tama dahil break time naman kaya may oras pa akong bumalik sa kompanya pagkatapos. Sila na ring dalawa ang kasabay kong nananghalian. Malapit lang naman sa VBC ang boutique shop na pinuntahan namin kaya hindi ako magagahol sa oras pagbalik. Nalaman ko pa na pinsan pala ni Shine ang may-ari ng shop.

“Dapat pinakamaganda ka sa gabing iyon, Mirasol. Engagement n’yo, eh,” ang natutuwang sabi sa akin ni Trisha habang nakaharap kami sa malaking salamin suot ang isinukat naming dress.

“Imposible iyon lalo at nandyan ka,” ngisi ko sa babae.

“Ganoon? Mas maganda ka kaya sa akin.”

“Pa-humble ka pa, Trisha. Ang ganda-ganda mo. Pati ang kinis ng balat mo.”

“Mana kay mommy ang balat ko,” kibit-balikat na anito. “Anyway, si daddy lang ang makaka-attend ng party kaya hindi kita maiipakilala sa kanya. Kinukwento kasi kita lagi kay Mommy,” dagdag pa nito.

“Kinakabahan ako sa totoo lang. Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga tao? Parang inaatake ako ng anxiety kapag naiisip ko ang pwede nilang sabihin—”

“Hep!” awat agad ng dalaga sa akin. “Just be yourself. You don’t have to impress them. Si Yuan lang naman ang importante dahil siya ang fiance mo. Kung family naman namin ang inaaalala mo ay ‘wag kang mag-alala. Mababait silang lahat, promise!” sabi pa nito na pinapalakas ang aking loob.

“Alam ko naman iyon. Kaya lang, hindi ko talaga maiwasang kabahan.”

“A-attend ba sina Ate Moneth?” tanong nito mayamaya.

“O-oo.”

Tumango-tango ang dalaga. Mayamaya ay tinawag na kami ni Tita Yuna at inayang umalis. Sa isang japanese restaurant kami dumiretso para sa lunch. Naging maingay ang pagkain namin dahil sa ginang. Halatang excited na excited ito sa engagement.

“Sayang nga lang at wala si Pauline. Sinabihan ko na nga ng tungkol sa engagement ng kuya niya pero malabo pa ring makauwi ang batang iyon,” malungkot nitong sabi pagkatapos.

“Baka hindi pa siya handa, Tita. Hayaan na lang muna natin si Pauline,” ani Trisha na tingin ko ay biglang nailang. Bakit kaya?

PAGKATAPOS ng lunch na iyon ay bumalik na agad ako sa VBC. Pagpasok ko sa lobby ay muntik ko nang mabangga ang isang dalaga na nakaharang sa gitna.

“S-sorry, Miss!” paghingi ko agad ng pasensya. Inirapan lang ako nito bago inis na naupo sa bench sa waiting area.

Kulot ang buhok nito at napakakapal ng make-up. Ang hitsura nito ay iyong tila pasaway na teenager. Yes, mukha itong teenager sa bihis na maikling leather skirt at tube top na pinatungan ng leather jacket. Rakista? Hindi ko tuloy mahulaan ang edad nito dahil sa out fit. Pero kahit fierce ang make up ng babae ay hindi maikukubli ang taglay nitong ganda.

Dahil sa pagmamasid dito ay hindi ko napansin na kanina ko pa pala ito tinititigan. Nakita ko nang lapitan siya ng isang empleyado ng VBC.

“Sorry, Miss. Busy raw si Mr. Delgado kaya hindi ka niya mahaharap ngayon, ayon sa secretary niya. Bumalik ka na lang.”

“What? Kapatid niya ako kaya hayaan mo akong pumunta sa kanya.”

Nagulat ako sa pakikinig. Kapatid ito ni Sir Lucas? Bakit hindi makapasok?

“Sorry po talaga. Bumalik na lamang po kayo sa ibang araw.”

Walang nagawa ang dalaga kun’di marahas na bumuntong hininga. Para pa ngang nasira ang araw nito. Nang makita niya akong nakatitig ay tinaasan niya ako ng kilay na para bang sinisita ako.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon