Chapter - 03

1.1K 139 150
                                    

MIRASOL

Lumipas ang ilang araw. Minsan ay dumating ang mga kaibigan ni Señorito Yuan sa mansyon, dalawang babae at tatlong lalaki na kamag-anak daw nito ang isa na Xyren ang pangalan ayon sa uspan ng mga kasamabahay. Sa swimming pool area tumambay ang mga magkakaibigan at doon nag-bonding. Nang maalala ko naman ang pag-uusap namin ng binatang amo ay agad akong nagkulong sa silid. Naalala ko ang sinabi niya na hindi ako maaring lumabas kapag may bisita siya kaya sinunod ko naman agad para hindi makagalitan. Kaya lang-kinatok ako ni Bing.

"Hoy, Ineng, Ipapaalala ko lang sa'yo na hindi ka prinsesa rito, ha! alam mong may bisita si Señorito," iritang bungad nito nang pagbuksan ko ng pinto. "Bakit bigla kang nagtago diyan?" nandidilat pa ang mga mata na tanong ng babae.

"K-Kase po-"

"Lumabas ka at tumulong doon! bawal ang batugan dito. Alalahanin mong kayo ang nagpumilit magtrabaho sa bahay na ito kaya matuto kang tumulong sa gawain!" dagdag pa nito na ikinapula ng aking mukha sa pagkapahiya. Mabuti na lang at dumating si Nanay.

"Bing, bakit mo naman sinisinghalan ang anak ko?" tanong niya sa babae.

"Sukat magtago dito sa kwarto? kung kailan maraming gawa saka nagpapatama sa trabaho!"

"T-Totoo ba 'yun, Mirasol?" baling sa akin ng ina.

"N-Nay, kasi po sabi ni Señorito huwag daw akong lalabas kapag nandito ang mga kaibigan niya-"

"Ay sus!! ano'ng kasinungalingan naman 'yan? ha, Mirasol?" putol ni Bing sa pagpapaliwanag ko.

"'Yun po talaga ang sinabi niya," giit ko.

Hindi na ako pinansin ni Bing. Sa halip ay si Nanay ang binalingan niya. "Pagsabihan mo 'yang anak mo, Flor. Isinama mo siya rito kaya ibig sabihin ay tutulong-tulong pa rin siya sa maliliit na gawain. Kung ayaw mo ay pauwiin mo na lang 'yan!" Anito saka ako inis na tiningnan bago umalis doon.

Nang kami na lang ang naroon ay pinangaralan ako ni Nanay. "Halika na at tumulong ka sa kusina. Maraming bisita ang señorito at abala ang lahat sa mga ipinapaluto niya," ang sabi pagkatapos.

"P-Pero, Nay, baka kagalitan ako ni Señorito? sinabi niya po talaga sakin na 'wag lalabas o magpapakita sa mga bisita niya-"

"Ano namang dahilan? baka nagkakamali ka ng pagkakaintindi sa sinabi niya. Sumunod kana sa akin bago pa bumalik si Bing. Ayokong may makarating kay Sir Paolo, anak, nakakahiya..."

Napabuntong hininga na lang ako. Tama si Nanay. Paano ako tatanggapin ni Sir Paolo sa bahay na iyon kung may masasabi sila sa aming trabaho? ito lang ang pag-asa kong makatapos ng pag-aaral.

Napilitan akong lumabas at nagtungo sa kusina. Inisip ko pa na baka nga mali lang ako ng pag-unawa sa sinabi ni Señorito Yuan. Bakit naman niya ako patataguin? eh, dapat nga mas sipagan ko pa kapag may mga bisita para hindi kami mapaalis sa mansyon na iyon.

Sinimangutan ako ni Bing nang makalapit. Saka niya ini-abot sa akin ang tray na may lamang cookies. Ang bango niyon at bigla akong nagutom. Noon lang ako nakaamoy ng ganoong kasarap na tinapay, pero pinigilan ko ang pagkatakam dahil nakatingin si Bing.

"Dalhin mo iyan sa pool at isunod mo ang juice nila. Dalian mo at baka bumaba na si Señorito...ayaw n'on ng mabagal!" dagdag pa ni Bing sa utos niya.

Tumango ako saka mabilis na tumalima. Naabutan ko ang masayang kwentuhan sa tabi ng swimming pool. Wala pa roon ang señorito namin. Ipinatong ko ang cookies sa lamesa na nasa tabi.

"C'mon, ano'ng oras pa tayo magsu-swimming?" narinig kong tanong ng isang dalaga na halos matitigan ko sa sobrang ganda. Halatang mga anak-mayaman. Ang kikinis ng balat at kay puputi.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon