Paul Yuan
Welcome back, Mr. CEO.
Napangiwi ako nang mabasa ang tarpaulin na hawak ng ina. Hindi pa man lang ako nakakababa ng sasakyan ay sumalubong na ito sa akin kaya lumabas na agad ako ng kotse kahit wala pa kami sa garahe. Kasunod ko si Samuel na siyang nag-drive.
“Yuan!” Niyakap ako nang mahigpit ni mommy. May pagpahid pa ito ng luha samantalang kagagaling lang nila sa Japan noong nakaraang linggo at sa suite ko pa siya natulog.
“Mom, anong drama na naman iyan?” tanong ko rito matapos bumitaw sa yakapan namin.
“Na-miss lang kita.”
“Really? Kakakita lang natin last week.”
“Gano’n talaga. Iyon ngang napapanood ko sa mga pelikula, halos humagulgol ang ina pagdating ng anak galing ibang bansa. Lalo na kapag walang dalang delata. ”
Bahagya akong natawa sa sinabi nito. “Kaya pala may pa-welcome tarpaulin ka pa! Tsk!”
“Oo. Kita mo naman ang gwapo mo sa picture.”
“Mom, para akong kandidato diyan, eh. Wala bang maayos-ayos na edit?” naiiling kong tanong na ikinatawa ni Samuel. Inirapan ko agad ito para tumigil.
“Maganda naman, ah? Inggit nga ang daddy mo dahil wala siya niyan.”
Tumango na lang ako sa ina kahit natatawa talaga rito. Saka ako tumuwid ng tayo at tiningnan ang pwesto ni Daddy na nasa bungad ng pinto ng bahay namin. Lumapit ako sa kaniya at kami ay nagyakap.
“Congratulation, Son,” anito matapos akong tapikin sa balikat.
“Thanks, Dad. Natupad ko na ang gusto mo. You can rest now.”
“Paul Yuan!” asik ni mommy saka ako kinurot sa tainga. “Anong rest-rest iyan, ha? Wala ka talagang galang sa daddy mo! Porket ikaw na ang CEO ng VBC ay ire-rest in peace mo na siya?!” talak pa nito sa akin.
“Ang sabi ko lang naman ay pwede na siyang magpahinga! Wala akong sinabing rest in peace!” pagtutuwid ko.
“Ah, basta! Ayokong makarinig ng salitang rest!” Pagkatapos ay sinenyasan na ng ina ang mga maid para pumasok sa loob. “Sumunod na agad kayo sa lamesa para kumain! Hmmp!” naka-ingos pa nitong saad sa amin.
“What’s wrong with her? Parang pabata nang pabata ang isip ni mommy!” naitanong ko na lang sa ama. Hindi iyon tinugon ni daddy at seryosong tumitig sa akin.
“Magdaraos ako ng party para sa pormal na pagpapakilala sa iyo sa lahat ng ka-business partner natin. Pero maari ka nang magtungo sa kompaniya at maghanda sa pinakamalaking conference meeting na magaganap,” sabi ni Dad.
Tumango naman ako. “I understand.”
“Masaya ako dahil napatunayan mo sa lahat ang capability mo, and that you deserve the position. Not that I’m against with Lucas. Alam ko lang na ikaw ang nararapat sa kompaniyang pinaghirapan ko.”
“We already talked. Kami ni Lucas. Sa tingin ko ay wala naman talaga siyang kahilig-hilig sa kompanya. Mas gusto niya ang buhay sa probinsya. Nagtataka lang ako kung bakit nananatili pa rin siya sa VBC, kahit labag naman sa kalooban niya. Tsk.”
“May sarili siyang dahilan at igalang natin iyon. Isa pa ay karapatan niya rin ang maupo sa VBC. He owns 25 percent of it,” ani Daddy.
“Yeah. Naisip ko nga na kung natuloy ang kasal nila ni Pauline ay baka napunta na sa kaniya ang majority ng stock ng company.”
Biglang nanahimik si Daddy pagkarinig sa pangalan ni Pauline. Kaya inaya ko na ito papasok sa loob ng bahay.
Mirasol
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...