Shine
Para akong nangangarap habang binibistahan ang sarili sa salamin suot ang wedding gown na mula pa sa Italy. Ito na yata ang pinakamaligayang araw sa buhay ko. Ang araw na kay tagal kong hinintay. Ang kasal namin ni Yuan.
Akala ko ay hindi na magkakatotoo ang pangarap kong ito. Noong makita ko si Mirasol sa VBC ay ilang gabi akong hindi nakatulog dahil sa pangamba. Mabuti na lang at tuluyan na itong naglaho sa buhay ni Yuan.
“Shine...” tawag ni Mommy. Nakabihis na rin ito ngunit dahil sa atake ay kinailangang i-wheelchair ang ina.
“Mommy, I’m so happy!” nakangiti kong sabi sabay yakap dito. Gumanti rin ito ng yakap pagkuwa’y hinawakan ang mga kamay ko.
“Anak, gawin mo ang lahat para mahalin ka ni Yuan. Iyon lang ang paraan para lubusan kang lumigaya,” payo nito.
“Pangako, Mommy. Magiging mabuti akong asawa sa kanya. Pasasaan ba at makakalimutan rin niya si Mirasol!”
Bumuntong hininga ang ina sa kabila ng ngiti sa mga labi.
“Wala akong ibang hiling ngayon kun’di ang maging masaya ka sa piling ni Yuan. Kung mamamatay man ako ay hindi ko na iisipin ang kalagayan mo dahil batid ko na nasa ayos kana.”
“Mom, don’t talk like that!”
“Sinasabi ko lang ang nararamdaman ko. Napakaganda mo, anak!”
Pagdating sa simbahan ay hindi ko inaasahan na wala pa roon si Yuan kaya medyo na-frustrate ako. Tuloy ay nanatili muna ako sa kotse para hintayin ang aking groom.
Ilang minuto ang lumipas ay hindi pa rin ito dumarating. Nagsimula ang bulungan ng mga tao. Pati ako ay biglang inatake ng anxiety. Paano kung hindi ako siputin ni Yuan?
Naroon na lahat ng mga relatives niya maliban kay Pauline na nasa ibang bansa na pala. Ang parents ni Yuan ay walang kibo habang naghihintay. Walang mababakas na kasiyahan sa mukha ng mga ito lalo na si Tito Paolo. Pero hindi ko na iyon problema. Kusang pumayag si Yuan na makasal kami.
Gayon na lang ang paghinga ko nang maluwag nang sa wakas ay dumating ang aking soon to be groom. Kasama nito ang kanyang bestmen na sina Xyren at Patrick. Kumunot ang noo ko nang mamasdan si Yuan. Tulad noong dinner sa amin ay magulo ang bihis nito at halatang hindi naligo. Subalit magkagayon man ay hindi pa rin nabawasan ang kakisigan ng binata. Ito pa rin ang pinakagwapo sa lahat ng naroon.
Habang naglalakad sa altar ay halos maluha ako sa labis na kaligayahan. Kay Yuan lang ako nakatitig habang papalapit doon. Umaapaw ang pagibig ko sa kanya ng mga sandaling iyon. Habang nagpapalitan kami ng vows ay naipangako ko sa sarili na gagawin ko ang lahat para magkaroon ng pitak sa puso niya.
“You may now kiss your bride!” saad ng pari bilang pagtatapos ng seremonya.
Itinaas ni Yuan ang belo ko at saka bumaba ang labi sa akin. Napapikit ako nang dumampi ang halik niya pagkuwa’y natigilan nang maamoy ang alak doon.
“And now your hell’s begin!” he whispered which that made me freeze.
Nawala ang ngiti sa mga labi ko ngunit agad na niya akong hinawakan sa baywang at iginiya paharap sa mga naroon.
Pagdating sa reception ay nawala nang tuluyan ang kasiyahan ko. Ang aking groom ay humarap agad sa alak at hinayaan ako na mag-isang kumausap sa mga bisita. Ang nakakasama pa ng loob ay halos friends and relative lang ang imbitado sa kasal na iyon. Ni hindi rin pumayag si Yuan na ilabas ng media ang kasal namin. Sinubukan ni Daddy na umapila noong una pero pinigilan ko siya. Ayokong magka-aberya ang kasal namin.
Hindi pa man lang nakakakalahating oras sa reception ay agad nang nagpaalam sa mga bisita si Yuan. Bagay na ikinagulat ng lahat lalo na ako.
“Pasensya na, gusto na ng bride ko na masolo ako. Pwede n’yo namang ituloy ang party pag-alis namin.”
![](https://img.wattpad.com/cover/272483016-288-k342018.jpg)
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...