YUAN
Hindi ko inaasahan isang araw na mapagbubuksan ko ng pinto si Samson sa tinutuluyan kong apartment. Hindi ko alam kung paano nito nalaman kung nasaan ako. Akala ko ay pinapasundo ako ni Daddy pero hindi pala.
"Señorito, umuwi na po kayo sa mansyon. Mahihirapan kayo sa ginagawa niyo. Wala kayong kaalam-alam sa buhay. Baka magkasakit pa kayo rito," pangungumbinsi ng lalaki sa akin.
"Ayoko. Kapag naroon na ulit si Mirasol ay saka lang ako uuwi." Saka ako umismid. "Pinapunta ka ba ni Daddy rito para tingnan ang itatagal ko, ha?" naiinis ko pang tanong.
"Hindi po. Ako ang nagkusang sundan kayo. Para ko na rin kayong anak, alam n'yo 'yan. Kakampi niyo ako . . ."
Bumuntong hininga ako saka humalukipkip sa harapan nito. "Kung talagang kakampi kita ay hanapin mo ngayon din si Mirasol!" utos ko na saglit nitong ikinatigil.
"Kaya ko iyang gawin, Señorito. Kaya lang, ang maipapayo ko sa iyo ay huwag mo na muna siyang ipahanap. Mainit pa ang sitwasyon at mahigpit na banta ng daddy niyo na kapag nagpumilit kang lumapit sa dalagitang iyon ay tuluyan itong itatago sa'yo. Alam n'yo ang kayang gawin ng inyong ama, kaya mas mainam na sumunod ka na lang muna."
"Tssk, and you're telling me na kakampi kita? Kay daddy ka pa rin naman pala susunod!" Sinimangutan ko ang bodyguard.
"Dahil tao pa rin niya ako. Bakit hindi kayo umuwi na sa mansyon? Mag-aral mabuti at pagkatapos ay pamahalaan ang kompanya ninyo? Kapag nagawa niyo iyon ay malilipat sa iyo ang kapangyarihan ng iyong ama at saka n'yo hanapin si Mirasol."
"Ayokong sumunod sa yapak niya! Ayokong umuwi sa amin—at para ano? Magpa-control kay daddy? No way!" mariin kong tanggi.
"Iyon lamang po ang mainam na gawin sa ngayon. Kung makikipagmatigasan ka sa daddy mo ay tuluyang mapapalayo sa iyo ang dalagitang iyon."
"Umalis ka na, Samson! Kakayanin ko na wala ang pera ni daddy. Huwag ka nang bumalik dito!" taboy ko sa lalaki nang mapikon.
"Teka lang, Señorito. 'Di ba, sabi ko sa iyo ay kakampi mo ako?" anito.
Natigilan ako saglit habang nakatingin sa kanya. "and?"
"Pipilitin ko pong hanapin si Mirasol at i-report sa inyo ang nangyayari sa kanya. Gagawin ko iyon pasikreto sa daddy niyo. Pero hindi kayo pwedeng lumapit sa dalagita."
"Anong silbi ng gagawin mo kung ganoon din lang?"
"At least, alam n'yo ang nangyayari sa buhay ni Mirasol. Gawin n'yo siyang inspirasyon hanggang pwede na kayong magkita."
Napaisip naman ako sa sinabi ng lalaki. May punto ito. Sa ngayon ay titiisin ko na muna ang hindi makasama si Mirasol basta ba hindi ito tuluyang mawala sa akin. Kaya bago umalis doon ay nagkasundo kami ni Samson.
MEGGAN
Hindi ko akalain na mauuwi sa ganoong kalalang sitwasyon si Yuan. Nabalitaan ko na lang kay Angel na lumayas ito sa bahay nila matapos palayasin ni Tito Paolo ang mag-inang Flor at Mirasol. Akala ko ay ayos na pero hindi pa pala.
Agad akong naggayak patungo sa kinaroroonan ng binata. Pagbaba ko sa kwarto ay saktong namataan ko si Daddy kausap ang kanyang bagong sekretarya. May bago na naman itong babae. Nasabi ko sa sarili.
"Meggan, paalis ka na naman? Sumalo ka na muna sa aming tanghalian. May bisita ang daddy mo," nakangiting salubong sa akin ni Mommy na galing naman sa kusina.
Gusto ko tuloy masuka. Isang taksil at isang ipokrita. Alam ko naman na matagal nang wasak ang aming pamilya pero dahil sa reputasyong sinasabi nila ay pakunwari silang nananatiling nagsasama sa iisang bubong. Kahit si Daddy ay kung sino-sino na ang ini-uuwing babae at si Mommy naman ay may kalaguyo rin na hindi ko pa nakikita. Mabuti na lang, malawak ang bahay. Pero mas nais ko pang nasa business trip ang mga ito. Mas nakakahinga ako kaysa makipagplastikan sa kanilang lahat.
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...