Chapter - 08

968 117 153
                                    

MIRASOL

Ayoko sanang sumama kay Bing sa condo ni Señorito Yuan dahil hindi pa alam ni nanay ang tungkol doon. Umuwi kasi ito sa amin dahil monthly check up ng pamangkin ko. Natatakot lang akong tumanggi dahil mahigpit iyong utos ng binatang amo. Naiilang pa ako habang katabi ang lalaki sa kotse niya. Si Bing ay nasa kabilang sasakyan na minamaneho ni Kuya Samson. Gusto ko nga sanang itanong kung bakit kailangan pa na magkahiwalay kami pero naduduwag ako.

Seryoso ang mukha ni Señorito habang nagmamaneho. Palagi ko itong nahuhuling nasulyap sa akin kapag nasa kabila ang tingin ko. Lalo tuloy akong kinakabahan. Baka kasi may mapuna ito sa akin. Tapos ang lamig-lamig pa sa loob ng kotse. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang malamig na hanging iyon pero kanina pa ako nangingilabot. Nahihiya naman akong magsabi sa katabi. Baka makagalitan pa ako.

"Nagugutom ka ba?" biglang tanong ni Señorito kaya napabaling ako sa kanya.

"P-po?"

"I asked you kung nagugutom ka na? We can eat first bago dumeretso sa condo," sabi niya.

"Hindi po ako nagugutom," sagot ko saka nahihiyang idinagdag, "nilalamig po ako." Sabay yakap sa sarili.

"Ha?"

"Ang lamig po kasi sa sasakyan niyo, malayo pa po ba tayo?" tanong ko pa.

May inabot ito sa likod. Nakita ko na lang na ibinalabal nito ang jacket niya sa akin. Saka ito may pinihit sa tapat ko at nawala ang malamig na hangin doon.

"Okay na ba iyan? Don't worry, malapit na tayo sa condo."

Napatitig ako sa binata. Naguguluhan ako sa ipinapakita nito. Minsan ay parang nagmamalasakit ito at sobrang bait sa akin pero minsan naman ay nakakatakot ito at laging galit. Halata rin na suplado ang lalaki pero sa mga ginagawa nito ngayon ay masasabi kong may kabaitang taglay ang binatang amo. May topak lang talagang madalas.

MAGANDA at malaki pala ang condo ni Señorito. Ganoon pala ang condo unit. Para rin palang bahay. Sa ganoong edad ay may bahay na agad ang binata. Itim ang pinaka-kulay ng paligid at doble pa ang lamig ng loob niyon kaysa sa kotse o sa mansyon. Mabuti na lang at nakabalabal sa akin ang jacket niya.

"Bing, bumalik ka nga sa bahay. Naiwan ko pala ang notebook ko ro'n," biglang sabi nito kay Bing na noon ay kapapatong lang ng bag sa sofa.

"Po? Eh, gabi na señorito—"

"Basta kunin mo, naroon lang iyon. 'Wag kang pupunta rito hangga't 'di mo dala iyon!"

Masungit na naman! naisip ko habang nakamasid sa kanila.

"Opo, sige po."

Nahabol ko na lang ng tingin si Bing nang tuluyan itong lumabas ng condo. Hinanap ko si Kuya Samson pero mukhang hindi naman papasok doon ang lalaki. Ewan ko ba, pero bigla akong nakadama ng kaba sa pagsosolo naming iyon ng binata. Kaba o takot—basta hindi ko mapangalanang damdamin.

Umakyat sa taas ang binata at ako naman ay nag-isip kung ano ang dapat gawin. Alas-sais pa lang ng hapon at hindi pa pwedeng matulog. Wala naman akong nakitang kailangang ligpitin dahil malinis ang bahay. Nang bumaba si Señorito ay nakapangbahay na itong damit at short.

"Hindi ka ba magpapalit ng damit?" tanong nito sa akin.

"H-hindi na po, kakabihis ko lang nito kanina," magalang kong sagot. Nagkibit balikat ito saka dinampot ang cordless phone sa mini table at may kinausap. Um-order ito ng pagkain, iyon ang narinig ko at natuwa ako nang makarinig ng ice cream. Paborito ko iyon. Kaya lang ay baka sa kanya lang iyon. Iba nga pala ang aming pagkain. Ano kaya ang lulutuin ko sa hapunan?

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon