Mirasol
Hindi ko alam kung paano natapos ang meeting na iyon na hindi ako makatingin sa lahat. Nang maiwan kami ni Yuan sa conference room ay todo ngisi ang lalaki sa akin na lalong ikinapula ng aking mukha.
“What’s the matter?” pakunwari pa nitong tanong sa akin.
“Nakakahiya!” naiiyak kong tugon sa nobyo na kulang na lang ay takpan ang mukha na kanina ko pa nais gawin.
“Ano namang nakakahiya ro’n? Alam na naman nila na girlfriend kita!”
“Kahit na! Nasa trabaho tayo. Ikaw kasi, eh,” paninisi ko pa rito.
“Bakit ako? Kasalanan ko ba na lutang ka?”
“Hindi ako lutang!” pakli ko saka nahihiyang idinugtong ang, “m-medyo antok kasi ako, eh.”
He chuckled. Mayamaya ay tumayo ito at niyakap ako. Agad naman akong lumayo nang tangka nitong halikan.
“Wala akong dalang tissue at lipstick!” pigil ko.
“Tsk. Sa dami nang makakalimutan ay bakit iyon pa?” pabiro nitong reaksyon bago sa pisngi ko na lang nakontentong humalik.
“Babe, ano ba? Ang aga-aga’y nanghahalik kana agad diyan?” ang maingat kong pagrereklamo. Ang totoo ay nakaka-distract ang CCTV sa loob ng room na iyon kahit pa siniguro ni Yuan na nagawan na niya ito ng paraan.
“Ang sarap mo kasing halikan.”
“May trabaho pa tayo!”
“Mayroon pa ba?” maang nitong sabi na ikinainis ko. Para kasi itong nang-aasar.
“Alas-onse pa lang, ‘no. Tara nang lumabas!” pagkuwa’y aya ko.
“Tapos na ang work ko, eh. Ikaw ba?”
“Yuan, naman! Hindi ako nagbibiro!” ang napipikon ko nang pakli. Kahit wala na itong naka-schedule na meeting ay malabong maubusan ng trabaho ang lalaki.
Tumawa ito nang malakas kaya napangiti na rin ako. Mukhang laging good mood ang binata ngayon at madalang sumimangot.
“Mag-ayos kana ng gamit at aalis na tayo. Tinapos ko talaga nang maaga ang trabaho ko para mas matagal tayong magkasama sa condo, you know?” kindat pa nito na ikina-iling ko. Naalala ko tuloy ang binili kanina.
“ANO NA NAMAN IYAN?” ang reaksyon ni Yuan nang ilahad dito ang condom.
“Please? Gumamit ka niyan. Hindi pa talaga ako pwedeng magbuntis! Ayokong sumama ang loob ng ate ko,” may pakiusap na saad ko sa nobyo.
He rolled his eyeballs at saglit na natahimik. Nag-isip naman ako ng iba pang sasabihin upang hindi ito magalit sa akin.
“Ngayon lang naman, eh. Kapag kasal na tayo ay hindi ka na gagamit niyan,” ang namumula kong wika nang banggitin ang huling sinabi.
“Tsk! Bad trip naman, oh!” anito. Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay kunin nito ang condom “I will use that shit pero ikaw ang magsuot sa akin!” pahabol niya na ikina-angat ko ng tingin.
“A-ako? Pero, Babe . . .” paiwas kong sambit.
He just smirked, pagkuwa’y lumayo siya nang konti sa akin at nagsimulang hubarin ang lahat ng kasuotan. Mula sa pagkakaupo ko sa kama ay tumambad sa akin ang kanyang kahubdan. Wala akong mahanap na kapintasan sa katawan ng nobyo. Kulang ang salitang perpekto rito at lalo akong naaakit sa kanya.
“Do it!” masuyo niyang utos.
Nangatal naman ang kamay ko nang sundin ang sinabi niya. Nang mahawakan ang condom ay ganoon na lang ang kaba ko. Hindi ko magawang titigan ang pagkalalaki ni Yuan na nasa harap ng aking mukha. Kahit ilang beses na kaming nagtalik ay hindi ko pa iyon tinangkang hawakan. Pero ngayon ay paano ko isusuot ang condom kung hindi ko iyon sasalingin at tititigan?
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...