Chapter - 63

771 91 46
                                    

Vienna

Nakangisi akong lumabas sa opisina ni Sir Yuan. Nakasalubong ko pa si Jacky na pabalik sa pwesto nito. Alam kong nagtataka ito pagkakita sa akin ngunit nginitian ko lang ang katrabaho. Natutuwa akong bumaba patungo sa floor namin.

Paglabas ko ng elevator ay nagulat ako nang bumungad sa akin ang isang matikas na janitor sa hallway. May hawak itong mop at kasalukuyang nagpupunas ng sahig doon. Muntik pa akong mapasinghap nang mapagsino ito.

“R-riko?” bulalas ko.

Lumingon ito at nang makilala ako ay ngumiti siya sa akin. “Vienna!” pabating sambit niya.

Sa may hardin kami nagpasyang mag-usap. Hindi ko akalain na sa VBC na rin pala ito nagtatrabaho. At ang ikinagulat ko pa ay nang sabihin nito na si Ma’am Shine ang tumulong sa kaniya para makapasok doon.

“B-bakit ka pumayag?” reaksyon ko. “I mean—alam mo naman na boyfriend ni Mirasol ang may-ari nito. Okay lang sa iyo iyon?” tanong ko.

“Magkaibigan naman kami ni Mirasol at isa pa’y wala akong nakikitang mali sa pagtatrabaho ko rito,” katwiran ng binata.

“S-sorry. Concern lang ako sa iyo. Syempre’y hindi maiiwasan na magkasalubong kayo. Baka lang kasi—alam mo na?” sabi ko nang makabawi.

“Naiintindihan ko. Pero hindi ko na iniisip ang ganoong bagay. Sa totoo lang, focus ako ngayon sa trabaho at pag-aaral ko. Sobrang laki ng tulong na ginawa ni Ms. Shine sa akin kaya hindi ko iyon sasayangin. Napakabuti niyang tao.”

Natigilan ako sa huli nitong sinabi. Pagkuwa’y napaisip. Tiyak ko na may ibang agenda si Shine sa ginawa nitong pagtulong kay Riko upang mapaparito. Alam ko rin na may kinalaman iyon kay Mirasol.

Bigla tuloy akong natakot para sa binata. Ewan ko ba. Iba ang pakiramdam ko sa kilos ni Shine. Kung mayroon mang tao na pinaka-importante sa akin bukod sa aking mga magulang ay si Riko iyon. Gusto ko sana itong balaan tungkol sa babae ngunit ayoko itong mag-isip ng iba. Huwag lang magtatangka si Shine na idamay si Riko sa niluluto niyang plano dahil ako ang makakalaban niya.



Shine

Nagtaka ako nang mag-announce ang head department na may urgent meeting daw ang CEO sa asssembly hall ngayon. Masyadong biglaan kaya tinanong ko si Jacky tungkol doon. Subalit wala ring alam ang dalaga.

“Basta mainit ang ulo ni boss ngayon. Ipinatawag niya sina Gladys sa opisina tapos paglabas ay mga umiiyak,” salaysay nito na ikinakunot ng aking noo.

“Ano namang dahilan?”

“Hindi ko rin alam, Ma’am Shine.”

Nagkaroon ako ng kutob tungkol doon. Baka nagsumbong si Mirasol sa binata. May kinalaman kaya iyon sa gaganaping meeting ngayon? naitanong ko pa sa isip. Nang mapasulyap ako sa pwesto ni Vienna ay nahuli ko ito na nakatitig sa akin. Agad itong ngumiti nang magsalubong ang aming paningin.

“Let’s go. Ayokong mapapwesto sa dulo. Baka hindi ko masyadong marinig ang sasabihin ng big boss natin,” sabi pa nito sa amin bago naunang lumabas ng office.

Pagdating sa assembly hall ay puno na iyon ng tao. Nagtungo ako sa unahan para tumabi kay Daddy na kahanay ni Xyren sa upuan. Halos lahat ay naroon na nang magtungo sa stage si Yuan. Pinatay ang lahat ng ilaw at tumambad sa lahat ang isang video mula sa projector. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Maging ang lahat ay napasinghap habang pinanonood ang pangbu-bully nina Gladys kay Mirasol.

Nang magliwanag muli ay nasulyapan ko ang binata na sobrang dilim ng mukha. Bakas doon ang galit.

“Hindi ko alam na habang abala ako sa pagpapatakbo ng kompanya ay may nagaganap na palang pambu-bully sa secretary ko! Hindi lang ang grupong iyan kun’di halos kalahati sa inyo ang nang-aaway sa kanya!”

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon