Chapter - 116

633 86 54
                                    

Mirasol

“Best wishes!”

Isa na yata sa pinakamaliligayang araw ko ang kasal na iyon nina Ate Moneth at Samuel. Halos maiyak ako habang nagpapalitan sila ng vows sa harap ng altar. Sa lahat ng sakripisyo ng kapatid sa pag-aalaga sa amin ni Tonio ay deserve niya ang ganoong karangyang kasal. Deserve niya ang ganoong kaligayahan dahil napakabuti niyang ate sa amin.

Ngayon ko lang nakita ang kislap na iyon sa mga mata ni Ate. Maging si Samuel ay ganoon din. Pareho silang nakangiti nang humarap sa mga tao matapos i-anunsyo na tapos na ang seremonya. Kasal na ang dalawa.

Dinaluhan ang kasal na iyon ng mga kakilala at kaibigan nina Ate at Samuel. Ako ang maid of honor at si Yuan naman ang best man. Abay rin sina Xyren, Dale, Rico at Tonio gayon din sina Grace, Trisha, at kapatid na bunso ni Samuel saka isa nitong pinsan. Isa sa tumayong ninang at ninong sa kasal sina Tito Paolo at Tita Yuna. Um-attend din sina Sir Lucas, Vienna, Pauline, Patrick at parents ni Dale. Syempre kompleto rin ang mga kapatid namin at asawa ng mga ito.

“Congratulation!” bati ng lahat sa dalawa.

Mangiyak-ngiyak ako nang bumati sa kanila. Niyakap ko nang mahigpit ang kapatid at ganoon din si Samuel.

Pagkagaling sa simbahan ay dumiretso ang lahat sa hotel na pagdarausan ng reception. Hindi ko inaasahan na makikita si Mico sa mga bisita. Halatang nairita si Yuan pagkakita rito ngunit hindi na umimik ang binata.

Lumapit si Mico sa mga bagong kasal at personal na bumati. Tapos ay saka naupo sa may round table. Nang magtama ang paningin namin ay agad akong umiwas. Palaisipan kung bakit siya narito. Inimbita ba siya ni Ate o ni Samuel? Hindi ba at galit dito ang kapatid dahil sa kasalanan nito sa amin? Pero mukhang totoo naman ang ngiti ni Ate Moneth nang harapin ang lalaki.

“Let’s go! Hagisan na ng bouquet!” masayang hila sa akin ni Trisha kaya inalis ko ang atensyon kay Mico.

Humanay kaming mga abay na babae sa likuran ni Ate Moneth. Hindi ko ini-expect na sa pwesto ko papatak ang bulaklak. Feeling ko sinadya iyon ni Ate. Sobrang lakas tuloy ng sigawan ng mga tao.

Nang si Samuel na ang maghahagis ng garter ni Ate ay kitang-kita ko kung paano samaan ng tingin ni Yuan ang mga kasamang abay na lalaki. Tuloy ay hindi na nakipag-agawan pa ang mga ito sa boyfriend ko. Kaya ang ending ay siya ang nagsuot ng garter sa akin na muling ikinahiyaw ng mga bisita.

“Ako dapat ang sasalo, e! Grabe lang umirap si Kuya Yuan!” umaangal na pagrereklamo ni Dale kaya napatawa ang lahat.

Pagkatapos niyon ay saka sinimulan ang kainan. Nagtaka pa ako dahil katabi ko na si Yuan sa upuan. May naka-assign kasing magkabukod na table ang mga abay na babae at lalaki. Hindi na lang ako nagkomento at tahimik na kumain. Pansin ko ang mayat-mayang paglingon ng nobyo sa gawi ni Mico. Kumalma lang si Yuan nang umalis ang binata. Nakahinga rin ako nang maluwag nang mawala ito. Naiilang ako sa lalaki at ayoko na sana siyang makita pa kaya mabuti na rin na umalis na ito.

Iyon nga lang, nang mawala roon si Mico ay umalis na rin si Yuan sa tabi ko at bumalik kina Xyren. Nahabol ko na lang siya ng tingin. May tampo pa rin yata hanggang ngayon ang binata dahil lang sa ‘make me cum’ na hindi ko napagbigyan noong nakaraan. Tsk!

“Magkaaway ba kayo ni Yuan?” ang usisa ni Trisha na siyang katabi ko sa kanan.

“H-hindi naman. May konting tampo lang siya,” sagot ko.

“Ano naman? Bakit hindi mo suyuin agad? Baka lumala pa,” anito.

“Iba kasi ang ikinatatampo n’on, e!” buntong-hininga ko. Ang hirap din talaga ng sitwasyon ko.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon