Chapter - 128

609 81 63
                                    

Shine

Ipinasya kong magtungo sa kulungan kung nasaan si Meggan. Ngayong nakabawi na ako mula sa pagka-shock sa ginawa nito ay nais kong linawin ang mga narinig buhat sa dalaga.

Ngunit pagkarating ko roon ay kausap niya si Tita Yuna. Kaya agad akong nagtago upang makinig sa pinag-uusapan ng mga ito.

“Kung noon ay kaya pa kitang pagtakpan sa kasalanan mo—ngayon ay hindi ko na magagawa pa iyon. Malaki ang kasalanan mo kay Mico at hindi papayag si Pauline na basta ka na lang makapag-piyansa,” wika ng ginang sa dalaga na noon ay nananatiling tulala. Walang kabuhay-buhay ang hitsura nito.

“Hindi ko na rin naman nais pang makaligtas sa batas,” ani Meggan na tingin ko ay wala na sa sarili ng mga oras na iyon.

“Meggan...” buntong-hininga ng mommy ni Yuan.

“A-alam naman natin, Tita, na matagal na akong dapat nakulong. Kung hindi nakialam ang daddy ko ay noon ko pa sana pinagbayaran ang kasalanan ko kay Mirasol. Kaya lang mas importante ang apelyedo niya. Kaya handa niyang bayaran ang lahat maitago lang ang ginawa ko!”

“Bata ka pa noon. Naniniwala akong hindi mo gusto ang ginawa mo kay Mirasol. Pero iyong kay Mico...” Umiling-iling si Tita Yuna.

“Kasalanan ko ang lahat at handa akong magdusa. Doon lang ako mapapatawad ni Mico.”

Lihim akong napailing. Totoo nga talaga ang mga sinabi ni Meggan kay Mico nang gabing iyon.

“I-iyong tungkol kay Mirasol...” mayamaya ay sabi ng ginang.

“Malalaman at malalaman din niya, Tita. Hindi ninyo maitatago kay Yuan ang lahat.”

“Alam ko. Pero hayaan mong sa akin manggaling ang totoo. Ako ang magsasabi sa dalawa ng ginawa ni Paolo. Pagkatapos ng kasal nila ay saka ko ipapaalam ang totoo.”

Napangisi ako matapos umalis sa lugar na iyon. Kasal? Umaasa pa talaga si Tita na matutuloy ang kasal nina Yuan at Mirasol? Tsk! Ngayon pa na alam ko na ang pinakamakasisira sa dalawa?

Kami ni Yuan ang ikakasal! Mawawala sa eksena si Mirasol at ako ang papalit sa kanya.

Mayamaya ay tinawagan ko na ang numero ng dating kaibigan. Tama na ang pagrereyna-reynahan nito sa buhay ni Yuan.


Mirasol

Kumunot ang noo ko nang tumawag si Shine at sabihin na nais niyang makipag-usap sa akin. May sinabi ito tungkol kay Mico kaya agad akong pumayag na makipagtagpo rito. Balak ko pa namang umuwi nang maaga upang kausapin si Yuan. Ipapaalam ko na kasi sa nobyo ang totoong relasyon ko sa mga Benitez. Nais kong maaga pa lang ay tanggapin na ni Yuan ang mga ito bilang tunay kong pamilya. Hindi pa huli ang lahat para magkasundo sila ni Mico.

Kaya naman nagmamadali ako sa pagtungo sa restaurant na sinabi ni Shine. Ayon dito ay nakita raw niya ang ginawa ni Meggan sa kapatid ko. Hindi ko alam kung paano iyon nangyari pero gusto kong alamin ang lahat upang legal na masampahan ng kaso si Meggan.

Naroon na sa table si Shine nang dumating ako. Pagkaupo ko pa lang ay agad ko na itong tinanong ngunit ngumisi lamang ang dalaga sa akin.

“Um-order muna tayo,” anito saka tinawag ang waiter.

“Juice lang ang akin. Nagmamadali ako, Shine. Kailangan ko kasing umuwi nang maaga,” sabi ko sa dating kaibigan.

“Okay!” kibit-balikat nitong saad bago sinabi sa waiter ang order.

Pagkaalis ng lalaki ay may kinuha ito sa bag. Isang folder at ibinigay niya sa akin. Kunot-noo ko iyong binuklat at nabasa ko ang DNA test namin ng mommy ni Mico.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon