Chapter - 92

593 89 52
                                    

Paul Yuan

Nawala ang matamis na ngiti sa aking labi nang dumating sa hotel si Xyren na kasama sina Mico at Meggan. Nabigla ako dahil hindi ko naman inimbita ang una at isa pa ay hindi ko alam na nakauwi na pala sa Pilipinas ang dalaga. Gayon pa man ay sinalubong ko pa rin ang mga ito nang maayos.

“Inimbita sila ni Tita Yuna. Okay lang naman, ‘di ba?” bulong ng pamangkin sa akin.

Oo, ayos lang. Basta huwag silang magulo!

I greeted them with politeness. Formal lang si Mico at si Meggan naman ay halos ayaw nang bumitaw sa kanya. Halatang may relasyon ang dalawa pero wala akong pakialam doon.

Teka, nasaan na ba si Mirasol?

Hinanap ng aking paningin ang nobya at nakita ko ito na kaumpukan ng ilang empleyado ng VBC. Wala itong tigil sa kaka-shake hands na animo’y kakandidatong Alkalde. Hmmm... Para na siyang si Mommy.

“Pwede ba kitang makausap saglit, Yuan?” biglang sabi ni Meggan. Tumango ako at saka ito sinundan sa gilid kung saan medyo tahimik at walang tao.

“Kailan ka pa nakauwi?” tanong ko sa dalaga. Sobrang tagal na rin mula nang huli ko itong nakita. Galit pa ako sa kanya noon. Pero ngayon ay napatawad ko na ito sa kasalanan niya. Iyon naman ang dapat dahil kahit papaano ay naging kaibigan ko rin ito.

“Last week lang. Sinundan ko si Mico rito. Alam mo na ba ang tungkol sa amin?”

Nagkibit-balikat lang ako. Pareho naman silang single kaya bakit ako magtataka kung maging sila?

“Ikaw, kumusta? Balita ko’y going strong ang relasyon ninyo ni Mirasol?”

“Yeah. In fact, ia-announce ni Dad mamaya ang engagement namin,” sagot ko.

“Wow! Congratulation. Talagang pinaglaban n’yo hanggang dulo, ha!” anito na mukha namang sincere kaya tumango ako sa kanya. Okay naman talaga si Meggan, eh. Nabaliw lang ito noon sa akin kaya kami nagka-problema.

“Sana hindi kana galit sa akin ngayon, Yuan. Sorry sa mga ginawa ko noon. I was so immature and so young in love. I hope we could still be friends...” wika nito pagkalipas ng ilang sandali.

“Hmmm. Okay. I think wala namang maitutulong kung magalit pa ako sa iyo. Nangyari na ang lahat. Sana lang ay hindi na iyon maulit, Meggan.”

“Thank you, Yuan!” Niyakap ako ng babae sa sobrang tuwa at ginantihan ko iyon. Mayamaya ay bumalik na ulit kami sa bulwagan at lumapit sa mga kasama. Nang mapatingin ako sa entrance ay kumunot ang noo ko nang makita si Mr. Cheng na paparating.

Mirasol

Kanina ko pa nakita ang pagdating nina Mico at Meggan. Hindi ko lang alam kung lalapit sa mga ito kaya nagkunwari na lang ako na hindi sila napansin. Kinakabahan ako dahil baka malaman pa ni Yuan ang pagpunta-punta ko sa bahay ng binata. Hindi niya dapat malaman ang tungkol doon kaya iiwas ako hangga’t kaya.

Napansin ko rin nang lumayo sina Yuan at Meggan kaya palihim akong nakasunod sa kanila. Hindi ko alam kung bakit nakadama ako ng disgusto roon pero pinilit ko na lang balewalain. Nagpanggap na lang ako na nakikitawa sa joke ni Dale kahit napakawalang kwenta niyon.

“Anong sabi ng isda nung hinati siya?” Kinuhit pa ako ni Dale nang hindi ko siya pansinin sa walang kabuluhan niyang joke.

“Dale, wala bang bago?”

“Bago iyon. Dali na, tanungin mo na ako kung ano!” giit nito.

“Ano?” napilitan kong saad.

“I’m tuna!”

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon