Vienna
“Ginawan ko ng paraan para ikaw ang ma-assign na secretary ni Delgado.”
“Po?” nanlalaki ang matang reaksyon ko nang marinig iyon kay Sir Yuan. Maaga pa lang ay pinatawag na niya ako sa opisina niya. Hindi ako makapaniwala na iyon ang sasabihin niya sa akin.
“Hindi komportable sa babae ang taong iyon kaya lalaki ang huli niyang naging personal secretary. Pero wala siyang magagawa kapag ako ang nagbigay ng bago niyang assistant. At ikaw ang napili ko,” sabi ng lalaki.
“Maraming salamat, Sir!” masaya kong wika sa binata. Sa wakas ay natupad na ang isa sa aking pangarap. Tama lang talaga ang desisyon ko na maging tapat dito. Mado-doble ang sahod ko at maipate-therapy ko na si Daddy upang makapagsalita na siya at makalakad kahit konte. Thanks God!
“I’m giving you a chance para patunayan sa akin ang katapatan mo,” ang makahulugan nitong dagdag. Sabi ko na nga ba. May kapalit ang lahat.
“Makakaasa po kayo, Sir. Sabihin niyo lang at gagawin ko ang nais niyo.”
He smirked. Oh my God! Ang gwapo nito sa ganoong gesture. Kaya lang ay ugaling-ewan kaya wala rin.
“Gusto kong bantayan mo ang kilos ng lalaking iyon. Ire-report mo sa akin kung sino ang mga kausap niya at ang mga naka-schedule niyang meeting araw-araw.”
“I will do that, Sir.”
“Good. You may leave now!” Sumenyas pa ito na parang nagtataboy ng kung ano. Kainis!
Paglabas ko ay siya namang pagdating ni Mirasol. Nagulat pa ako sa hitsura ng kababata. Magulo ang buhok nito na tila hinangin sa jeep. Kakaiba rin ang ayos nito ngayon.
“Wala ka bang suklay?” taas ang kilay na tanong ko rito.
“Ha? Ah, eh...” Iyon lang ang nasabi nito.
I rolled my eyeballs saka ito iniwanan. Mabuti na lang at good mood ako ngayon. Pagdating sa opisina ay sinalubong ako ng mga pagbati nina Jacky, Beverly at Zenia.
“Tamang-tama, Vienna, inimbitahan tayo ni Ma’am Shine sa condo niya bilang celebration ng paglipat niya roon,” sabi ng huli.
“Talaga?”
“Oo. Isabay na natin ang promotion mo.”
“Okay,” sang-ayon ko.
Mirasol
Hindi pa rin ako iniimikan ni Yuan. Kanina pa ako balisa sa pwesto ko at ngali ngali ko nang pasukin ito sa opisina ngunit nagdalawang isip ako. Alam ko kasi na marami itong trabaho ngayon. Kanina pa ako inaantok sa table ko dahil wala akong magawa. Ni phone call ay walang dumarating kaya bored na bored ako.
Pagsapit ng lunch break ay inaya ako ni Shine sa cafeteria. Pinilit ko na lang na hindi ipakita sa kaibigan ang aking pananamlay.
“Free ka ba mamaya? May pa-party kasi ako sa condo,” anito.
“Mamaya?”
“Yes. Na-envite ko na sina Vienna. Tayo-tayo lang naman. Gusto ko lang i-celebrate ang pagtira ko ro’n.”
Gusto ko sanang tumanggi dahil hindi pa kami okay ng nobyo. Balak ko kasi na kausapin ito mamaya pagkatapos ng trabaho. Kaya lang, baka magtampo si Shine kaya napilitan akong tumango.
Pagbalik ko sa pwesto ay sinulyapan ko na naman ang opisina ng binata. Nakasara pa rin iyon. Bumuntong hininga ako saka malungkot na naupo. Mahaba pa ang oras ng break time pero inagahan ko talaga ang pagbalik dahil nagbabaka-sakali ako na makikita ang nobyo.
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...