Mirasol
"Bakit 'di ka man lang nagbaon ng flat shoes? Alam mong dito tayo pupunta!" kastigo sa akin ni Yuan nang balikan niya ako at alalayan sa paglalakad.
"H-hindi ko alam na tabing dagat ang site—"
"Tsk! Kaya dapat inalam mo!" asik pa nito. Napatingin tuloy ako sa dalawang engineer na kaagapay namin sa paglalakad. Mukhang pati sila ay nailang sa pagsusungit ng binata sa akin.
Mayamaya ay pinagpatuloy na ng mga ito ang pinag-uusapan kanina. Nakahawak na ako sa braso ng nobyo upang makalakad nang ayos. Iyon nga lang ay kinuhit ko na naman si Yuan. May isa pa akong problema.
"Ano na naman iyon?" inis nitong lingon sa akin.
"A-ang sakit kasi ng talampakan ko. M-may buhangin yata sa loob ng sapatos," ang nahihiya kong bulong dito.
He sighed. Pagkuwa'y sinenyasan ang dalawang kausap na mauna na. Pagkalayo ng mga ito ay saka niya ako muling binalingan. Tinitigan ang paa ko habang naiiling. Mayamaya ay yumuko siya, iniluhod ang isang tuhod bago inangat ang isa kong paa. Nabigla ako sa ginawa ng binata kaya muntik na akong matumpa kung hindi agad nakakapit sa buhok nito.
"Aray, ha!"
"S-sorry..."
Inalis niya ang suot kong sapatos saka itinaktak. Halos isang kilo yatang buhangin ang nalaglag mula roon. Ganoon din ang ginawa niya sa kabila. Hawak niya ang binti ko kaya nakadama ako ng pagkailang. Mabuti na lang at walang tao sa parteng kinaroroonan namin.
"Doon ka na lang sa opisina. Tatawagin na lang kita 'pag aalis na tayo!" anito pagkatayo.
Doon nga niya ako iniwan sa office ng mga Engineer. Walang tao roon dahil abala ang mga ito sa labas. Prente akong naupo sa isang bakanteng upuan na may malinis na table at si Yuan naman ay bumalik sa labas. Pagtingin ko sa suot na stocking ay nagulat ako nang makitang may sira iyon. Siguro ay kanina pa iyon butas at hindi ko lang napansin. Baka napasabit kung saan. Required ang stocking sa VBC kapag naka-skirt. Nagpasya akong alisin na iyon kaysa magmukhang katawa-tawa.
Ilang minuto ang lumipas ay may nagpasukang limang lalaki sa opisina. Break time yata nila dahil may hawak ang mga ito na styro meal box at bottled water. Bumati sila sa akin at ginantihan ko iyon ng simpleng ngiti. May isang nag-abot ng pagkain at tubig at dahil gutom na ako ay tinanggap ko iyon.
"Salamat. N-nakita n'yo ba si Sir Yuan?" tanong ko pa sa mga ito.
"Lumabas po ng site kasama si Engineer Rosaldo," sagot ng isa.
Naisip ko na baka hindi pa rin ito kumakain. Pero sa pagkakakilala ko sa nobyo ay imposibleng kumain siya ng ganito. Rich kid pa naman iyon at maarte. Kaya kumain na lang ako kasabay ng mga naroon. Gutom na gutom na nga pala akong talaga. Mukha namang walang nakapansin ng katakawan ko dahil panay ang kwentuhan nila habang nagmemeryenda. Pansit at egg burger ang laman ng styro. Lampas na kasi ang tanghalian.
"Ma'am, 'di ba kayo ang fiancee ni Mr. Villanueva?" mayamaya ay tanong ng isang lalaki sa akin.
"O-oo..." nahihiya kong tango.
"Sabi ko sa inyo, e!" wika nito sa mga kasama.
Lalo akong nailang nang mabaling sa akin ang tingin ng mga ito. Empleyado rin sila ng VBC pero hindi ko kilala ang mga ito dahil ngayon lang naman ako nakapunta sa site. Mukha namang silang mababait at masayahin. Natatawa pa nga ako minsan sa jokes nila. Bentang-benta kasi kaysa sa joke ni Dale na bukod sa corny ay panahon pa ng tatay niya.
Natigil lang ang masaya nilang pagmemeryenda nang biglang dumating si Yuan sa opisina. Parang nakakita ng multo ang mga lalaki at nagkanya-kanya ng alis doon. May isa pa ngang halos naiwan ang kinakain dahil sa pagmamadali.
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...