Mico
Hanggang makauwi sa bahay ay para pa rin akong tulala. Hindi ko akalain na ganito ko kabilis matatagpuan ang nawawalang kapatid. Ngunit ang mas nakakagimbal ay ang malamang si Mirasol iyon.
Dire-diretso ako sa aking silid at basta na lang sumalampak ng upo sa sahig. Kipit sa isang kamay ang resulta ng DNA test nina Mommy at Mirasol. Walang dudang ito nga si Princess. Pero paano? Bakit si Mirasol pa?
Dapat ay maging masaya ako na sa wakas ay natagpuan ko na ang kapatid. Ngunit doble lamang ang sakit na idinulot niyon sa akin. Kapatid ko si Mirasol! Ang babaeng matagal kong pinaglaruan! Ang ginamit ko laban kay Yuan! Ang babaeng muntik ko nang sirain dahil sa aking paghihiganti!
Paano kung naunahan ko si Yuan noon na makuha ang dalaga mula kay Mr. Cheng? Hindi ba at iyon ang balak ko? Na ako ang unang kukuha sa pagkababae niya para tuluyang baliwin si Yuan. I almost ruined her! At ngayon ay kinamumuhian ako ng sarili kong kapatid.
Sa isiping iyon ay tuluyan akong napaiyak habang ini-uuntog ang ulo sa kanto ng kama. Iyong impit kong pagluha ay nauwi sa hagulgol. Labis na pagsisisi ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon.
Noong sabay naming marinig ang pagsasambulat ni Moneth ng totoo ay hindi ko magawang tumingin kay Mirasol. Gustuhin ko man na yakapin siya at humingi ng tawad dito ay hindi ko kaya. Sinaktan ko siya! Sinaktan ko ang sarili kong kapatid!
Mirasol...
“Mico!”
Pumasok si Yaya Judy at nagulat ito nang makita ang kalagayan ko. Yumakap ako sa tagapag-alaga at patuloy na nanangis sa kanyang balikat.
“A-anong nangyari? Bakit ka umiiyak?” nagtataka nitong tanong.
“K-kasalanan ko ang lahat, Yaya! Hinayaan kong kainin ng galit dahil sa nangyari kay Daddy! Kung hindi ko sana binalak na maghiganti ay hindi ko sana nagawang saktan ang sarili kong kapatid!”
“Ha? Ano bang ibig mong sabihin?” Lalo itong naguluhan.
“S-si Mirasol! Siya si Princess! Magkapatid kami!” saad ko na lalong lumakas ang iyak. Pati si Yaya ay napaluha na rin. Wala itong maapuhap na sabihin dahil sa nalaman. Matagal kaming nanatiling magkayakap sa sahig bago humupa ang aking emosyon.
“Mico, nagkamali ka man, ang mahalaga ay natuto ka. Humingi ka ng tawad sa kapatid mo. Hindi pa huli ang lahat! Makakabawi pa kayo ng mommy mo sa kanya.”
Tumango ako kay Yaya. She’s right. Nangyari na ang lahat at hindi ko na maibabalik pa ang nakaraan. Ngunit kaya ko pang ayusin iyon. Kailangan kong bumawi kay Mirasol!
Mirasol
Nangangatal ang kamay ko nang buksan ang lumang sulat ni Nanay Flor para sa akin. Dinalaw ko ito sa sementeryo sa pag-asa na makakakuha ng kapanatagan. Ngayon ko lang babasahin iyon.
Sobrang sakit man ay wala akong magawa upang pawiin ang nararamdaman. Nagagalit ako ngunit wala akong mapaglabasan niyon. Galit ako sa mommy ni Mico dahil sa pagtatapon niya sa akin. Pero hindi ko ito magagawang sumbatan dahil sa sakit nito. Galit din ako kay Ate Moneth dahil itinago nito ang totoo sa akin ngunit paano ko siya magagawang kamuhian? Sobra-sobra ang laki ng paggalang at respeto ko sa babae at dahil doon kaya mas doble ang kirot na nasa puso ko ngayon.
At si Nanay Flor. Marami akong nais sabihin sa kanya pero wala na ito.
Naupo ako sa tapat ng puntod ni Nanay saka binasa ang kanyang sulat. Unang letra pa lang ay nakapagpasikip na agad ng aking dibdib.
Mirasol,
Hindi pa man napuputol ang pusod mo nang makita ka namin sa tabi ng basurahan. Mamahaling tela ang iyong suot kaya naisip ko na baka isa kang anak-mayaman. Hindi ko alam kung bakit napalapit ka agad sa amin ng Tatay Allan n’yo. Kaya kahit alam kong wala kang kinabukasan sa amin ay pinilit ka kaming kupkupin. Para sa amin, myembro ka na ng aming pamilya. Ngunit huwag mo sanang isipin na itinago kita sa totoo mong magulang. Matagal akong naghintay na may maghanap sa iyo ngunit hindi iyon nangyari.
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...