Chapter - 81

637 89 42
                                    

Mirasol

Halatang may tama na si Yuan nang maubos ang alak na hawak. Panay ang halik niya sa pisngi ko habang nakaupo kami sa buhanginan. Todo pigil naman ako sa kanya sa takot na baka may makakita sa amin.

“Babe, tulog na kaya tayo?” aya ko kahit hindi pa naman ako inaantok dahil kagigising ko lang kanina.

“Matutulog kana ba, hmm?” Ipinihit niya ako paharap sa kanya at ipinatong ang dalawa kong binti sa magkabila niyang tabi kaya naitulak ko siya sa hubad niyang dibdib.

“Babe! Baka makita nila tayo!”

“Lasing na ang mga iyon at sigurado ako na kung saan-saan na sila nakatulog.”

“Sure ka? Mukhang hindi naman lasing si Samuel, e.”

“Tsk. Maagang natutulog iyon. Saka ano naman kung makita nila tayo?”

Pagkatapos n’on ay inangkin na niya ang labi ko. Nagpaubaya ako kahit panay ang tingin ko sa gilid namin. Madiin siyang humalik at medyo nasasaktan ako kaya muli akong kumawala sa nobyo. Pakiramdam ko ay nangapal ang labi ko dahil sa kanya. Alam ko rin na na-turn on na siya dahil ramdam ko iyon sa bandang puson ko. Ang laswa pa ng pwesto namin.

Muli niya akong kinabig at hinalikan. This time, masyado na itong mapusok. Hawak niya ang likod ng ulo ko at ang isang kamay ay nasa pang-upo ko. He’s pulling my body into his while kissing me hungrily. Nadala ako sa halik na iyon kahit kinakabahan sa paligid.

Napigilan ko lang ulit siya nang bumaba ang labi niya sa leeg ko. Kamkam na pati ng isa niyang kamay ang kaliwa kong dibdib kaya muli ko itong inawat bago pa makarating kung saan ang ginagawa namin.

“Babe, tama na kasi. Hindi na ako makakapag-enjoy bukas kapag may makakita sa atin dito,” sabi ko.

“Okay, okay. I’m sorry!” buntong-hininga niya. Mabuti na lang at tumayo na ito saka ako hinila pa-angat. Pagkuwa’y magkahawak kamay kaming naglakad patungo sa loob ng Villa at inihatid niya ako hanggang sa tapat ng room namin ni Trisha.

“Sleep na ako. Ikaw rin,” paalam ko sa nobyo.

“Goodnight,” tipid niyang tugon bago humalik sa labi ko saka tinungo ang kabilang silid.

Kumaway pa ako sa kanya bago binuksan ang pinto ng room namin. Pero ganoon na lang ang tili ko nang bumungad sa akin ang naghahalikang sina Trisha at Patrick sa gilid ng kama.

“Oh my gosh!” nagulat din si Trisha nang lumingon at tarantang itinulak si Patrick. Dire-diretsong nahulog ang lalaki sa kama kaya agad niya itong dinaluhan.

“Aray ko, Baby!” reklamo ni Patrick nang makabangon. Sapo nito ang balakang nang tumingin sa akin. Parang balewala lang dito ang naabutan ko.

“Mirasol, sorry. W-we are just kissing. You know, make out?” nauutal na paliwanag sa akin ni Trisha. Pagkuwa’y pinandilatan niya ang nobyo. “Sabi mo mamaya pa sila ni Yuan?”

“Malay ko!” irap ni Patrick saka tumingin sa akin. “Nasaan na si Yuan, Mirasol? Iniwan mo?”

“N-nasa room n’yo na,” naiilang kong sagot. Hindi ako makatingin sa hubad nitong pang-itaas.

“Go. Bumalik kana ro’n!” taboy sa kanya ni Trisha.

“Baby, ang sama mo!” labi nito. Hindi ko naman malaman ang gagawin. Nabigla talaga ako sa naabutan.

“Matutulog na kami ni Mirasol.”

Walang nagawa si Patrick kun’di umalis. Nang mawala ito ay tila nahihiyang inayos ni Trisha ang kama.

“P-pasensya kana. Ang kulit ni Patrick, lasing kasi,” naiilang nitong paliwanag.

“O-okay lang. Sensya na rin, napasigaw ako. Medyo magugulatin lang...”

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon