Samuel
Nakakailang ang katahimikan sa bahay nina Moneth. Gusto ko na sanang magpaalam dahil alam kong kailangang mag-usap ang mag-ina pero ayaw akong paalisin ni Lileth.
“Mamaya ka na lang po umalis pagdating ni Tita Tonio. Baka paluin ako ni Mama ‘pag wala ng tao, e.” Iyon ang sabi sa akin ng dalagita.
Ang inaalala ko lang kasi ay baka ako madamay. Maigi nga’t medyo okay na kami ng nanay niya. Pero syempre’y naiintindihan ko ito at ganoon din si Moneth. Pero wala ako sa lugar para makialam. Kaya patay-malisya na lang ako sa paghahalo ng yema sa kawali habang patingin-tingin sa mag-ina.
“Lileth, tigilan mo na muna ‘yang paggawa ng yema. Mag-focus ka sa pag-aaral mo,” sabi ni Moneth nang pumasok sa kusina.
Hindi umimik si Lileth at bigla na lang nag-walk out doon. Kitang-kita ko ang reaksyon ng dalaga. Halatang nasaktan ito sa ginawa ng anak. Tsk! Natigas na ang ulo ni Lileth, a.
“Tingnan mo ang batang ‘yon! Natututo nang magdabog sa akin!” anito sabay buga ng hangin.
“G-gusto mo kausapin ko?” paghingi ko ng permiso. Baka lang kasi gusto niya.
“Huwag na. Ano’ng alam mo sa pagdidisiplina ng bata?”
“Napagdaanan ko kasi iyang nangyayari sa anak mo kaya naiintindihan ko siya,” sabi ko matapos patayin ang stove.
“Anong ibig mong sabihin?”
Mukha namang intresado si Moneth kaya kinuwento ko sa kanya ang konting parte ng buhay ko. Saka na ang buo kapag kami na—este kapag close na close na talaga kami.
“Magkaiba pa rin kayo. Kilala ng nanay mo ang tatay mo. Samantalang ang tatay niya ay hindi ko man lang alam ang pangalan,” malungkot nitong saad. Naupo ako sa dining table nila at ganoon din ito.
“Anong ibig mong sabihin?” Nakita ko na medyo nag-alangan ang dalaga sa pagkwekwento. Sabagay, masyado kasing personal iyong topic. Pero gusto kong malaman niya na mapapagkatiwalaan ako.
“Wala. Huwag mo nang alamin.”
“Sabihin mo na. Malay mo makatulong ako?”
“Sus, tsismoso ka rin, eh, ‘no?” ingos nito.
Cute din talaga ito kapag nanghahaba ang nguso, e.
“Alam mo bang kinausap ako ng anak mo? Nalaman niyang dati akong private investigator at hiniling niya na hanapin ko ang papa niya.”
“S-sinahi niya iyon?” nabiglang reaksyon nito. Tumango ako at umiwas naman siya ng tingin.
“K-kung di mo mamasamain—pwede ko bang malaman kung paano mo nakilala ang papa ni Lileth?”
“Bakit naman? Para ano?”
“Gustong makilala nung bata kung sino ang tatay niya. At alam mong karapatan niya iyon.”
“Huwag ka na lang makialam, Samuel!” mariing sabi ng dalaga.
“Hindi naman ako nakikialam. Kaya nga sinasabi ko sa iyo ito, e. Kaya kong hanapin ang taong iyon kung papayag ka,” kumbinsi ko pa. Pero naisip ko rin, paano kapag nakita ko nga ang tatay ni Lileth? Tapos biglang panagutan iyong mag-ina? Gusto ko ba iyon? Bakit parang ayoko?
Putek, ano ito?
“Imposible na makilala pa siya ni Lileth. Kung ako nga’y hindi ko siya kilala, e,” mayamaya ay mahinang usal nito.
“Anong ibig mong sabihin?”
Saglit na nag-alinlangan ang dalaga ngunit pagkalipas ng ilang sandali ay muli itong nagsalita.
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...