YUAN
Inayos ko ang magulong buhok sa harap ng salamin sa loob ng suite na kinaroroonan. Nakabihis na ako't lahat pero tulog pa rin sa gitna ng kama ang babaeng nakaniig ko kagabi. Hindi ko ito kilala at nagtataka ako kung bakit siya napunta sa suite ko. Whatever! It was a nice f*ck after all. Pero kailangan kong alamin kung sino ang nagpadala sa babaeng ito sa akin.
Nag-iwan muna ako ng cash sa table bago lumabas ng silid. Sakto naman na lumabas din sa katabing suite ang nakangising si Xyren. Kumunot ang noo ko pagkakita rito. Hindi pa pala ito nakakabalik ng Pilipinas?
"Hi, Yuan. How's your night? Ayos, 'di ba?" wika nito sa akin matapos akong akbayan.
So, ito pala ang salarin.
Hindi ako nag-react. Dire-diretso akong naglakad patungo sa elevator. Sumunod naman ito sa akin. Sa coffee shop ako nagtungo at natagpuan ko roon ang tila problemadong si Patrick.
"Patrick, c'mon. 'Di ka ba nasiyahan? Ganda kaya nung sa iyo. Mas malaki ang boobs n'on kaysa sa ibinigay ko kay Yuan," saad ni Xyren pagkalapit dito.
"G*go talaga," bulong ko bago naupo sa katapat ni Patrick.
"Xyren, hindi naman ako nahingi ng babae sa iyo, ah? Sinisira mo ang buhay ko, eh, tsk!" tila naiiyak na wika ni Patrick.
Tumawa naman ang tarantado kong pamangkin. "Okay lang 'yon, Patpat. Buti nga at naalala ko pa kayo. Ayos 'yung ka-date ko kagabi. Kaya lang, masyadong magaling sa kama. Naluma ako do'n!" tawa pa ng lalaki.
"Seryoso kami rito tapos naninira ka ng buhay. Kung gusto mo ng babae—ikaw na lang. Uuwi na ako ng Pinas."
"Sus, susundan mo lang si Trisha. Pabalik na rin 'yon dito."
"Ha? Talaga?" biglang nagliwanag ang mukha ng kaibigan. Tahimik lang akong nakikinig sa dalawa.
"Oo, narinig ko si Tito Tristan, pinapabalik na niya si Trisha rito. Baka pagkatapos ng kasal ni Pauline, umuwi na iyon."
"Yes! 'Kala ko matatagalan siya sa Pilipinas, eh."
Nag-ring ang Cellphone ko kaya nag-excuse ako para sagutin ang tawag. Si Mommy.
"Hello. Mom?" natigilan ako nang marinig ang malalakas na hikbi ng ina sa kabilang linya.
"Yuan, ang daddy mo. Nasa ospital kami ngayon."
MIRASOL
Hinainan ko ng juice at tinapay sina Riko at Grace nang dalawin ako ng dalawa sa bago naming tinutuluyan. Mabuti na lang at hindi nag-react si Aling Thelma nang magpaalam ako. Kilala naman kasi niya ang dalawa dahil magka-kaklase kami nila Vienna noong elementary hanggang highschool. Iyon nga lang, nanlilibak ang tingin nito kanina kay Grace. Siguro'y dahil sa trabaho ng kaibigan. Sa club kasi nakakuha ng trabaho si Grace. Ang alam ko ay waitress ito roon. Hanggang doon lang ang alam ko dahil hindi na ako nagtanong. Karaniwan na kasi sa lugar na iyon ang ganoong trabaho dahil sa hirap ng buhay. Lalo na si Grace na maraming binubuhay na kapatid. Ano man ang trabaho nito ay mananatili kaming magkaibigan.
"Meryenda muna kayo, Riko, Grace," nakangiting alok ni Tonio sa kanila dala ang pitcher ng juice at kakanin.
"Salamat, Tonio."
"Buti naman at napadalaw kayo sa bago naming tinutuluyan. Ang tatay ni Vienna ang nagpatuloy sa amin dito," salaysay ng kapatid.
"Nasabi nga ni Mirasol. Mabait naman talaga si Mang Bert, eh. Pwera lang sa kanyang mag-ina," ani Grace na pabulong pa ang huling sinabi.
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...