Chapter - 11

1K 122 137
                                    

MEGGAN

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Tita Yuna matapos kong sabihin ang tungkol kay Mirasol. Kailangan na agad masira ang dalagitang iyon sa ina ni Yuan. Ngayon pa lang ay kikilos na ako. Hindi ako papayag na hindi maging Villanueva balang araw.

Bata pa lang ay iyon na ang pangarap ko. Ang maging asawa ni Paul Yuan. Nagsimula sa crush hanggang mauwi sa matinding pagkagusto sa lalaki. Umasa ako na sa akin rin makakasal ang binata. At sino lang ba ang Mirasol na iyon? Isang anak-mahirap na ni hindi ko alam kung saan nagmula at basta na lang sumulpot sa buhay ni Yuan.

"M-Meggan, hija, s-sigurado ka ba sa sinasabi mo?" bakas ng pagkatigagal na tanong ng ginang.

"Opo, Tita. Narinig ko po kina Patrick at Xyren. Inaakit ng Mirasol na iyan ang anak niyo, kaya ayaw na ni Yuan na mag-aral sa Canada!" Hinawakan ko pa ang tulalang babae sa dalawang kamay. "Masisira ang buhay ni Yuan dahil sa kanya. Kaya sinasabi ko po ito ngayon pa lang sa inyo para magawan niyo agad ni Tito ng aksiyon."

Sukat sa narinig ay biglang nanlaki ang mga mata nito at kinabakasan ko ito ng takot. Agad niya akong hinila sa sulok.

"Meggan, hindi ko alam kung totoo ang sinasabi mo, pero alam ko naman na hindi ka magsisinungaling sa akin," she said saka pinisil ang isa kong palad. "Pero sana ay sa atin na lang munang dalawa ang tungkol dito. Huwag mong sasabihin sa daddy nila, ha?"

Natigilan ako sa sinabi ni Tita Yuna. Hindi kasi ganoon ang ini-expect ko na magiging reaksyon niya kaya umapila ako.

"Pero paano po si Mirasol? H-hindi po sila pwedeng magsama sa iisang bahay ni Yuan."

"Ako na muna ang aayos nito, okay? Pero salamat sa concern mo."

Lihim akong nabigo sa narinig. Pero inaasahan ko na gagawa ng paraan si Tita Yuna para mapalayas sa mansion ang dalagita pati na rin ang nanay nito. Kung hindi iyon gagawin ng babae ay mapipilitan akong dumiretso kay Tito Paolo.




YUNA

PAGKATAPOS naming mag-usap ni Meggan ay naging balisa na ako sa bahay. Pagkaalis ng dalaga ay wala na akong ginawa kung hindi pagmasdan ang dalagitang si Mirasol. Ang hirap paniwalaan ng sinabi ni Meggan. Napaka-inosenteng tingnan ng dalagita at wala naman akong nakikitang kakaiba sa kilos nito. Tutok ito sa pagtulong sa gawaing bahay. Pero ganoon pa man ay kailangan ko pa rin siyang bantayan. Ano ang malay ko kung totoo ang ginagawa nitong pang-aakit sa panganay ko? Hindi pa namin alam kung ano ang tunay na ugali nito. Bigla tuloy akong kinilabutan. Paano kung totoo ngang inaakit nito si Yuan? Sobrang bata pa niya para magawa iyon. At kilala ko ang binata namin, may pagka-PG ito sa babae. Patunay na kahit pagbawalan siya ni Paolo na mag-nobya ay hindi ito sumunod. Halos magka-edaran lang sina Mirasol at Pauline. Grabe! Isipin ko pa lang na haharot nang ganito kaaga si Pauline ay para na akong aatakihin sa puso.

Ngunit ayokong basta na lang manghusga. Bilang ina ay dapat na maging patas ako. Pwede rin kasi na si Yuan ang humaharot sa dalagita ni Flor. Tssk . . . Kinakabahan tuloy ako. Baka makatunog ang daddy niya ay talagang magkakagulo. Eleven years old na bata ang pinag-uusapan dito. Kaya hangga't maaga ay lulutasin ko nang ayos ang problema—kung mayroon man.

"Hi, Mom, ano'ng merienda?"

Napapitlag ako nang biglang lumapit si Yuan at halikan ang isa kong pisngi. Galing ito sa itaas mula sa maghapong nagkukulong sa kwarto niya. Tapos ay bababa na sobrang sigla? Ang ngiti nito ay napaka-kakaiba. Lalo tuloy akong kinutuban pero hindi ako nagpahalata.

"Nagpaluto ako ng sotanghon. Tawagin mo na ang kapatid mo para sabay-sabay na tayo," tugon ko rito.

"Sotanghon?" Kinabakasan ng iritasyon ang mukha ni Yuan. "My, naman? Mula nang umuwi kayo ay balik na naman sa bihon ang meryenda rito. Pag hindi pansit o palabok ay sotanghon naman ngayon! Tssk," umiling-iling pa si Yuan. Ako naman ay kumamot sa ulo.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon