Chapter - 112

569 76 60
                                    

Paul Yuan

Dahil maganda ang araw ko ay inaya ko sina Patrick at Xyren sa Eco Bar. Mabuti na lang at parehong free ang dalawa. Gusto ko silang inggitin. Nagseselos si Mirasol at tuwing kabilugan ng buwan lang iyon mangyari kaya masaya ako.

“Hanggang tainga ang ngisi natin, a? Anong meron?” tanong agad ni Xyren nang mai-served ang alak sa table namin. Mabuti’t napansin niya agad.

“Para ngang good mood ka, Yuan,” sang-ayon ni Patrick.

“May nangyari lang na nakakaganda ng araw ko!” pasimpleng sagot ko habang nakangiti.

“Ano nga iyon?”

“Nagseselos kasi ang babe ko!” sabi ko sabay kuha sa baso ng alak at inalok sila ng cheers.

“Iyon lang?”

Nabawasan ang ngiti ko dahil sa reaksyon ng dalawa. Nakakainis ang pag-iling ng mga ito na para bang napakababaw ng aking sinabi. If I know, mga inggitero lang sila kaya ganoon.

“Selosa siya! Totoo iyon! Uuwi nga ako ng maaga, e. Baka kasi magalit sa akin kapag ginabi akong masyado.”

Lalo lang silang napamaang sa akin pagkatapos ay saka nagkatinginan.

“Yuan, inaya mo kami rito para lang ikwento iyan?” nakangiwing tanong ni Patrick.

“Oo. Bakit? Inggit ka, ‘no? Hindi kasi selosa si Trisha!” saad ko.

“Tsk! Hindi ko gugustuhin na magselos iyon. Baka lumipad ako sa condo!” anito na ikinatawa ni Xyren.

“Ang tanga mo, Patrick! Jealousy is a sign of love! Baka hindi ka mahal ni Trisha—”

“Yuan! Ang bunganga mo!” tila paiyak na asik ng lalaki sa akin. Lalo namang nagtawa ang pamangkin ko.

“Bakit naman nagselos si Mirasol?” curious na tanong ni Xyren.

“Gawa-gawa lang iyan ni Yuan. Wala sa hitsura ni Mirasol ang pagiging selosa!” wika pa ni Patrick pero hindi ko na lang pinansin. Ganoon talaga kapag inggit.

“Huwag kang maniwala kung ayaw mo. Pero kagabi’y kinausap niya ako. Pinaiiwas niya ako kay Shine dahil nagseselos daw siya!” kwento ko sabay tawa.

Natigilan naman si Xyren sa narinig. “Bakit naman daw??” tanong nito pagkalipas ng ilang sandali.

“Wala lang daw, e. Basta na lang daw siya nagselos. Ang cute ng babe ko, ‘no?” ngisi ko sa lalaki.

Lalo namang sumama ang mukha ni Patrick. Si Xyren naman ay hindi na umimik pero halatang napaisip nang malalim. Tiyak na maghahanap na ito ng seryosong karelasyon bukas.

“Akala ko magkaibigan sila?” tanong ni Patrick.

“Oo nga. Ewan ko ba sa babe ko. Napakaselosa!” tawa ko.

“Hindi mo ba naisip na baka may napansin si Mirasol kay Shine kaya siya nagselos?” pahabol ni Xyren.

“Wala. Sa dami kong ginagawa sa VBC ay hindi ko na maisip pa iyon. Pero may kutob ako na may crush sa akin si Shine. Baka napansin ni Babe kaya nagselos bigla,” balewalang sabi ko.

“Talaga? Gwapo ka?” pambabara ni Patrick kaya pinitik ko ito sa noo. Buti pa si Xyren, seryoso.

“Paano mo naman nasabi na crush ka no’ng tao?” tanong nito bago nagsalin ng alak sa baso niya.

“Ramdam ko lang.”

“Ayos! Inagawan mo pa si Xyren!” sabi ni Patrick.

“Huh? M-may crush ka ro’n?” gulat kong baling sa pamangkin.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon