Chapter - 42

822 110 67
                                    

Paul Yuan

Nakailang labas na ako sa hotel ay hindi pa rin dumarating si Mirasol. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang party at gusto ko na narito na siya. Naiirita ako dahil hindi rin ma-contact ni Samson ang driver na inutusan niyang sumundo rito.

“Boss, parating na iyon. Ang huling text ni Manny ay nasa byahe na raw sila. Na-late lang nang konte dahil sa traffic,” saad ni Samuel.

“Matagal nang may traffic sa Manila! Dapat ay kanina pa sila narito.”

“Baka po nagpagandang masyado si Mirasol para sa inyo,” anito na bigla kong ikinatigilan.

“A-are you sure?”

“Matagal talagang mag-ayos ang mga babae,” sabi pa. “Pumasok na po kayo sa loob at baka hanapin kayo ng mga bisita,” dugtong pa nito.

Huminga muna ako nang malalim bago sumunod sa sinabi ni Samuel. Medyo naging OA ako sa paghihintay kay Mirasol. Sigurado naman na darating din ito.

Pagbalik namin sa loob ay agad kong nilapitan sina Mommy at Daddy sa table kasama ang ilang mahahalagang bisita nito. Mayamaya ay inaya na ako ng ama para magbigay ng pagbati sa mga business partner namin na imbitado sa party. Halos sumakit ang panga ko kangingiti sa mga ito. Pati kamay ko ay pinawisan sa kaka-shake hands sa kanila. Hindi talaga ako masanay sa pakikipag-daop palad sa mga matatandang VIP. Kaya matapos iyon ay pasimple akong naglagay ng alcohol sa kamay.

Nang maalala si Mirasol ay tumingin ako sa paligid. Wala pa rin ito. Nang sulyapan ko ang grupo nina Shine ay wala pa ito roon. Inis kong tinawagan muli ang driver na si Manny.

“Nasaan na kayo? Magsisimula na ang party!” asik ko sa lalaki.

“M-malapit na po, Sir. Medyo na-traffice lang,” ang nauutal nitong sagot.

Sesermonan ko pa sana ito nang biglang may umagaw ng aking pansin. Naibaba ko ang hawak na cellphone saka matiim na tinitigan ang isa sa mga tao ni Shine partikular sa suot nitong kwintas. Ganoon na lang ang pagtiim ng aking bagang nang makilala iyon.

“Samuel!” mariin kong tawag sa bodyguard na agad namang lumapit sa akin.

“Bakit, Boss?”

“Kilala mo ba ang babaeng iyon? Iyong naka-pula na katabi ni Shine,” paasik kong tanong dito.

“Empleyada rin po siya ng VBC. Kababata ni Mirasol.”

Tiim ang bagang na binalingan ko ang lalaki. “Dalhin mo siya sa akin, bilis!”



Vienna

Wala akong ideya kung ano ang kailangan sa akin ni Sir Yuan. Kaya naguguluhan akong sumunod kay Samuel nang sabihin nito na gusto raw akong makausap ng bago naming CEO. Nag-aalangan man ay pinilit kong maging kampante habang naglalakad.

Sa isang suite kami humantong at pagdating doon ay nakita ko ang lalaki na madilim ang mukha habang nakaupo sa leatherette chair.

“S-sir . . . Ipinatatawag n’yo raw po ako?” magalang kong tanong.

Bigla itong tumayo at namalayan ko na lang na nasa harapan ko na siya. Amoy ko ang mabangong singaw ng kaniyang katawan at parang bigla ay nais kong mapapikit dahil sa hininga nitong tumama sa aking pisngi.

Ilang saglit ay inakala ko na hahalikan niya ako kaya basta ko na lang ipinikit ang mga mata. Bakit ako tatanggi kung gawin man nito iyon? Kahit iba ang mahal ko ay papatulan ko ang lalaking ito. Tiyak na kaiinggitan ako ng lahat kapag nalaman nila ang tungkol dito.

Ngunit ganoon na lang ang pagkagulat ko nang bigla nitong haklitin ang kwintas na aking suot. Bahagya akong napa-daing nang masaktan ang balak ko sa leeg.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon