Chapter - 105

762 86 62
                                    

Meggan

Bwisit! Pumalpak si Salvejo. Hindi niya nasira si Mirasol kay Yuan at ngayon ay nasa kulungan ito. Hindi namin inakala na minamatyagan na pala siya ng binata noon pa man. Ibig sabihin ay hindi niya nagawang paniwalain si Yuan sa pagpapanggap niya. Ayon at siya ang napatibungan. Hindi naman ganoon ang plano namin pero dahil nahuli na nga siya ay itinuloy na niya ang pagdawit sa pangalan ni Mirasol.

Ngunit hindi nga naniwala si Yuan sa aming palabas. Kinakabahan tuloy ako. Kapag nakulong si Salvejo ay baka mapilitan itong umamin. Hindi ko iyon hahayaang mangyari.

Kung bakit kasi ganoon kalaki ang tiwala ni Yuan sa girlfriend niya. Nakakairita! Hindi ba dapat ay magkaroon man lang ito ng konting doubt? Pero wala talaga. Pinrotektahan pa nito si Mirasol sa Board of Directors. Tsk! Konti na lang ay hahanga na ako sa pagmamahal ng kababata sa babaeng iyon.

Pero mas kailangan kong unahin ang tungkol kay Mico. Ngayong nasa crisis ang Blue Ladder ay kailangang ako ang nasa tabi nito. Dapat ay sa akin lang siya kakapit para humingi ng tulong. Pagkatapos niyon ay babalik kami sa dati. Iyong masaya at kontento sa bawat isa. Makakalimutan niya ang walang kwentang si Mirasol at lalayo ulit kami sa lahat.

Sa isiping iyon ay gumaan ang aking pagkiramdam. Pagkuwa’y nagmamadali na akong nagtungo sa kompanya nito. Naabutan ko si Mico sa madilim na opisina at umiinom ng alak. Kahit papaano ay nahabag ako sa binata. Kung sana ay ako ang minahal niya. Baka sakaling hindi umabot sa ganito ang lahat.

“M-mico...”

Tumalim ang mata ng binata pagkakita sa akin. Tumayo ito sa kinauupuan at galit akong hinaklit sa isang braso.

“Alam ko na ang lahat ng ginawa mo, Meggan! Umamin na ang mga empleyado ko na ikaw ang nag-utos sa kanila na ilabas ang mga design na ninakaw mo sa VBC!” galit nitong saad.

Inaasahan ko naman na iyon kaya balewala ko lang na ipiniksi ang braso rito. 

“Oo. Ako nga!” nakahalukipkip kong pag-amin. “Nasa America tayo noon at ipinagkatiwala mo sa akin ang kompanya dahil abala ka sa pagpapagamot sa mommy mo. Pero sino ba ang nakinabang sa mga ginawa ko? Hindi ba’t ikaw? Sa tingin mo ba, uunlad agad ang Blue Ladder sa loob lamang ng apat na taon kung hindi ko ginawa iyon? Mapapantayan ba n’on agad ang VBC?”

“Meggan—”

“Ginawa ko iyon para sa iyo! Dahil alam ko kung gaano ka kapursigidong higitan si Yuan! I did everything to help you! Ganoon kita kamahal! Pero anong isinukli mo?” mapait kong tanong sa huli.

“Hindi ko sinabing gawin mo iyon! At idinamay mo pa si Mirasol!”

“Bagay lang iyon sa kanya dahil sa pang-aagaw niya sa iyo.”

“Meggan! Hindi niya kasalanan na nahulog ako.”

“Kasalanan niya!”

Bumuntong-hininga ang binata bago iiling-iling na tumingin sa mga mata ko.

“Paano mo nagawa sa akin ito? Tinulungan mo nga akong umahon pero ikaw rin ang nagtulak sa akin pababa! Ngayon ay nanganganib nang magsara ang kompanya ko! How dare you do this to me?” mariin nitong sumbat.

May kumawalang luha sa gilid ng aking mata pero agad ko rin iyong pinalis.

“Kaya kong ibangon ang Blue Ladder. Kaya kong ipa-urong ang demanda sa iyo ng VBC. Just be with me! Bumalik tayo sa dati!” may halong pakiusap na sabi ko. Nasaktan ako nang makita ang pag-iling ng binata.

“I can’t do that! Sinabi ko na sa iyong may iba akong mahal—”

“She is Yuan’s Fiancee!” gigil kong putol sa sinasabi niya. “Ganoon ba ako kahirap mahalin?” tanong ko pa na tuluyang napaiyak sa harap nito.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon