Chapter - 60

1K 102 52
                                    

Mirasol

Nang makita kong lumiko na sa hallway ang mga VIP ay dali-dali akong nagpaalam kay Riko para magtungo sa office. Pagsakay ko ng elevator ay nakasabay ko ang ilang empleyado. Aatras sana ako nang makita roon ang grupo nina Gladys kaya lang ay sumara na ang pinto ng elevator. Sila iyong nam-bully sa akin sa rest room noong party. Si Gladys ay isa sa mga pinakamagandang empleyada ng VBC at anak-mayaman. Malaki ang crush nito kay Yuan kaya galit ito sa akin, sampu ng mga kasama niya.

“Look at her? Paano iyan papatulan ng CEO natin? Ni isang signature item ay wala man lang siya!” ang pasaring ng dalaga sa akin.

Tama ang aking hula. Hindi talaga nito pinalalampas ang pagkakataon tuwing nagkakasalubong kami.

“Tama. Hindi sila magka-level!” sang-ayon ng isa.

“Hindi natin siya ka-level! She’s just a common secretary na talino lang ang puhunan kaya natanggap dito!” ngisi ni Gladys sabay irap sa akin.

Huminga na lang ako nang malalim para pigilan ang sarili na gumanti ng irap dito. Sanay na ako sa kanila. Hindi lang naman ang grupo nito ang nagpaparinig sa akin magmula nang isayaw ako ni Yuan sa party. Kahit saan ako magpunta ay may mga ganito sa VBC. Hindi ko sila pinapansin dahil umaasa ako na lilipas din ang issue na iyon. Kaya lang ay nakakapagtaka na lalo lang iyong lumalala habang nagtatagal.

Isa ito sa dahilan kaya ayokong malantad ang relasyon namin ni Yuan. Tiyak na lalo akong pagtutulungan ng mga ito at baka lalo silang mang-harrass sa akin. Ang gusto ko ay tahimik na buhay lalo na sa trabaho.

Nang bumaba ang iba ay nagtaka ako dahil nagpaiwan sina Gladys at ang dalawa niyang kasama sa elevator. CEO’s floor na ang kasunod kaya saan pa pupunta ang mga ito?

Hindi ko na lang sila pinansin kahit panay ay bulungan ng mga ito. Paghinto ng elevator sa 23rd floor ay naglakad ako palabas. Nagulat ako nang biglang talapidin ng kasama ni Gladys. Huli na para makakapit ako. Napahandusay ako sa sahig at sa malas ay nasira pa ang takong ng aking sapatos. Matalim ang mata na nilingon ko ang mga ito ngunit lahat sila ay nakangisi lamang habang nakahalukipkip.

“Basura!” sabi pa ni Gladys bago sumara ang elevator.

Huminga ako nang malalim bago paika-ikang tumayo. Napailing na lang ako matapos tingnan ang nasira kong sapatos. Kabibili ko lang nito sa mall noong isang buwan. Napakabilis namang nasira? Sabagay, wala naman kasi iyong tatak. Pero mahal pa rin ang bili ko doon kaya hindi ko inaasahan na masisira agad ito nang ganoon lang kadali.

Paano na ako nito? Laylay ang balikat na tanong ko sa isip. Makakatagal ba ako maghapon nang uuga-uga ang sapatos? Pero ano pa ba ang magagawa ko kun’di magtiis? Hindi pa naman siguro ito bibigay hanggang mamaya.

“SAAN ka galing?”

Iyon agad ang tanong ni Yuan pagkarating ko sa aking table. Mukhang mainit ang ulo nito. Ganoon ito lagi tuwing sunod-sunod ang meeting o ‘di kaya ay tambak ang trabaho.

“N-nag-kape lang ako sa baba. Wala ka pa kasi kanina kaya nagpunta muna ako sa coffee shop,” sagot ko.

“Kanina pa ako nandito. Sinalubong ko lang ang mga bisita sa entrance. Kung saan-saan ka na agad nagpupunta! Tsk.”

“Pasensya na po, Sir. Trabaho na tayo?”

Kumibot ang labi nito na tila may nais sabihin. Ang cute nito sa ganoong gesture.

“Halika muna sa office ko. May sasabihin ako,” he said.

Tumango ako at sumunod dito papasok sa opisina. Pagkasara ko ng pinto ay muntik na akong mapatili nang kabigin niya sa baywang at isandal sa likod ng pintuan.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon