Mirasol
Pagkagaling sa trabaho ay nadatnan na namin sina Patrick at Trisha sa condo ni Yuan. Sumunod si Xyren na may dala ng pagkain. Nabitin yata sila sa kasiyahan sa party ni Dale kaya roon tumambay. Hindi pa ako umuuwi sa bahay mula nang manggaling doon at dito sa condo nag-stay.
Para tuloy dinaanan ng bagyo ang unit ni Yuan. Sobrang gulo ng mga ito at maging si Trisha ay nakikisali pa. Ako iyong walang tigil kadadampot ng kalat nila dahil hindi ako sanay ng makalat doon.
“Tingnan n’yo itong mga picture natin. Ang talandi ni Mirasol, oh!” sabi ni Trisha kaya napalapit ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko pagkakita sa larawan namin ni Yuan na naghahalikan sa couch.
“Sinong nag-upload nito?” namumula kong tanong na inagaw ang cellphone ng dalaga. Ganoon na lang ang inis ko nang makita ang name ng uploader. Sino pa ba kun’di si Dale. Puro kami ni Yuan ang post nito sa IG. May caption pa na ‘lovers’
Tawa naman nang tawa sina Patrick at Xyren. Mukhang naiinis din si Yuan pero busy siya sa phone kausap si Pauline. Hindi ko alam na birthday rin pala ng kapatid nito. Kanina pa sila sa kotse nagtatalo pero hindi ko naman maintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila.
“Aw. Kitang-kita ang dila mo, Sol. Ang haba!” saad ni Patrick kaya inirapan ko siya. Ang sarap nitong batuhin. Pero uunahin ko muna si Dale na siyang pasimuno. Pati pag-body shot ko ay talagang kinuhanan niya ng litrato at ipin-ost pa talaga! Grrrr!
Si Xyren ay gumamit pa ng laptop para daw mas makita niyang maigi ang mga larawan. Nakisilip na rin ako dahil baka may mas malaswa pang ini-upload si Dale. Nahihiya ako sa mga picture ko. Bakit ako lang iyong may pangit na angulo? Sinadya ba ni Dale iyon? Puro stolen shot at may picture pa ako na nakanganga habang tulog sa balikat ni Yuan. Kainis talaga!
“Grabe si Dale. Kaya ayokong malasing sa party, eh. Kilala ko na ang trip niyan,” ani Xyren.
“Si Mirasol talaga iyong target niya. Kawawa naman ang bebe ni Yuan,” natatawang wika naman ni Xyren.
Nang magsawa sila sa pagtingin ay ako naman ang humarap sa laptop. Naramdaman ko na naupo na sa tabi ko si Yuan matapos ibaba ang telepono pero abala ako sa pag-scroll ng mga post ni Dale kaya hindi ko siya nilingon. Ang papangit talaga ng pictures ko. Mabuti na lang, wala akong Instagram.
Kumunot ang noo ko nang mayamaya ay may mahagip ng paningin. Isang nakatalikod na lalaki na may tattoo ng dragon sa likod.
“S-sino ito?” tanong ko kay Xyren dahil siya iyong kaharap ko.
“Si Samuel. ‘Di mo ba kita?”
Si Samuel nga! May tattoo pala ito. Ngayon ko lang nakita. Paano’y hindi naman ito gaanong naligo at siguro ay lasing na lasing na ako para mapansin pa siya. Nagkaroon kasi ako ng ibang kutob tungkol sa tattoo niya. Pero common naman ang ganoong tattoo kaya naisip kong masyado lang akong tamang hinala.
“Titig na titig. Bakit, Mirasol? Huwag mong sabihin na nama-macho-han ka kay Samuel?” tudyo ni Patrick sabay tingin sa gawi ni Yuan. Nang-aasar. Naningkit tuloy ang mata ng huli.
“Gago ka ba, Patrick?” pandidilat dito ni Trisha. Mabuti naman at pinagtanggol niya ako.
“Bakit? Anong masama kung humanga siya sa built ni Samuel?”
“F*ck you, Patricio! Get out of my condo!” asik sa kanya ni Yuan bago padabog na tumayo at dire-diretsong umakyat sa kwarto. Kinabahan tuloy ako.
“Yuan, joke lang naman iyon, ah!” tawag ni Patrick dito.
“Bobo mo! Kaya ka nag-retake ng bar exam, eh,” sabi ni Xyren dito.
“Hindi mo malimutan, ha?” irap ng huli sa kanya.
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...