Mirasol
“Sasabihin ko kay Sir Yuan ang lahat-lahat! Sasabihin ko na si Sir Paolo, ang nagbigay sa iyo ng kwintas na isinanla mo sa akin!”
Nagulat ako sa narinig kay Vienna. “Ano’ng——”
“Akala mo ba’y hindi ko alam na si Sir Paolo ang binagbentahan mo ng sarili noon? Kunwari ka pang nagmamalinis! Itinatanggi mo lang na totoo ang narinig ko sa ospital!”
Ilang saglit bago ko naunawaan ang sinasabi nito. Naitakip ko ang isang palad sa bibig dahil sa pagkagimbal. All this time ay iyon pala ang paniniwala ng babae. Kaya pala makahulugan lagi ang ngisi nito sa akin.
“Mali ka ng iniisip sa akin, Vienna!” sabi ko sa dalaga.
“Mali? Huh! Magde-deny ka pa rin hanggang ngayon? YLV ang tatak ng kwintas na iyon. So paano mo ipapaliwanag sa akin kung bakit ka nagkaroon ng ganoong alahas? Nagsinungaling ka pa na pamana iyon ng Nanay mong namatay?”
Wala akong maapuhap na isagot dito dahil half-truth ang nalalaman niya. Pero kahit kailan ay hindi ko aaminin iyon sa babae.
“Kung sasabihin mo iyan kay Sir Yuan ay lalo ka lang masisira! Baka idemanda ka pa niya, kaya mag-isip kang mabuti sa nais mong gawin!” iyon ang tugon ko rito.
“Bakit niya ako ide-demanda? Ikaw ang makukulong dahil pumatol ka sa may pamilyang tao!”
Hindi ako nakapagtimpi at nasampal ko ulit ito. Nanlisik ang mga mata nito sa akin ngunit mayamaya ay ngumisi ang dalaga habang inaayos ang pagkakatayo.
“Wala kang alam sa totoo! Kapag ginawa mo iyan ay mapapahiya ka lang!”
“Tingnan na lang natin!” anito, bago ako tiningnan mula ulo hanggang paa saka tumalikod para umuwi sa kanila.
Nanlambot naman ang tuhod ko nang mawala ang babae.
Vienna
Kinakabahan man ay buong tapang ako na nagtungo sa opisina ng CEO ng VBC. Ipinagpasalamat ko dahil hinarap pa rin ako ng binatang Villanueva sa kabila ng galit nito sa akin noong nakaraang party. Hindi ako papayag na matanggal sa kompanya. Kung mayroon mang dapat umalis ay si Mirasol iyon at hindi ako!
“Marami akong ginagawa ngayon, Ms. Marquez, pero bibigyan kita ng limang minuto. Ano pa ang sasabihin mo sa akin?” blanko ang mukhang tanong ni Sir Yuan. Ang tauhan nitong si Samuel ay tahimik lang sa tabi ng table nito.
Ngayon ko naisip na mas mabagsik ito sa kaniyang ama. Nakadama ako ng takot ngunit nilakasan ko ang loob. “Hindi niyo po ako pwedeng alisin dito, Sir! I need my job. Huwag niyo sana akong personalin!”
“Tsk! Ako pa ngayon ang namem-ersonal? Hindi ba ikaw iyon? And besides, ano’ng karapatan mo na question-in ang desisyon kong tanggalin ka?”
Naikuyom ko nang lihim ang mga palad. Pagkuwan ay taas-noo akong humarap sa lalaki. “Si Mirasol ang pumatol sa inyong ama! Kaya bakit ako ang tatanggalin niyo?”
Pareho pa silang nagulat sa aking sinabi kaya lihim akong napangisi.
“A-anong sabi mo?!” dumadagundong ang boses na tanong ni Sir Yuan. Pulang-pula ang mukha nito sa galit at tingin ko pa ay parang gusto niya akong sakalin. Nanginginig man sa takot ay nagpakatatag ako.
“Totoo ang lahat ng sinabi ko sa party. Two years ago, nangailangan ng pera sina Mirasol para sa operasyon ng pamangkin niya. Malinaw kong narinig ang pag-amin niya sa ate niya. Hindi ko alam noon kung sino ang pinagbentahan niya ng katawan. Nang nagnakaw sa bahay namin ang kuya niyang bakla ay ipinakulong ito nina mommy. Isinanla niya sa akin ang kwintas kapalit ng pag-laya ni Tonio at nagsinungaling pa sa akin si Mirasol nang sabihin na pamana raw iyon sa kaniya ng nanay nila.”
Saglit akong tumigil nang makita ang paggalaw ng bagang ng binata. Para na itong sasabog sa matinding galit pero wala akong pakialam. Itinuloy ko ang sinasabi. “Nang makapasok kami sa VBC ay saka ko nalaman na si Sir Paolo ang lalaking naging customer ni Mirasol. Titig na titig ang mommy niyo sa kwintas kaya kinutuban ako. Doon ko nalaman na YLV jewel pala ang kwintas. Mula noon ay lagi na akong nakamasid kina Sir Paolo at Mirasol. Hindi man sila naglalapit sa kompanya ay kita ko naman ang sulyapan nila——”
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...