CHAPTER - 26

1.2K 88 76
                                    

MIRASOL

MAG-isa lang ako sa bahay namin dahil nasa Ospital pa rin si Ate Moneth na nagbabantay sa pamangkin ko. Si kuya Tonio naman ay hindi ko alam kung saan nagtungo. Nagpaalam ito kanina at sinabi na maghahanap daw ng pera para maipangdagdag sa araw-araw na gastusin.

Napabuntong hininga ako habang malungkot na hawak ang larawan ni Nanay Flor. Kulang na kulang pa rin ang nalikom na pera para sa operasyon ni Lileth. Kahit halos ay manlimos kami sa mga tao ay hindi pa rin sapat iyon. Pakiramdam ko ay wala akong naiitulong sa mga kapatid ko at kung titingnan ay pabigat pa ako sa kanila dahil sa pag-aaral ko.

Mahalaga sa akin ang pamilya. Kaya lahat ay gagawin ko para sa kanila lalo na kay Lileth na sobrang malapit sa akin. Hindi ko na kakayanin pa kung may mawawalang muli sa mga ito. Kaya isang pasya ang nabuo sa aking isipan. Alam kong hindi matutuwa si nanay sa aking gagawin pero wala na akong pagpipilian. Saan kami kukuha ng pera kung hindi ko iyon gagawin? Ayokong basta na lang panoorin ang pamangkin na naghihirap sa ospital. Kaya gagawin ko ang naiisip kong paraan.

“‘Nay, patawad po. Pero gagawin ko ito para kay Lileth,” malungkot kong wika sa larawan.

Siguro ay hanggang dito na lang talaga ang lahat ng aking mga pangarap. Bukod sa tumigil na rin ako sa pag-aaral ay itataya ko pa ang aking dangal para sa pamangkin.

Ilang buntong hininga pa ang aking pinakawalan bago tumayo at lumabas ng bahay dala ang paper bag na pinaglalagyan ng damit na isusuot kung sakaling matanggap ako sa pupuntahan. Nakita ko pa sa daan si Vienna na masayang kahuntahan ang isa namin dating high school classmate. Minsan, gusto ko nang mainggit sa babae. Bukod sa maayos ang buhay nito ay hindi ko pa yata siya kinakitaan ng problema man lang. Samantalang kami ay hindi na nilubayan ng mga pagsubok noon pa man.

“Saan ka naman pupunta? Gabing-gabi na ah?” nakapamaywang nitong tanong sa akin.

Tumigil ako sa tapat nila. “Kina Grace lang ako pupunta. M-may pag-uusapan lang kami,” ang sagot ko.

“Hmmp! Nasa ospital na nga ang pamangkin mo ay inuuna mo pa ang lakwatsa? Wala ka talagang kwenta!”

Hindi ko na lang pinansin ang patutsada ng babae. Ano bang bago roon? Tumango na lang ako sa mga ito at tuluyang umalis. Habol pa ng aking pandinig ang mga sinasabi niya laban sa akin. Pero wala akong oras para makipag-away ngayon.


Sakay ng tricycle ay nakarating ako sa bahay ng amo ni Grace. Hindi naman iyon kalayuan kaya halos limang minuto ay naroon na ako. Sinalubong ako ng kaibigan kasama ng isang matabang babae na siyang may ari ng club na pinagta-trabahuhan niya.

“Mrs. Jen, siya po ‘yung sinasabi ko sa inyo na kaibigan kong nangangailangan ng malaking pera, si Mirasol,” pakilala sa akin ni Grace.

Kabado man ay pinilit kong ngumiti sa kanila. Pinasadahan naman ako ng tingin ng babae bago nagsindi ng sigarilyo. Pinigilan ko ang mapaubo sa usok na ibinuga niyon.

“Maganda, pero walang dating. Mukhang kimi pa. Hindi iyan pwede sa club,” anito habang binibistahan ako mula ulo hanggang paa. Nagkatinginan naman kami ni Grace.

“Kailangan po niya ng pera kahit Isang Daang Libo lang po,” may pakiusap na wika ng kaibigan.

“Isang Daang libo? Patawa kayo? Noong virgin ka nga ay pahirapan pa ako sa bente mil, eh. Naku naman, Grasya,” kakamot-kamot sa ulong reaksyon nito. Nangingiwi na lang si Grace at ako naman ay hindi mapigilan na di magulat. 

Bente mil para sa virginity? Sobrang baba. Pero nandito na ako. Kailangan kong magpakababa dahil kaligtasan ni Lileth ang kapalit niyon. Pero sana naman ay may tataas pa roon. Lihim kong nahiling.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon