Chapter - 74

648 93 43
                                    

Mirasol

Tatlong araw na mula nang umalis ako sa condo ni Yuan. Ganoon pa rin, lagi pa rin akong balisa sa pagtulog at nami-miss siya. Dahil sa daming trabaho ay hindi na kami gaanong nakakapag-usap nang sarilinan. Sunod-sunod ang meeting nito at maaga rin siyang umuuwi sa mansyon.

Ako lang yata ang parang tanga na nami-miss siya. Nagkaka-chat naman kami pero hindi sapat sa akin iyon. Inis na inis tuloy ako sa sarili. Ganito na ba ako kahibang sa boyfriend ko?

Nang sumunod na araw ay personal niya akong inihatid sa bahay. Akala ko ay magtatagal siya pero nagpaalam din agad dahil may trabaho pa raw siyang itutuloy sa kanila. 

“Babe, miss na kita. Aalis ka agad?” nahihiya man ay sinabi ko na rin para alam niya. Napahinto siya sa pagpasok sa kotse at lumingon sa akin.

“I miss you too. Marami lang talaga akong trabaho sa ngayon. Alam mo iyan,” aniya.

Tumango ako habang pigil ang paglabi. Oo alam ko iyon. Kaya kahit sarili ay kinaiinisan ko dahil para akong baliw kaiisip dito samantalagang araw-araw naman kaming nagkikita sa trabaho. Ano ba talagang problema ko?

“That’s the reason why I asked you to live with me. At least, kahit pareho tayong busy ay magkatabi pa rin tayong matutulog. But I respect your decision, don’t worry,” he added.

“Okay,” I sighed.

“Alis na ako.”

“Bye.”

Lalo kaming naging abala sa trabaho ng mga sumunod na araw. Hindi na halos kami nagki-kiss sa totoo lang. Hindi naman ganito rati. Hmmp! At hindi rin ako ganito rati.

Dumating iyong big client at sa opisina sila nag-usap ni Yuan. Si Mr. Toni Velozo. Isang 58 years old business magnate na siyang dinayo niya sa Spain. Mukha naman itong mabait pero pakiramdam ko ay hindi nito gusto si Yuan.

“Before I sign the contract. I want you to know that I dont like your attitude, young man,” sabi nito.

Napatingin ako sa kasintahan at nakadama ng pag-aalala rito. Kita ko ang inis sa mukha niya pero pinilit pa rin niyang ngumiti sa matandang lalaki.

“You talk as if your company is the number one in the world. Well yes, it is. Pero dahil iyon sa daddy mo! Pinili ko ang VBC hindi dahil sa iyo kun’di dahil sa daddy mo. Don’t act too high dahil wala ka pang napapatunayan. Nasa taas na ang VBC bago ka pa maupo bilang CEO.”

Muntik na akong mapasinghap dahil sa narinig. Grabe iyon!

“I respect your opinion about me, pero hindi ko hahayaan na bastusin mo ako sa sarili kong kompanya kahit gaano ka pa kaimportanteng tao!” mariing sabi ni Yuan.

Noon lang ako natauhan. Pagkuwa’y nanlalaki ang mata na sinenyasan ko siya na huwag nang patulan ang lalaki sa pamamagitan ng tingin pero hindi niya ako pinansin. Inirapan pa ako! Tuloy ay galit na tumayo si Mr. Velozo.

“Wala ka talagang galang! Ibang-iba ka sa tatay mo! You’re nothing without him!”

“Fuck you!” sigaw ni Yuan na ikinalaglag ng panga namin ni Mr. Velozo.

Yuan, naman!

“What did you say?” Napatayo ang matanda, hindi makapaniwala.

“I said, fuck you! Get out of my company!”

“Yuan!” nabigla kong tawag sa kasintahan. Pero hindi nito binawi ang sinabi.

Saka lang ako nakakilos nang makaalis ang lalaki na galit na galit. Kung galit ang kliyente namin ay mas doble ang galit ni Yuan. Tinangka kong habulin si Mr. Velozo pero sinigawan ako ng binata.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon