YUAN
Nagpupuyos ako sa galit pagkarating sa apartment na tinutuluyan. Hindi ako makapaniwala na nagawa iyon ni Meggan. Of all people, bakit ito pa? I treated her good. She is like a sister to me, at maging si Mommy ay gustong-gusto siya. Iyon pala ay may itinatago rin itong ugali. Nakadama ako ng panghihinayang. I almost gave her my trust. Mabuti na lang at nalaman ko iyon nang maaga.
"Yuan, huwag ka namang ganiyan kay Meggan. Narinig mo naman ang dahilan niya. She loves you kaya niya iyon nagawa. 'Di mo dapat siya prinangka nang ganoon," seryosong payo ni Xyren. Naroon pa kami sa kotse niya at hindi pa ako nakakababa.
"Whatever! Tingnan mo ang nangyari sa ginawa niya? Pati si daddy nagalit sa akin! At nawala si Mirasol. " inis kong wika.
"Mali nga na sinumbong ka niya pero hindi siya ang dahilan kaya kayo nagkalayo ni Mirasol." tinapik pa nito ang aking balikat. "C'mon, huwag kang maghanap ng masisisi dahil ikaw naman ang may kasalanan kaya kayo nahuli. You're molesting the kid—"
"Idiot! I'm not a maniac! I was just kissing her!"
"Ganoon na rin iyon! Masyado kang hot, eh, hotcake pa lang ang Mirasol mo."
"Anong hotcake? Pwede ba?"
"'Wag mo na lang pansinin ang hotcake, favorite mo 'yun 'di ba?"
"It's pancake! Saka huwag mo akong nililibang!" iritado kong pakli.
"Seryoso ako, Yuan. Matagal na nating kaibigan si Meggan. We should understand her."
"Ah, basta! Hindi ko na ulit siya pagkakatiwalaan." Napailing na lang ito.
Agad na rin akong pumasok sa apartment. Gusto ko munang ipahinga ang utak sa mga nangyari. Hindi na bumaba si Xyren dahil madilim na at kailangan na nitong umuwi.
Pagkapasok ko sa tinutuluyan ay naroon pa rin ang kasamang si Samuel sa higaan nito sa itaas ng double deck at mukhang sarap na sarap sa pagtulog. Naglinis lang ako ng katawan at nagpalit ng damit bago nahiga na rin. Parang pagod na pagod ang aking pakiramdam at nais kong matulog at huwag munang isipin ang mga problema. Kaya lang ay napakalakas humilik ng lalaki. Nakakainis! Tinakpan ko na lang ng unan ang tenga ko para hindi iyon marinig.
KINABUKASAN, tinanghali ako ng gising dahil sa puyat sa hilik ni Samuel. Nang magising ako ay namataan ko itong nagluluto sa kusina. Hindi napigilan ng aking sikmura ang pagkalam. Naalala kong hindi nga pala ako naghapunan kagabi. Tumayo ako at kinuha ang towel sa rack.
"Morning," bati ni Samuel na abala sa lutuan.
Tumango ako. "Ano 'yang niluluto mo?" hindi ko napigilang hindi itanong.
"Ginisang halaan na may saluyot, namalengke kasi ako kaninang madaling araw."
"Ah," sabi ko sabay ngiwi. Mabango nga at nakakatakam pero hindi ako nakain niyon. What is saluyot and halaan, by the way?
Nag-shower ako at pagkalabas ng banyo ay naghahanda na ng pagkain sa lamesa si Samuel. Inalok niya ako pero tinanggihan ko siya. Hindi ako kumakain ng ganoong klaseng putahe. Saan kaya niya iyon nabili?
Naupo ako sa pwesto ko habang iniisip kung ano ang kakainin. Sawa na ako sa fastfood at ayoko na ring magluto ng noodles. Hindi naman ako pwede sa restaurant dahil kulang na ang pera ko. Kailangan kong magtipid dahil next month pa ang allowance ni Xyren.
"Tinakpan ko ang tirang ulam. Kapag nagutom ka ay kumain ka. May sinaing din na tira ko sa iyo," ani Samuel matapos hugasan ang pinagkainan. Namula naman ang mukha ko sa narinig. Hindi ko gusto 'yung sinabi nito. Tira-tirahan niya tapos ipapakain sa akin? Kilala ba niya kung sino ang sinasabihan niya ng ganoon? Kainis talaga ang lalaking ito!
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...