Chapter - 30

786 83 54
                                    

Mirasol

Pagod at patang-pata ang aking katawan sa tatlong beses naming pagniniig ng binata. Nang magising ako ay madaling araw na. Dahan-dahan akong umalis sa bisig nito at saglit na pinagmasdan ang nakapikit na lalaki. May kung anong damdamin ang biglang umusbong sa akin habang nakatitig sa gwapo nitong mukha. Mali man ang ibenta rito ang aking pagkababae ngunit wala akong nakapang kahit na anong pagsisisi sa dibdib. Sa halip ay nagpapasalamat pa ako sa Diyos at ito ang nakabili sa akin.

Kung sana ay hindi kami nagtagpo sa ganitong sitwasyon ay baka ma-crush-an ko ang binata. Pero alam kong imposible na gustuhin ako ng tulad nito. Hindi ako tanga para hindi malaman na sobrang yaman nito. Sino ako para magustuhan niya? Isa lamang akong pampalipas oras sa katulad nitong maraming pera. Ang nangyari sa amin ay ibabaon ko sa limot. Pipilitin kong kalimutan ang lahat at haharapin ang tunay na mundo. Kung saan naroon ang aking pamilya na naghihikahos. Anong karapatan kong magka-interes sa lalaki gayong mas kailangan kong isipin ang patong-patong naming problema?

Huminga ako nang malalim para alisin ang lungkot na biglang nadama. Bumalik sa isip ko ang pamangking may sakit. Kaya naman agad akong bumangon at isinuot ang damit kagabi. Sa lamesa ay nakita ko ang isang cheque. Kinuha ko iyon at agad nanlaki ang mga mata nang makita ang tumataginting na limang milyon na nakasulat doon. Maang akong sumulyap sa tulog na binata. Gaano kaya ito kayaman? naitanong ko pa sa sarili. Pero hindi ko maaatim na tanggapin ang ganoong kalaking halaga. Kung ano ang pinag-usapan namin ay iyon lang ang kukunin ko. Ang po-problemahin ko na lang ay kung paano ipapaliwanag kay ate Moneth ang lahat pag-uwi ko.

Agad kong hinanap ang wallet ng lalaki at natagpuan ko iyon sa bulsa ng pantalon nito na nakakalat sa sahig. Kinuha ko ang makapal na pera na naroon nang bigla akong matigilan. Kumunot ang noo ko nang makita ang nakasingit na larawan ng isang gusgusing bata. Tila ito nanlilimos habang hawak ang kalawanging lata. Sino kaya iyon? Ngunit agad ko na ring isinara ang wallet matapos kunin ang pera. Sa kapal niyon ay matitiyak kong lalampas sa isang daang libo ang halaga. Pwede na rin. Mao-operahan na si Lileth.

Bago lumabas ng kwarto ay sinulyapan ko pa ang binatang pinag-alayan ng sarili. Kung magkikita pa kami ulit ay tanging Diyos lamang ang makakaalam.

Paul Yuan

Ramdam ko ang marahang kilos ni Mirasol nang umalis sa silid na iyon. Nang imulat ko nang bahagya ang mga mata ay likod na lamang nito ang nakita ko nang tumalilis ito palabas. Ikinuyom ko ang kamao dahil sa pagpipigil na habulin ang bababe. Ilang saglit ang lumipas bago ako bumangon. Nasulyapan ko ang cheque na hindi kinuha ng dalaga. Inis akong huminga ng malalim. Hindi man lang ako hinalikan bago mang-iwan. Tsk. Mayamaya ay tumunog ang telepono sa tabi ko.

“Gising ka na ba?” boses ni Samuel.

“Natural! Sasagutin ko ba itong tawag mo kung tulog pa ako?” sarkastiko kong tugon na ikinapalatak ng lalaki.

“May ire-report kasi ako sa iyo tungkol kay Mirasol. Paalis kana kaya naisip kong sabihin agad.”

“Pumunta ka na rito!” ani ko na muling napasulyap sa cheque. Pagkuwan ay patamad akong bumangon at kinuha ang roba. Habang isinusuot iyon ay namataan ko ang mantsa sa gitna ng kama. Tanda ng pagka-birhin ni Mirasol. Napangiti ako sa sarili nang maalala ang lahat ng nangyari kagabi.

Pagbaba ko ng hagdan ay nasa sala na si Samuel.

“N-nakita ko si Mirasol na umalis,” imporma nito. “Hahabulin ko ba?”

“Huwag na,” iling ko. Paalis ako ng bansa at naisip ko na mas mabuting hindi na muna kausapin ang dalaga. Ngayong nakita ko na ito ay panatag na ang loob ko.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon