Chapter - 47

922 118 68
                                    

Moneth

Una pa lang ay tutol na ako sa pagpasok ni Mirasol sa Villanuevs Builders. Bukod sa sama ng loob ko kay Rina o Trisha at sa nakaraan nila ng anak ng may-ari niyon ay may mabigat pa akong dahilan na hindi ko nais pang ipaalam sa kapatid ko. Ang akala ko kasi ay tapos na ang kahibangan ng lalaki kay Mirasol pero mukhang nagkamali ako.

Binili nito ang bahay namin. Ano ang kapalit? Ibig sabihin ay nakasubaybay ito sa nangyayari sa amin. Isa pa ay alam ko na ito ang nilapitan ni Mirasol para makapag-loan ng pera sa kompanya nila na siyang ginamit sa operasyon ni Mang Bert. Hindi ko inusisa ang kapatid dahil hinihintay ko siya na kusang magsabi sa akin ngunit nanahimik ito.

Mula nang mapalitan ang CEO ng VBC ay napapansin ko na ang pagiging balisa ni Mirasol. Lagi itong natutulala na tila ba kay lalim ng iniisip. Tiyak kong si Yuan Villanueva ang dahilan. Dapat kasi ay isinatinig ko rito ang mga pagtataka ko, eh. Una ay iyong tungkol sa referral letter na ini-utos ni Samuel sa aking anak. Ngayon ay sigurado na ako na sinadya iyon para mapunta sa VBC ang kapatid ko. Isa pa ay noong party nila. May mamahaling damit at sapatos na ibinigay kay Mirasol at pa-driver pa. Ang sabi ng kapatid ay courtesy ng kompanya pero hindi ako tanga para paniwalaan iyon. Nakita ko si Vienna na nag-taxi lamang paalis at hindi nagkaroon ng ganoong damit katulad ng kaniya. Ibig sabihin ay hindi pa rin ito tinitigilan ng binatang Villanueva.

Hindi ako papayag na paglaruan nito ang kapatid ko! Ngayon pa lang ay kailangan ko nang harapin si Yuan Villanueva.

“Ma, saan ka papunta?” tanong ni Lileth nang makita akong nakagayak pagbaba ng bahay. Abala ito sa pagbabalot ng nilutong yema ni Mirasol kagabi sa mesa.

“Oo nga, Ate, bakit bihis na bihis ka?” segunda ni Tonio na katulong nito.

“May pupuntahan lang ako. Tulungan n’yo muna sa karinderya si Grace,” sabi ko.

“Ha? Saan ka naman papunta?”

“Sa VBC!” ang nakukulitan kong sagot sa kapatid. Nagkatinginan ang dalawa matapos kong sabihin iyon.

“Ano namang gagawin mo ro’n? Kung si Mirasol ang susundan mo ay i-text mo na lang. Baka hindi ka makapasok—”

“Hindi si Sol ang sasadyain ko roon.”

“Eh, sino?”

“Basta! Ang dami mong tanong.” Inis akong umalis ng bahay at iniwan ang nakamaang na anak at kapatid.

Samuel

Rest day ko kaya dapat ay nagpapahinga lang ako sa condo unit maghapon. Pero heto at nakatambay ako sa tapat ng karinderya nina Mirasol. Hinihintay kong lumabas sa bahay nila si lileth dahil ang text nito sa akin ay may negosyo na raw ito at inalok pa akong mag-franchise kuno. Hindi ko alam kung bakit magaan ang loob ko sa bata. Siguro ay dahil pareho kaming lumaking walang ama. Anak din kasi ako sa labas at binata na ako nang makilala si Tatay. Nalaman ko lang ang tungkol dito nang mamatay ang aking ina dahil sa diperensya nito sa puso. Actually, katulad iyon ng dating sakit ni Lileth. Ang kaibahan lang ay naagapan ang sa bata, pero ang kay Nanay ay hindi.

Ang dami ko pa namang labahin pero mas inuna ko ito. Hindi ko pa nga masyadong nae-enjoy ang condo na bigay ni Yuan. Isang beses pa lang yata akong nakakatulog doon dahil lagi ako sa mansion nila. Ang mayabang na iyon! Kahit nuknukan ng sama ng ugali ay mas galanteng ‘di hamak sa ama niya. Konti na lang ay magiging idol ko na ito.

Ilang minuto bago ko nakitang lumabas ang dalagita. Nang mamataan nito ang kotse ko ay natutuwa itong lumapit dala ang isang supot. Agad kong binuksan ang pinto ng sasakyan sa kabila para makapasok ito. Pasimpleng hinanap ng aking mga mata ang ina ng bata ngunit wala ito.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon