Chapter - 89

608 84 49
                                    

Mirasol

Masama pa rin ang loob ko kay Yuan dahil sa sinabi nito kanina sa mommy niya. Pagkatapos kumain ay saglit kaming tumambay na dalawa sa pool area. Tahimik ako habang katabi nito sa rattan chair. Hindi ko makalimutan ang sinabi nito na mukha raw akong bruha. Ang pangit tuloy ng tingin ko sa sarili.

Gusto ko na sanang umuwi kaya lang ay binanggit nito na may pag-uusapan daw kami. Hula ko ang iyong tungkol sa engagement. Hindi niya alam na nauna na ang mommy niya sa pagsasabi sa akin. Ano kaya kung huwag akong pumayag? Hmmp! Tutal sinabihan niya ako ng mukhang bruha. Dapat ay gumanti ako!

“Babe, pumayag si daddy na i-announce ang engagement natin sa anniversary party ng Villanueva Builders,” ani Yuan habang nakaakbay sa akin.

Sabi ko na nga ba!

Hindi ako tumugon para ipakita na masama pa rin ang loob ko. Kaya lang ay napakamanhid nito!

“Hey! Nakikinig ka ba?” untag niya.

“Uuwi na ako. Aayusin ko pa itong buhok ko para hindi na ako magmukhang bruha sa paningin mo!” pigil ang pag-irap na sabi ko sa nobyo.

Tumaas naman ang kilay ng binata sa aking pasaring. “Hindi ka naman mukhang bruha. Sabi ko bruha ng kagandahan. Galit ka ba?”

Talagang nakuha pa nitong magtanong!

“Nasabi mo na nga’y itatanggi mo pa. Saka anong bruha ng kagandahan? Kunwari ka pa. Ang sabihin mo’y napapangitan ka talaga sa akin!”

“What? Are you sure? Kung napapangitan pala ako sa iyo ay bakit pa kita pakakasalan, ha?”

Natameme naman ako sa sinabi nito. Saka ako napatitig sa mga mata ni Yuan at nakita ko ang nakakunot niyang noo.

“P-papakasalan mo pa rin ako? K-kahit bruha ako?”

“Tsk! Mirasol, naman! Tinotoyo ka rin ba tulad ng ibang girls? I didn’t mean what I said earlier, okay?” sabi pa nito.

Medyo napahiya naman ako sa inasal. Kasi naman nakakainis itong magsalita minsan. Sa sobrang prangka niya ay nakakasakit na ng damdamin. Mabuti sana kung sa akin lang niya sinabi na mukha akong bruha. Hindi iyong kaharap pa mismo ang parents niya. Napahiya talaga ako lalo na kay Sir Paolo.

“Kalimutan mo na iyong kanina. Nabigla lang ako sa buhok mo. Nagmukha kasing mop ng floor—”

“Anong sabi mo?!” bulalas ko na napatayo pa. Uuwi na talaga ako! Sumosobra na si Yuan! Ayos na sana, eh. Pero bumanat na naman ito.

Tumawa ang binata na tila siyang-siya sa aking reaksyon. Doon na talaga ako napika. Tinangka kong mag-walk out ngunit hinila niya ako pabalik ng upuan at nag-landing ako sa mga hita niya. Wala akong nagawa kun’di itakip ang dalawang palad sa mukha upang ikubli ang aking pag-iyak.

“Shhhh! I was just joking!” he said.

As if ganoon lang iyon? Mukha niya!

“Paul Yuan, sumusobra kana!” saad ko habang pigil ang hikbi.

Tumigil lang ito sa pagtawa nang makita na umiiyak ako. Niyakap niya ako nang mahigpit at pinatakan ng halik ang aking noo.

“Joke nga lang iyon. Tahan na...” Medyo nanunuyo na ang boses nito. Ano bang tingin niya sa akin? Bata na isang sabi lang niya na tumigil sa pag-iyak ay tatahan agad?

“Ang sama mo!” hikbi ko.

“Hindi kana mabiro ngayon. Bakit ang sensitive mong masyado? Buntis kana ba?”

“Ano?” nanghihilakbot kong reaksyon. Ako, buntis? Sira ba siya? Hindi, ‘no!

“Tahan na, ha!”

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon