Chapter - 96

544 86 54
                                    

Mirasol

Inaantok pa ako pero kailangan ko nang umuwi sa bahay agad. May emergency raw doon ayon kay Tonio. Mukha itong excited na hindi maintindihan kaya napigil iyong kaba ko kaninang tumawag siya. Tuloy ay napauwi agad ako nang wala sa oras. Si Yuan ang naghatid sa akin dahil wala siyang ibang gagawin ngayon. Hinihintay lang niyang tumawag si Samuel dahil may iuutos daw siya sa lalaki.

Habang nasa byahe ay nakahilig ako sa balikat ng nobyo at panaka-nakang tinititigan ang singsing na ibinigay niya sa akin kagabi sa engagement. Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang kasiyahan ko dahil doon. Paano’y naagaw ni Shine ang isip ko. Hindi ko pa alam kung ano ang dapat kong gawin sa nalaman ko. Naduduwag akong harapin ang dalaga.

Wala sa loob na napatitig ako kay Yuan. Iniisip ko kung alam kaya nito na may pagtingin si Shine sa kanya? Pero mukha namang inosente ang binata. Nasasaktan pa rin ako sa ginawa ni Shine pero hangga’t maari ay ayokong palakihin ang gulo sa pagitan namin. Hihintayin ko na kusa siyang umamin sa akin at humingi ng tawad sa nagawa. Maiintindihan ko naman siya kung sakali dahil alam ko namang hindi siya masamang tao. Natalo lang siguro ito ng emosyon. Iyon na lang ang iisipin ko para hindi magalit sa kaibigan.

“Nandito pala si Samuel, eh. Ang aga naman!” wika ni Yuan nang iparada nito ang sasakyan sa tapat ng bahay namin at makita ang kotse ng huli roon.

Pagpasok sa loob ay naabutan namin sina Tonio, Grace, Samuel at Ate Moneth na mga tahimik sa lamesa. Si Lileth ay nakahalumbaba sa baytang ng hagdanan. Ano kayang mayroon at parang seryoso ang mga ito?

“Ate! Tonio!” tawag ko sa mga kapatid. Kasunod ko si Yuan nang maupo. Yukong-yuko ang panganay naming kapatid na pinagtakhan ko.

“Buti dumating kana!” bulong sa akin ni Tonio.

“Ano ba’ng nangyari?”

“Sila ang tanungin mo!” turo nito kina Samuel at Ate Moneth. Lalo tuloy akong naguluhan. Si Grace ay pasimpleng inabutan ng juice si Yuan. Pagkuwa’y nagtungo ito sa kinaroroonan ni Lileth at nakitulala na rin sa pamangkin ko.

“Anong sinasabi ni Tonio, ‘Te?” baling ko sa kapatid.

“A-ano kasi... Wala lang iyon! OA lang iyang baklang iyan!” paiwas na sagot ni Ate.

“Wala lang ba iyon, Moneth?” biglang saad ni Samuel sa kanya na dumilim ang mukha.

“Lasing tayo kagabi—”

“Lasing din tayo no’ng gawin natin si Lileth. Paano kung mabuntis ka na naman ng wala lang na sinasabi mo?”

Napanganga ako sa narinig. Si Yuan na nananahimik ay biglang nasamid sa iniinom. Gulat itong napatitig sa lalaki pagkatapos ay umiling-iling na animo’y hindi makapaniwala.

“M-may nangyari sa inyo?” tanong ko na kay Ate nakatingin.

“Oo. Nilasing kasi ako ng Trisha na iyon, eh!” parang batang saad ni Ate Moneth. Tawa nang tawa si Tonio kaya inambaan siya nito ng suntok.

"Eh, paano na ngayon iyan, Ate? Pananagutan ka naman daw ni Samuel pero ayaw mo. Fuck buddy na lang kayo, ganoon?" anito na muling ikinasamid ni Yuan.

“Bakla ka talaga!” asik ni Ate saka hinila ang bangs niya.

“Eh, ano nang label n’yo? ‘Di ba wala dahil ayaw mo? Imposible naman na hindi n’yo iyon ulitin!”

“Tonio naman! May bata!” pigil ko rito pero hindi man lang ito nainle.

“Bahala na nga kayong dalawa. Malalaki na kayo. Basta huwag niyong susundan si Lileth nang hindi kayo nakakasal!” anito bago lumabas ng kusina.

“Kung magpapakasal kayo ay ngayong taon niyo na gawin!” biglang sabat ni Yuan kaya sinikmatan siya ni Ate.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon