Chapter - 80

692 88 47
                                    

Mirasol

Bago ang araw ng pagtungo namin sa Batangas kung saan ipagdiriwang ang birthday ni Dale ay sa condo ni Yuan ako natulog. Madaling araw pa lang ay gising na kami at naghihintay ng sundo namin. Napagdesisyunan kasi nila na sa iisang van na lang sumakay para daw masaya ang byahe, ayon kay Patrick. Sumang-ayon naman ang lahat para hindi mapagod sa pagda-drive. Kagabi ay kasabay namin itong nag-dinner kasama si Trisha na kadarating lang galing Canada.

Saktong 4:30 am, dumating ang van.

“Hoy, Yuan, sa likod na kayo!” sabi ni Patrick na bumaba pa. Naka-maong short ito, sandong puti at jacket na kulay green saka rubber shoes na green din. Halos kapareho lang ng suot ni Yuan pero kulay blue ang jacket nito at stripe naman ang short.

Bumaba rin si Trisha para kumaway sa akin. Naka-spaghetti strap top ito at maikling short saka flat shoes. Ako naman ay naka-romper short na tube style saka flat sandals.

“Ayoko sa likod. Kaskasero ang driver mo, baka mahilo lang ako sa byahe,” reklamo ni Yuan. Hindi ko kilala ang driver ni Patrick na sumilip sa bumukas na bintana. Katabi nito sa unahan si Xyren na natutulog.

“Wala ka nang magagawa. Kayo ang huling sinundo, e.”

“Tsk!”

Walang nagawa si Yuan at inakay na ako patungo sa sasakyan. Natigilan lang ito nang buksan niya ang pinto sa gilid. Nasa second row seat pala kasi si Sir Lucas na katabi si Samuel. Nakasandal sa may bintana ang huli habang nakapikit.

“Kasama ka?” taas ang kilay na reaksyon ni Yuan. Nagkatitigan ang dalawang lalaki.

“Baka hindi. Nakasakay ako, e!” sarkastikong sagot ni Sir Lucas. Marahas na huminga nang malalim si Yuan.

“Hoy! Lucas, kusa ka na lang sumakay!” saad naman ni Patrick na para bang nagpapaliwanag kay Yuan.

“Talaga ba, Patricio? Tito DM envited me. Hindi n’yo party iyon kaya huwag kayong OA!” ani Lucas.

Grabe. Nagtatalo ba sila?

“Dapat sa iba ka sumakay, hindi rito!” asik ni Yuan kaya kinuhit ko siya sa braso para patigilin.

“Pinilit lang ako ni Xy.”

“What?”

Lumapit si Yuan sa unahan ng sasakyan at dahil hawak pa rin niya ako sa kamay ay nakaladkad niya ako. Muntik nang mahulog ang natutulog na si Xyren nang bigla nitong binuksan ang pinto.

“Huh? Nasaan ako?” parang tangang wika ni Attorney nang biglang maalimpungatan. Luminga-linga pa ito kaya tinawanan siya ni Patrick.

“Gago!”

“Yuan?”

“Bakit kasama natin si Lucas, ha?” nandidilat ang mata na tanong ng binata.

Kinusot muna ni Xyren ang mata bago lumingon sa likuran, saka bumalik ang tingin sa tiyuhin. “Para sakto tayo sa sasakyan. Tipid pa sa gas.”

“Gusto mo ng suntok?” iritang reaksyon ng boyfriend ko. Hindi ko alam na ganito siya ka-against kay Sir Lucas.

“Babe, tama na iyan,” mahina kong awat.

“Kaibigan naman natin si Lucas kaya okay lang ‘yan, Uncle.”

“Hindi ko siya kaibigan!”

“Lalo naman ikaw!” ganti ni Lucas. Tiningnan ko ito nang may pakiusap pero mukhang hindi niya iyon balak pansinin.

“Tama na! Ang iingay n’yo!” nakapamaywang na awat ni Trisha.

“May natutulog po rito!” boses naman ni Samuel.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon