Chapter - 86

608 89 52
                                    

Mirasol

Ginabi ako pag-uwi kaya dali-dali akong nagpaalam kay Mico. Sa sobrang dami naming napagkwentuhan ay hindi ko namalayan ang oras. Inalok ako ng binata na ihatid sa amin ngunit tumanggi ako. Hindi na ito nagpumilit at nagpatawag na lang ng taxi para sa akin. Tulog na ang mommy niya kaya hindi na ako nakapagpaalam dito.

Malapit lang naman ang subdivision sa bahay kaya ilang minuto lang ay naroon na ako. Nabigla pa ako nang makitang naroon si Riko, katabi ni Grace sa upuan. Ang daming pagkain sa lamesa kaya kunot-noo akong nagtanong sa kanila kung anong mayroon.

“Birthday ni Riko, nakalimutan mo na?” sabi ni Ate.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Oo nga pala. Bakit ko nakalimutan iyon, eh madalas niya kaming inililibre tuwing kaarawan niya?

“Happy birthday. Sorry, nakalimutan ko,” sabi ko sa binata.

“Salamat, Mirasol. Hindi na ako naghanda dahil sinabihan ako ni Ate Moneth na ipagluluto raw niya ako.”

“Ganoon ba? Saglit lang, magpapalit lang ako ng damit,” paalam ko.

“Saan ka ba galing? Alam mo bang ang tagal naghintay ng boyfriend mo kanina?”

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig iyon kay Ate. Nagpunta rito si Yuan? Kinabahan tuloy ako ay mabilis na tinungo ang kwarto. Hinanap ko ang cellphone ko at nagulat ako sa dami ng missed calls at text messages doon. Lahat ay kay Yuan galing. Jusko! May pagbabanta pa!

Nagbihis ako ng pang-alis. Pupuntahan ko ang nobyo. Nakalagay sa mensahe nito na kung hindi ko siya pupuntahan ay huwag na raw akong magpakita sa kanya kahit kailan. Nakagat ko ang labi nang mabasa iyon. Hindi na muna ako nag-reply dahil tiyak na raratratin ako niyon sa tawag. Isa pa ay celebration ng kaarawan ni Riko. Hindi pwedeng basta na lang ako umalis ulit. Makiki-join muna ako ng konting oras bago pumunta sa condo.

“Oh, bihis ka? Paalis ka na naman?” puna ni Tonio nang maupo ako sa kusina.

“M-may kukunin lang ako. Mamaya pa naman ako aalis,” nahihiya kong sagot dito.

“Dito ka ba matutulog?” kunwari ay tanong ni Ate kahit alam naman niya na hindi. Umiling na lang ako saka patay malisya na kumuha ng pagkain sa plato.

Spaghetti, pancit palabok, at puto ang niluto nila para kay Riko. Mayroon ding dalawang kahon ng pizza-pizza-han na nabibili sa kanto. Naisip kong dalhan ng mga iyon si Yuan para may props ako.

“Nga pala, Riko. Ang dalas mo kina Vienna. Ano’ng meron?” tanong ni Grace sa binata kaya napatingin ako. Nakita ko ang tipid nitong pagngiti. Naalala ko tuloy ang halikan nila sa tapat ng unit ni Yuan. Sila na kaya talaga?

“Tinutulungan ko lang sila sa daddy niya. Sinasamahan ko pagpapa-check up,” sagot ni Riko.

“Akala ko’y busy ka sa pag-aaral kaya hindi ka nagagawi rito? Iyon pala ay na kina Vienna ka lagi,” ani Ate.

“Baka iba na iyan, ha? Alalahanin mo, masama ang ugali ng mag-inang iyon. Baka may gawing masama sa iyo,” wika naman ni Tonio.

“Hindi naman siguro. Mabait na kaya si Vienna,” pagtatanggol nito sa dalaga kaya nagkatinginan sina Grace at Tonio.

Wala naman akong masabi dahil na kay Yuan ang utak ko. Sana lang ay hindi pa ito masyadong nakakunot-noo pagdating ko.

“Kumusta na pala si Mang Bert? Hindi ko na madalaw sa dami ng gawa ko,” tanong ni Ate pagkatapos.

“Umaayos na. Ilang therapy session na lang siguro’y makakapagsalita na siya nang maayos.”

Habang nag-uusap kami ay dumating naman si Lileth kasama ng papa niya. Ang dami nitong dalang bagong mga damit. Inaya naman namin si Samuel para kumain at nagpaunlak naman ito kahit naiilang kay Ate Moneth.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon