Mirasol
Pagkabalik namin sa opisina ay pinasunod doon ni Yuan sina Xyren, daddy nito na si Sir Xander at Sir Charls. Tahimik naman akong naghain ng kape kanila habang nag-uusap nang seryoso tungkol sa naging meeting kanina.
“Kailan ang punta rito ng big client natin? Akala ko ay napapirma mo siya ng kontrata sa Spain? Ano iyong sinabi mo sa meeting?” sunod-sunod na tanong ng daddy ni Xyren kay Yuan.
“He just said na tayo ang kukunin niya. He gave me the assurance. Hindi ko lang maintindihan ang matandang iyon. Bakit parang wala siyang tiwala sa VBC?” ang iritadong sagot ng binata.
“Baka naunang mag-alok ang Blue ladder sa iyo? Ano ba ang sabi?” kalmado namang tanong ni Sir Charls.
“Wala siyang sinabi. Basta umoo lang. Hintayin ko raw siyang umuwi ng Pilipinas kaya umalis na ako. Ano pang gagawin ko ro’n?”
“Tsk. Sayang ang project na iyon kung masusulot na naman ng iba...” maingat na komento ni Xyren.
“Dumarami na ang nawawalang project sa atin. Hindi dapat tayo maging kampante.” Si Sir Xander ulit.
“Paano kung tama ang hinala ni Yuan na may traidor sa kompanyang ito? Halos pareho lagi ng design niya ang inilalabas ng kabila. Imposible naman na pareho sila ng utak!” sabat ni Xyren.
“Sa bagay na iyan...Hmmm. I think I was wrong,” ani ni Yuan na humawak pa sa baba niya. “Pareho kami ng style, almost the same. Kailangan nating makilala kung sino ang head architect ng Blue ladder para malaman natin ang totoo kung bakit pareho kami ng idea.”
“Walang gano’ng tao! Ano iyon ginagaya ka? Idol ka ba?” sarkastikong reaksyon ni Xyren.
“Anong gusto mong isipin ko? Na may traydor talaga rito? Kung mayro’n man, si Lucas iyon! Iba ang pakiramdam ko sa kanya!”
Gusto ko sanang sawayin ang nobyo pero wala akong karapatang sumabat sa usapan. Tingin ko naman ay hindi ganoong tao si Sir Lucas. Bakit ba mainit ang dugo nila sa isat-isa?
“Si Lucas iyon, Yuan. Kahati mo sa kompanyang ito. Imposibleng siya ang kalaban mo!” iling ni Sir Charls.
“Malay ba natin sa iniisip niya? He hates us! Sinisisi niya si daddy sa pagkamatay ni Tito Brix. Kaya niya gustong pakasalan si Paulin noon ay dahil gusto niyang maangkin ang kompanyang ito!”
“Saan mo naman nalaman ang mga iyan?!”
“Sa kapatid ko!”
Lahat kami ay walang masabi matapos iyong marinig kay Yuan. Totoo ba? Iyon ba ang dahilan kaya nagkahiwalay ang dalawa? Dahil sa nalaman ni Pauline ang tungkol doon? Pero ang hirap talagang maniwala. Imposible! Hindi ganoon ang tingin ko kay Sir Lucas.
“May ibedensya ba si Pauline? Knowing your sister, padalos-dalos siya at mabilis mapaniwala sa kasinungalingan—”
“Hindi siya ganoon!”
“Yuan!” iling ni Sir Charls. “Hindi ako maniniwala hangga’t walang ibedensya. Anak siya ni Brix. Hindi ganoon ang pagkakakilala ko sa batang iyon kahit pa hindi ko nasubaybayan ang paglaki niya. Kahit si Paolo ay tiyak na hindi rin paniniwalaan iyang mga sinabi mo.”
Marahas na huminga si Yuan. “Yeah. I know. But I still don’t trust him.”
Nang maiwan kaming dalawa sa opisina ay tahimik akong naupo sa tabi ng nobyo. Hawak nito ang dalawang sentido habang nakapikit. Halatang stressed si Yuan sa dami ng nakaatang sa kanya.
“O-okay ka lang?” nag-aalala kong tanong.
Tumingin siya sa akin at tipid akong nginitian. Hinawakan niya ang isa kong kamay saka iyon pinisil.
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...