Samuel
Gabi na nang ipasya kong magtungo sa bahay ni Samson, tatay ko. Ang tagal ko kasing nagdalawang isip at uminom pa ako sa loob ng kotse ko bago ako nakapagdesisyon. Madalang lang akong magtungo rito, tuwing may okasyon lang o ‘di kaya ay kapag may importanteng patawag ang tatay ko. Hindi ko kasi kino-consider ang sarili ko as his family dahil sa pagiging anak ko sa labas. Para sa akin, sampid lang ako sa bahay na iyon. Sampid lang ako sa buhay ni Samson.
Buti na lang gising pa iyong nag-iisang kasambahay nila. May susi naman ako ng bahay pero naiwan ko. Pagkapasok ay dumiretso muna ako sa kwarto na nakalaan sa akin. Nagpalit ng damit bago lumabas ulit at tinungo ang counter. Naghanap ako ng alak. Buti mayroon. Iyon nga lang, natulala na naman ako habang nagsasalin niyon sa baso.
Gusto ko na namang umiyak! Dapat hindi ko na lang nalaman ang totoo. Para may mukha pa akong humarap kina Moneth at Lileth.
“Samuel?”
Gulat akong napalingon kay Samson. Gising pa rin pala ito.
“G-good morning po. Dumaan lang ako,” sabi ko. Ala-una na ng madaling araw kaya good morning na.
“Mabuti naman at naalala mong pumunta rito. Lagi kang tinatanong sa akin ng Tita mo, e.”
Masaya ba siya na nakita ako? Ngiting-ngiti, e.
“Busy lang po sa trabaho.” Binuksan ko ang alak at nagsalin sa baso. Good thing, palainom ang boss ko kaya tumaas ang alcohol tolerance ko sa paglaon. Nakatingin lang si Samson sa akin. Siya naman talaga ang sadya ko kaya nagtungo roon.Ewan ko ba. Sabi ko noon sa sarili, suntento lang nito ang kailangan ko. Sapat na na nakilala ko siya. Hindi ako mang-aagaw ng atensyon at pagmamahal niya mula sa tunay niyang pamilya. Pero ito agad ang naisip ko kaninang para akong nawawala sa sarili. Kung kailan matanda na ako ay saka ko naisip na kailangan ko ng tatay! Kailangan ko ng masasandalan sa ganitong pinagdaraanan. Hindi ko kasi alam ang gagawin.
Pero ngayong kaharap ko na ang ama, para akong napipilan ng dila. Nakakahiya pala. Hindi naman kasi kami ganoong ka-close. Mas close pa siya kay Yuan. Nagselos pa nga ako noon sa boss ko dahil feeling ko’y mas concern ito sa binata kaysa sa akin na anak niya. Siguro dahil mas matagal na silang magkasama kaysa sa amin.
“Iinom ka? Ang aga naman niyan?” Sabay upo sa tabi ko. Kung kailan nakatatlong tagay na ako ay saka pa siya nagtanong.
Hindi talaga kami close nito, e. Paano ba naman binata na ako nang makilala siya. Tapos may iba pang pamilya kaya feeling ko panggulo lang ako. Kaya ang hirap aminin na kailangan ko siya ngayon. Ilang beses muna akong tumikhim bago ko nagawang magsalita. Sana lang hindi ako maiyak.
“Pa...” tawag ko. First time iyon kaya nagulat siya.
“Bakit? Ano iyon?” kunot-noo niyang tanong.
In-straight ko muna iyong isang basong alak bago tumingin dito. “M-may naanakan ako.”
Malaki na nga ang mata ni Samson ay lalo pang nanlaki nang marinig ang sinabi ko. Bigla na lang itong tumagay at wala sa oras na napainom ng alak.
“A-ano kamo?” Namutla ito bigla.
Naisuklay ko ang daliri sa buhok. Saka ko ikwinento sa kanya ang lahat. Naging maingat siya sa pakikinig hanggang matapos ako.
“Ano pang hinihintay mo? ‘Di sabihin mo ang totoo. Iyong nanay muna ang kausapin mo para dalawa kayong sabay na magsabi sa apo ko.”
Apo ko? Parang ang dali lang sa kanya. Sabagay, ganoon din siya noong malamang anak niya ako. Walang pagdadalawang isip na kinupkop ako.
“Natatakot po ako.”
“Saan ka naman matatakot? Hindi mo naman kasalanan ang nangyari. Pareho kayong lasing at siya ang basta na lang umalis pagkatapos ninyong mag-sex?”
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...