Chapter - 101

659 88 58
                                    

Mirasol

Gabi na nang makarating kami sa bahay. Tahimik si Yuan at tingin ko pa ay pinipigilan lang nito ang pagsimangot. Kaya nagtaka ako nang bumaba rin ito ng sasakyan at sumama sa akin papasok. Hindi na lang ako nagkomento sa ginawa ng nobyo.

Pagpasok sa bahay ay saktong naghahain ng hapunan sina Ate at Tonio. Naroon din si Samuel kaya nagkagulatan pa sila ni Yuan. Iniwan ko ang dalawa na nagbubulungan sa may sala. Umakyat ako sa kwarto para magpalit ng pambahay na damit. Pagbalik ko ay naka-upo na silang lahat sa kusina. Tahimik akong tumabi sa kasintahan at inasikaso ito sa pagkain. Tahimik ang lahat kaya hindi na rin ako umimik.

Nakakapanibago si Ate Moneth. Tingin ko ay naiilang ito sa amin. Kabaligtaran nina Samuel at Lileth na halatang masayang-masaya. Si Yuan naman ay talaga yatang nalasing ni Kuya Rommel. Namumungay kasi ang mga mata niya at hindi gaanong makakain, sa halip ay panay ang inom nito ng malamig na tubig.

“Mirasol, Tonio, may sasabihin kami ng ate n’yo pagkakain natin,” biglang saad ni Samuel.

Nakita ko ang pandidilat ng mata ni Ate Moneth sa kanya pero ngumisi lang ang lalaki.

“Naku, Samuel, ha! Nae-excite ako!” ani Tonio.

“Nanliligaw na yata si Papa kay Mama, e,” sabat pa ni Lileth kaya pinagsabihan ito ng ina.

Pagkatapos nga naming kumain ay lumipat kami sa sala. Si Lileth ang inutusan ni Ate na maghugas ng plato. Siguro ay para hindi ito makasali sa magaganap na pag-uusap.

“H-hindi ka pa ba uuwi?” tanong ni Ate sa nobyo ko. Mukhang naiilang ito sa presensya ni Yuan.

Para namang nang-aasar pa ang binata na humilig sa aking balikat. “Dito ako matutulog,” anito na ikinalaki ng mga mata namin.

“Ano?” reaksyon ng nakatatandang kapatid.

Kinurot ko naman ang braso ng binata. “Anong sinasabi mo riyan? May usapan tayo, ‘di ba?” mahina kong tanong sa kanya.

“Forget the babe thing. Tatabi ako sa iyo pagtulog ngayon,” bulong din nito sa akin.

“Yuan, hindi ka pwede rito!”

“Bakit naman? Nakapasok kana nga sa kwarto ko tapos ako’y hindi pwede?” Ngumuso pa ito na parang bata. Nahihiya tuloy akong tumingin sa mga kapatid.

“Hayaan mo na siya, Mirasol. Dito rin naman ako matutulog,” ani Samuel na muli naming ikinagulat. Nasamid pa si Ate bago umiwas ng tingin sa amin. Hindi nito sinalungat ang sinabi ni Samuel?

“See? Nagtatabi na rin sila ni Moneth! Kaya pwede rin sa kwarto mo?!” ani Yuan kaya matalim siyang tinitigan ni Ate habang namumula.

“Oo na, Yuan! Huwag ka nang magsalita ng kung ano-ano!” sabi ko sa nobyo. Mabuti na lang at nanahimik na ito. Muli siyang sumandal sa aking balikat at hindi manlang ininda ang talim ng titig ng ate ko.

“Ako lang pala ang walang partner ngayong gabi,” ang natatawa namang komento ni Tonio.

Sumeryoso ako at tinanong si Samuel tungkol sa pag-uusapan namin. Para kasing napipi ang dila ni Ate Moneth dahil sa kadaldalan ni Yuan.

“Tonio, Mirasol, gusto lang naming ipaalam sa inyo na kami na ng ate n’yo—”

Hindi pa man lang nakakatapos sa sinasabi si Samuel ay kinilig na agad si Tonio. Samantalang si Yuan naman ay pumalakpak at nakipag-shake hands pa sa lalaki.

“Mag-leave ka muna sa akin, Samuel. Asikasuhin n’yo na agad ang kasal ninyo!” wika ni Yuan na ikinanganga ko.

“Tsk! Panira ka naman ng moment!” naiiling na saad ni Samuel sa kanya.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon