Chapter - 66

906 96 48
                                    

Mirasol

Tumutulo pa ang dulo ng buhok ko pagbaba dahil sa mabilisang pagligo. Gusto ko mang magtago sa nobyo dahil sa kahihiyan ay hindi ko kaya dahil sa pagka-miss ko rito. Siniguro ko na presentable na ako pagharap sa kanya.

“Hi. Pasensya kana kanina. Kagigising ko lang kasi. Hindi ko alam na pupunta ka,” sabi ko nang makabalik sa sala.

“It’s okay. Cute ka pa rin naman. Bagay sa iyo ang role ni Sisa. Saan ka ba magpi-play?” tanong pa nito na ikinamaang ko.

Naniwala talaga ito sa sinabi ni Tonio?

“K-kalimutan mo na iyon. Wala lang iyon.”

“Ganoon ba?”

Tumango ako. Mayamaya ay iniabot nito ang dalang paper bag.

“Ano ito?”

“Regalo ko sa inyo.”

Nang tingnan ko ang laman ng paper bag ay nakita ko ang ibat-ibang uri ng cosmetic product.

“Ang dami naman nito?” reaksyon ko.

Nagkibit ito ng balikat. “Hindi ko kasi alam kung anong ginagamit n’yo kaya pinabili ko na lang lahat iyan kay Samuel.”

“S-salamat, ha?”

Nahinto ang usapan namin nang lumapit si Ate Moneth.

“Sumabay na kayo sa hapunan namin. Tara na sa kusina,” aya nito na may kakaibang ningning sa mga mata.

“Ate . . .” sambit ko nang maalala kung ano ang ulam namin.

“Bilisan n’yo na!” sabi ng kapatid na binalewala ang aking makahulugang tingin.

“Busog pa ako pero sige na nga,” boses ni Yuan na naunang tumayo sa akin. Natitigilan naman ako sa pagkakatitig sa nobyo. Kumakain ba ito ng kangkong at tuyo?

Paul Yuan.

Masaya akong nagpaunlak sa paanyaya ni Moneth na doon maghapunan. Bukod sa makakasabay ko sa pagkain ang girlfriend ay feeling ko’y close na kami ng ate niya. Patunay ang magiliw nitong pang-aalok kanina.

Iyon nga lang, bigla akong natigilan nang makita ang nakahain sa table. Fried fish na parang sunog at isang bungkos na damo ang ulam nila. May sawsawang suka sa tabi ng damo at hindi ko alam kung para saan iyon. Wala namang chicharon ay kung bakit may suka? Ano’ng klaseng pagkain iyon?

“Boss, maupo na tayo bago pa uminit ang ulo ng ate ni Mirasol,” bulong sa akin ni Samuel. Noon ko lang naalala na nakatayo pa pala ako sa may table.

“Kain na!” tawag ng babae sa amin. Wala akong nagawa kun’di maupo sa gitna nina Samuel at Mirasol.

“Anak mayaman ka kaya naiintindihan ko kung hindi ka pa nakakakain ng ganito. Ang tawag dito ay tuyo o dried fish at ito naman ay ginisang kangkong,” sabi pa ni Moneth.

I knew it! Naalala ko na. Kangkong nga ang tawag sa damong ulam nila. Ito iyong madalas ipakain sa alagang kambing nina Dale sa farm nila sa Batangas.

Bigla tuloy akong nandiri sa naalala. Kaya lang ay nakita ko ang naghahamong tingin ng ate ni Mirasol kaya napilitan akong sumandok ng kanin na ini-aabot ng nobya.

“Samuel, bakit may suka?” palihim kong tanong sa tauhan. Buti pa ito, mukhang masaya sa kakaining damo.

“Diyan isasawsaw ang tuyo. ‘Di mo pa ba na-try iyan?”

“Shhh! Quite!” mariin kong saway rito sabay tingin sa mga kaharap. Alam ko ang dried fish pero kakaiba ang nakahain sa table nila.

“Babe, okay ka lang?” mahinang tanong ni Mirasol.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon