Mirasol
“Parang ikaw ito, Babe.”
Natigilan ako nang sabihin iyon ni Yuan. Pagkuwa’y inagaw ko ang larawan mula sa kamay niya at pinagmasdan iyon.
“Paano mo naman nasabing ako ito?”
“Wala lang. Cute, e.”
Napangiti ako sa narinig.
“Look, parang may sulat,” sabi pa nito nang magpatuloy sa paghahalungkat. Agad ko naman siyang pinigilan sa ginagawa.
“Baka kay Ate ito. Ibabalik ko na lang sa bahay,” sabi ko na inagaw ang box mula sa binata. Kibit-balikat itong tumango. Inayos ko ang pagkakatiklop ng lampin at baro nang bigla ay may mapansin akong burda roon. Maging si Yuan ay nakita iyon.
“Letter B?” patanong nitong baling sa akin.
Pati ako ay nagtaka kung bakit may burda ng letrang B ang bihisan na iyon ng sanggol. Wala sa amin ang may pangalan na nagsisimula sa ganoong letra at maging ang apelyedo namin ay letter A ang initial.
Nasa ganoon kaming ayos nang biglang dumating si Tita Yuna. Nakita nito ang hawak ko at tulad namin ay kumunot din ang noo ng ginang.
“Kanino iyan?” tanong nito na palipat-lipat ng tingin sa amin.
“K-kay ate po yata. Aksidente kong nadala rito,” paliwanag ko.
“Mom, may naka-embroid sa damit. Naalala kong marunong ka nga palang magburda noon,” ani Yuan sa ina.
“Oo. Lahat ng gamit ninyo noong baby pa kayo ni Pauline ay binurdahan ko ng letter V.,” sagot ng babae. Napuna ko na natigilan si Tita Yuna nang makita ang nakaburda sa lampin na hawak ko.
“Uso kasi iyan noon, Babe. Iyong pag-e-embroid gamit ang kamay. Binuburdahan ng mga mommy ang damit ng baby nila. Baka binurda iyan ng nanay mo noon,” sabi naman sa akin ni Yuan.
Pero bakit iba ang letter?
Napansin ko ang tila malalim na pag-iisip ni Tita. Ganoon pa man ay isinara ko na ang kahon at ibinukod iyon sa mga gamit ko. Bukas ay idadaan ko ito sa bahay. Tiyak na kay Ate Moneth ang mga iyon.
NANG GABING iyon ay kinabahan ako nang ipatawag ni Tito Paolo sa opisina niya. Wala akong ideya sa pag-uusapan namin pero malakas ang kutob ko na tungkol iyon sa tuluyan kong pagtira sa bahay nila.
“T-tito...” tawag ko matapos isara ang pinto.
“Mirasol, maupo ka. May sasabihin lang ako sa iyo,” anito. Kinakabahan akong naupo sa couch. Mayamaya ay tumayo ito at pumuwesto sa katapat kong upuan.
“First, welcome to our home. You are part of our family now at kasal na lang ang kulang sa inyo ni Yuan. Pagkatapos ng kasal nina Samuel at Moneth ay kasal n’yo naman ang kasunod.”
“M-maraming salamat po, T-tito—”
“Pwede mo na akong tawaging daddy. Para na rin kitang anak ngayon.”
Lihim akong natuwa sa narinig. Ngayon lang ako kinausap nang ganito ng lalaki. Pakiramdam ko tuloy ay tanggap na tanggap na niya ako para kay Yuan.
“S-salamat po, D-dad—dy,” nauutal kong sabi.
Tumango ito. “Alam kong hindi na ito kailangan pero gusto ko lang magpaliwanag tungkol sa ginawa ko noon sa inyo ng anak ko. Bata pa si Yuan noon at mas lalo kana. I need to protect the two of you kaya pinili ko ang paalisin kayo rito.”
“N-naiintindihan ko po kayo.”
“Thanks. Ngayon ay nasa tamang edad na kayong dalawa. I can say that you are really meant to be together.”
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...